Chapter 27: Mga Planong Umiikot sa Ulo

267 26 0
                                    

Kinaumagahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinaumagahan. Nagmamadali ang PA Girl sa paglalakad. Mabibilis ang kanyang hakbang papunta sa hotel room ni Andrea, at nang makarating sa pintuan ay dali-dali siyang kumatok only to find out na bukas pala ang pinto.

Madilim ang loob ng kuwarto nang kanyang silipin. Nakasara ang kurtina. Dahan-dahang humakbang paloob ang PA Girl sa loob yakap-yakap ang kanyang clipboard sa dibdib.

"Ma'm? Ma'm Andrea?" tawag niya.

No response. Humakbang pa ang PA Girl at sa mahinang sinag na mula sa kurtina, nakita niyang may nakaupo sa upholstered chair sa sulok ng kuwarto na nakatapat sa pader. Nakatalikod ang upuan kung kaya't hindi niya agad masabi kung si Andrea nga ang nakaupo pero nang makalapit pa'y nakasiguro siya na ang matandang actress nga iyon. Pagka't nakasandal si Andrea sa upuan, naka-bent ang leeg at ang kaliwang kamay ay nakababa mula sa arm rest kaya't ito ang napagkakilanlan ng PA Girl. Nguni't, may hindi tama sa tanawing ito.

"Ma'm Andrea?" may kabang tawag ng PA girl. Sa isip niya, patay na ba si Ma'm Andrea pagka't hindi ito gumagalaw? Ang kamay ay nakalaylay na tila walang buhay.

Dahan-dahan na lumapit ang PA Girl tungo sa kinauupuan ni Andrea. Napapa-dyuskopo siya at ini-expect ang the worse—na nalagutan na ng hininga ang matandang actress. Ngunit, nang aabutin na sana niya ang nakatiwangwang na kamay para pulsuhan ay biglang may nagsalita.

"Ano yon?" tanong ni Andrea.

Napatalon ang PA girl sa gulat at napahawak sa kanyang dibdib. Naramdaman niyang umayos ng upo si Andrea.

"Ma'm, andyan na po ang service," inform ng PA girl

"Okay, thank you," sagot ni Andrea. May gasgas ang tunog ng kanyang boses pagka't hindi siya gaanong nakatulog sa kakaiyak kagabi at mag-aalas 5:00 na ng umaga nang dapuan siya ng antok.

"S-sige po, Ma'm."

May alanganing ngiti ang PA girl bago lumabas ng kuwarto, kalahating lakad niya'y patalikod. Hindi niya man nakita ang mukha ni Andrea ay nadinig naman niya ang boses. Buhay ito at nakahinga siya nang maluwag. Pero, lingid sa kanyang kaalaman ay hawak pala ni Andrea sa kanang kamay ang .45 na baril.

Dumaan na sa isipan ng matandang actress na gamitin ang baril sa sarili. Naglaban sa sarili ang pasyang wakasan ang kanyang buhay. Na-imagine na nga niya ang shock ng mga tao kapag natagpuan ang bangkay niya sa madilim na hotel room. At kung nagkataon sana, ang litratong maaring lumabas sa tabloid ay sumagi rin sa kanyang isipan: naka-higa siya sa ambulance stretcher at natatakpan ng kumot habang nilalabas ng mga nurse. Parang si Marilyn Monroe lamang at halintulad din ng ibang mga actress sa pelikula ng sinaunang panahon. Pero, naisip din niya na kung kukunin man niya ang sariling buhay, gusto niya yung madramang wakas. Besides, nasabi niya sa sarili, kung may baril ka, maraming pwedeng gawin. At may buong gabi siya para pag-isipan ito. At dahil buhay siya sa pagsikat ng araw, nagbago lahat ng kanyang mga plano.

Nang wala na ang PA girl ay tumayo si Andrea, nagayos ng buhok at dinampot ang kanyang bag at doon ipinasok ang baril. Bago lumabas ng kuwarto ay ilang beses pa niyang sinilip ang loob ng bag upang siguraduhing naroon ang baril.

#

Alas 8:15 AM. Naghihintay sa harapan ng hotel sina Patricia, Gina, at Lance para sa van na maghahatid sa kanila papunta sa beach cove para mag-shooting. Ngayon araw, ishu-shoot ang cliff scene—last scene ng movie, 2nd to the last day ng shoot—may 1 day allowance sakaling may additional scenes pa na kakailanganin.

May dumaang mommy and teenage daughter na excited na nagpa-picture kina Patricia at Lance. At si Gina ang taga-picture.

"Okay, 1...2...3..." sabay pinindot ni Gina ang snapshot ng i-Phone.

Humiling pa ang mag-ina ng isa pa, at pinaunlakan naman nila. Nag-thank you ang mga ito at masayang umalis. Agad na nagsuot ng dark sunglasses si Patricia para hindi na ma-recognize pa.

"Where's the van? Tagal naman kasi," angal niya.

"Chill ka lang. Padating na yon," assure ni Lance.

May smug look na binitawan si Patricia on the word "chill."

"I hate that word," sabi niya.

Binunot ni Gina ang kanyang cellphone sa bag at tinawagan ang driver ng service nila.

"Manong, asan na kayo? Nasa entrance na kami. Oo, kanina pa," sabi ng manager sa phone.

Laking gulat ng tatlo nang paglingon nila sa entrance ay nakita nilang lumabas ang walang iba kundi si Andrea kasama ang PA girl para mag-antay din ng kanilang van. Hindi ito tumitingin sa kanila, bagama't alam nilang alam ng matandang actress ang kinaroroonan nila. Suot din ni Andrea ang dark sunglasses at tinatago ang emosyon sa likuran nito.

"Fuck naman. Why is she here? Kala ko ba umuwi na 'yan?" inis na sabi ni Patricia.

"Tatapusin na daw ang shoot. Bayaan mo na," sabi ni Gina habang ibinaba ang hawak na cellphone.

"She better not like, disrupt the movie," warning ni Patricia. "Or else!"

"Or else, what?" baling ni Gina.

"Or else..." napaisip si Patricia, hindi niya inaasahan ang tanong. "I'll...I'll kick her out of the set! I'll throw her down the cliff!"

Napailing na lamang si Gina, at ang iba, at sa wakas, dumating ang van nila.

"O, here's the van," sabi ni Lance.

Pumarada ang van sa tapat nila, bumaba ang PA guy at pinagbuksan sila ng door. Mabilis silang nagsisakayan at habang paalis ay nadaanan ng van si Andrea. Hindi ito tumitinag. Hindi nagpapakita ng emotion while clutching her handbag tightly.

Kebs lang sina Lance at Gina dahil busy na agad sa kanilang cellphones. Pero, kay Patricia, although inis siya ay may something siyang na-sense na hindi maganda sa pinapakitang demeanor ng kinaiinisang rival, at siya'y dinapuan ng kaba na hindi niya maipaliwanag. Gumapang ang kaba sa buo niyang katawan at siya'y nakaramdam ng:

"Chill..." bulong niya sa sarili.

"Ano 'yon?" tanong ni Gina na katabi niya at hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

"N-nothing," sagot ni Patricia.

Lumingon pa si Patricia sa likod ng umaandar na van para sulyapan si Andrea at nakitang pasakay na rin ito sa isa pang service van. May kaba sa kanyang dibdib pero nagkibit-balikat na lamang siya, at chineck na lamang ang fb likes sa kanyang i-phone.

NEXT CHAPTER: "A Beautiful Legacy"

Dugo sa BughawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon