Chapter 13: Pagbabalik

306 27 1
                                    

Bago magtanghali nang lumapag ang eroplano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago magtanghali nang lumapag ang eroplano. Nakaabang na ang dalawang service vans paglabas nina Andrea at Evelyn ng gate. Maliban sa kanila, 12 pa ang kasama nila sa flight: mga technical staff at ilang actors. Sinalubong sila ng isang PA girl at pinasakay sa van. Tatlong character actors sa pelikula ang kasabay nila Andrea sa van, mga beterano na rin at pamilyar sa kanya, kung kaya't natuwa siya nang hingin ang kanyang autograph.

"Sa hotel ba tayo?" tanong ni Evelyn sa PA girl.

"Sa location daw po muna."

"Eh, pa'no mga bag namin?" mataray na tanong ni Evelyn.

"Iwan po muna sa van. 'Di naman po mawawala," magalang na sagot ng PA girl.

"Sure ka ha," diin ni Evelyn. "O, tara na."

Sumakay sila ng van. Magkasabay na umalis ang dalawang van sa airport. Nakatatak sa side ng van ang Galaxy Films at sa harap na windshield may plakard na "media." Busy ang airport. Madaming sasakyan din na nagloload at naguunload ng tao.

Sa bintana ng van nakaupo si Andrea katabi si Evelyn, sa likuran nila ang tatlong veteran character actors, samantalang katabi ng driver ang PA girl sa harap.

"Ilang oras papunta sa location?" usisa ni Evelyn.

Lumingon ang PA girl, "Mga 1 and a half hours po."

"Tagal din ha."

Kinalabit ni Evelyn si Andrea na nakatutok sa labas ng bintana.

"Okay ka lang? Baka nahihilo ka. Me kendi ako," alok niya.

"Okay lang ako."

"Yaman talaga ng lola mo, biro mo, nilipad n'ya buong crew papuntang Ilocos," usal ni Evelyn. "Kung pipitsuging production ito, malamang nagbus tayo, nagkandahilo-hilo sana tayo sa biyahe. At alam mo, dapat ninego mo pa TF mo eh. Humingi ka pa ng mas mataas. 'Kaw ata si Andrea Rosa."

Sabay sumandal si Evelyn at ipinikit ang mga mata para matulog. Napangiti si Andrea sa huling sinabi ni Evelyn. Pero, hindi lang naman TF ang concern niya. Simula ng pumirma siya ng kontrata, apektado na ang routine niya sa buhay. Ang pag-manage ng museum. Ang panonood ng Dugo sa Bughaw. Ang katahimikan. Ang pagiging simple ng lahat. Hinahanap niya ito ngayon. Naiisip niya tuloy kung tama ba ang naging desisyon niya.

Napadilat si Evelyn nang mauga ang ulo niya nang mapadaan sa lubak ang van.

"Mamang tagamaneho, dahan-dahan naman sa lubak o," inis na sabi ni Evelyn.

"Sorry po, ma'm," paumanhi ng driver.

Napansin ni Evelyn na tahimik si Andrea.

"Kinakabahan ka ba? Na humarap uli sa camera?" tanong niya.

Tumango si Andrea. Isa pa ito sa concern niya. Mare-realize naman ni Evelyn ang kalagayan ni Andrea. Na biglaan ang lahat.

"'Wag ka mag-alala. Andito naman ako. 'Di kita iiwan," sabi ni Evelyn at sumandal at pumikit na muli.

Dugo sa BughawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon