Chapter 19: Contract Extension

277 24 2
                                    

Panibagong araw, bagong eksena

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Panibagong araw, bagong eksena.

Ang malaking kitchen ng mansion ay sinet-up para maging modern looking: pinalitan ang mga luma ng industrial appliances at modern lighting fixtures.

May tension sa loob ng set dahil ang eksena na ishu-shoot ay featuring Leonora at Agueda, which means, maghaharap muli si Patricia at Andrea. Alisto ang crew dahil sa anticipation na magkaroon ng part 2 ang Andrea vs. Patricia, ready din sila with their cellphone cameras. Kapansin-pansin din na doble ang attendance ng crew, kahit na hindi required ay may mga naroon para lang magusyoso. Napansin ito ni Reggie maaga pa lang, kaya't pinagalitan niya ang mga wala namang business para tumambay sa set, at kanyang pinalabas.

Naka-ready na sina Patricia at Andrea na kapuwa nire-retouch ng kanilang respective make-up artists. Sa request ni Joe, nasa paligid din ang mga manager ng dalawang actress, in case of anything. Lastly, dumating si Bernie para manood sa may tabi, nginitian niya si Joe nang makita ito.

2-cam set-up. Medium shot. Nasa likuran ng cam 1 si Joe kasama si Reggie.

"Okay, take tayo," sabi ni Joe.

"Everyone, ready. Take tayo!" sigaw ni Reggie.

"And action!"

Pagka-action ay sinundan ng camera si Leonora sa madilim na kitchen. Suot niya ay dark jacket na may hood at rubber shoes. Maingat ang lakad niya, halos walang sound. Nang malapit na sa back door ng kitchen ay biglang bumukas ang ilaw at makikitang naroon at nakaharang sa pintuan si Agueda.

"Tumabi ka..." warning ni Leonora.

"Saan ka pupunta?" sita ni Agueda.

"Wala kang pakialam."

Lumakad si Leonora palabas pero hinarangan siya ni Agueda.

"Pupuntahan mo si Roman, ano?"

"Wala...kang...pakialam!" galit na sabi ni Leonora.

"D'yan ka nagkakamali. Narito ako para makialam," ang matapang na sabi ng mayordoma.

May kakaibang confidence si Andrea playing Agueda. Ang mga sinabi sa tent ang dahilan nito, ang kuwento ni Mildred na nag-build-up sa confidence niya, pati na ang suporta ng mga kaibigan. Ganun din si Patricia, sa encouragement ng mga kasamahan na pairalin niya ang pagiging millennial star. Litaw na litaw ang paglevel up ng kanilang performance at walang mas masaya pa para doon kundi si Bernie. Such great acting, bulong niya sa sarili.

Ganoon na lang ang tensyon sa shoot. Lalo na nang kumuha si Leonora ng kustilyo at itinutok kay Agueda, base sa script, of course.

Lalong na-tense ang mga taong nanonood. Isa na si Bernie na bumulong sa katabing crew.

Dugo sa BughawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon