Dahil sa sampalang naganap ay maagang natapos ang shoot para sa araw iyon. May tatlo pa sanang mga eksena sa mansion ang naka-schedule, pero minabuti na muna ni Joe na pagpahingahin ang lahat sa pangambang lumala pa ang sitwasyon.
Dumiretso sa kanilang hotel room sina Andrea at Evelyn mula sa set. Umorder na lamang ng room service at doon na naghapunan. Deluxe room ang sa kanila, twin bed na may side table sa pagitan. May dresser, cable TV, maliit na ref at bathtub. Sa balcony, kita ang mabituin na langit. Alas-Siyete ng gabi at nanonood ng palabas sa cable si Andrea. Maririnig ang flush nang lumabas ng banyo si Evelyn.
"Sa Presidential Suite daw eh me jacuzzi," muni niya.
"Aanhin mo naman yun?" tanong ni Andrea.
"Aba, masarap kaya mag-relax sa jacuzzi. Lalo na 'pag manas ang katawan mo at mainit ulo mo."
Nahiga si Evelyn sa kanyang kama at nanood din ng TV. Tahimik sila, nasa isip pa ang nangyari sa set.
"Napaka-unprofessional ng Patriciang 'yon," hindi napigilang sabihin ni Evelyn to break the silence. "E ano naman kung mas maganda acting mo kesa sa kanya? Bakit siya mate-threaten? Gusto niya siya lagi sikat sa eksena? 'Di naman pupwede 'yun! Tapos, ipepersonal n'ya. 'Pag ako sinampal ng ganun, suntok ang ipapalit ko. Pero, okay ginawa mo ha. Tama 'yun. Lumaban ka."
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaganon," buntong-hininga ni Andrea. "Ngayon lang ako nawala sa sarili ng ganon."
"Minsan may sira ka din kasi..." sabi ni Evelyn, at natawa nang may naalala. "Ikaw naman kasi, inumpisahan mo. Turuan mo ba naman si Patricia kung paano umarte. Nainsulto tuloy."
Bigla na lang nangatwiran si Andrea na galit.
"Eh, tutoo naman! Mali ang pagarte niya kay Leonora. Hindi ganun si Leonora! Hindi!"
Naalarma si Evelyn sa biglang putok ng emosyon ni Andrea.
"Easy lang. Kakampi mo ko. 'Wag mo ko awayin."
"S-sorry," hinahon ni Andrea.
"Ito na lang maipapayo ko," tugon ni Evelyn. "Mahirap ang me kaaway. Alam mo 'yan. Lalo na 'yung malakas sa taas. Si Patricia, alaga ni Tito Berns 'yan. Sana lang hindi siya nagtatanim ng galit."
Siryosong payo ito mula sa isang beteranong manager. Matapang si Evelyn, hindi siya ang tipo na magdadalawang-isip na papatol sa aapi sa kanya, kahit na isa itong sikat na artista sa kalibre ni Patricia Nicolas. Ito'y sa dahilang wala namang mawawala sa kanya. Pero, sa tulad ni Andrea, hindi afford ng matandang actress ang eskandalo, lalo na't wala siyang hatak na malakas. May kaba si Evelyn para sa magiging lagay ni Andrea sakaling lumala pa ang sitwasyon.
Samantala, sa kabilang banda...
Ang Presidential Suite ng hotel ay papasa sa international standards sa laki ng space at magandang furnishings. May sarili itong 4-seater na sala adjacent sa bed area, terrace with coffee table, at study table. At bukod pa sa shower room, ang binanggit ni Evelyn na jacuzzi.
BINABASA MO ANG
Dugo sa Bughaw
General FictionInspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tu...