Invited halos lahat ng media para sa announcement ng remake ng Dugo sa Bughaw. Ang mga hindi na-invite ay gumawa ng kanya-kanyang paraan para makapasok sa venue. Bribery, X-deals at mga fake na invitations, makakuha lang ng exclusive, or masabi lang na naka-attend sila. Ganun na lang ang fanfare sa likod ng proyekto.
At sa kanyang part, hindi pa rin makapaniwala si Andrea na involved siya. Ready ba siya rito? Enough na iyong masabing kasama siya. Okay na siya sa hindi bonggang contract signing. Ganun na lang excitement niyang makita ang sarili na paakyat ng stage sa pinakamalaking presscon ng taon. Humawak siya sa braso ni Joe, ninenerbiyos na mga kamay. Nakababa pa ang kurtina ng stage kung saan may mahabang mesa kung saan nakaupo sina Bernie, Patricia, Lance, at iba pang cast ng Dugo sa Bughaw remake. Sa likod ng kurtina, rinig ang ingay ng mga nagaantay na media.
Tumayo si Bernie nang makita si Andrea.
"Finally! The famous Andrea Rosa!" sinalubong ng mega producer si Andrea at sila'y nagbeso.
"T-thank you," naiiyak na sabi ni Andrea.
"The honor is mine! Napirmahan mo na ba 'yung contract?"
Tumango si Andrea.
"O, siya, take a seat. Maguumpisa na tayo," sabi ni Bernie.
May mataray na tingin si Patricia habang pinanood na maupo si Andrea sa bandang dulo ng mesa. Sa mesa, may kanya-kanya silang nameplate at maliit na microphone with stand. Si Joe ay nakaupo sa bandang gitna katabi ni Bernie. Overwhelmed si Andrea. Noong artista siya dati, hindi ganito ka-engrande.
Dahil mahilig si Bernie sa mga bagay na grand. Isa na ang grand event. Ang auditorium ay may seating capacity para sa mahigit na 500 na katao at may 4-foot na elevated stage. Ang ceiling headroom nito ay nasa 30-35 feet. May control room para sa sound, projector at lighting. May emergency exits sa magkabilang bahagi ng auditorium, at podium sa isang side kung saan nakatayo ang host.
"Good afternoon, Ladies and Gentlemen," sabi niya sa microphone. "It is my honor to present..."
Dahan-dahang tumaas ang kurtina ng stage. Bumukas ang mga spotlights. Palakas nang palakas ang palakpakan at hiyawan ng tao.
"The cast and crew of Dugo sa Bughaw!"
Nang ma-reveal ang stage ay nagsitayuan ang full house na auditorium. Mga media people mula sa lahat ng newspapers, TV at iba pa. May mga fans din na dumalo at may hawak na placards: "Patricia Fans Club," "Lance Fans Club," at ang katatayo pa lang na "Patricia-Lance Fans Club." Sumabog ang auditorium sa lakas ng palakpakan, hiyawan at tilian.
Ang pinakaaabangan na segment ng lahat ay ang question and answer portion kung saan may microphone sa gitna ng main aisle kung saan magtatanong ang mga reporter.
"Tito Berns! Bakit mo naisipang i-remake ang Dugo sa Bughaw?" tanong ng unang reporter.
"It came to me in a dream," may pa-emote na sagot ni Bernie. "In all my years as a mega producer, I have been dreaming to make a film I will be remembered for. And what better choice than to bring the greatest Filipino film of all time to today's audience. And speaking of dreams, tignan n'yo naman ang mga taong involved sa movie na ito, it's a dream team!"
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
General FictionInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...