That Jerk

29 2 0
                                    

"YOUUU???!!!" bwisit na sabi ko.

"IKAW?" napaka kalmado netong ugok na to.

"What are you doing here?!" hindi parin ako makapaniwala na nandito sya!!!

"Nag aaral ako dito." wow uso pala aral sakanya. Pero bakit dito? Bakit dito???!!!

"Oh okay" ayan na lang nasabi ko kasi ayoko nang patagalin pa yung pag uusap namin.

"W-wait" nagulat naman ako kasi akala ko hahayaan nya na kong umalis.

"What?" nagpipigil ng inis na sagot ko sakanya, I don't care if I sound bitter here pero may karapatan akong maging bitter.

"Do you still hate me that much?" san kaya to kumuha ng kapal ng mukha tsaka lakas ng loob? why ask such thing if it's so obvious?

"Isn't it obvious, Drew?" napa buntong hininga na lang ako kasi buti na napigilan ko yung sarili ko na sigawan at sampal sampalin sya.

"Asha.." there he called me in my name.
"I'm really sorry, I didn't mean to hurt you" I can feel his sincerity but I can't forgive him masyado pang fresh sakin yung nangyari kahit na isang taon na ang nakalipas.

"Yeah you just fvcking hurt me okay lang ako. Okay lang talaga." I said as if naman na maniniwala sya, sa 3 years na naging in a relationship kami nakabisado nya na 'ko. Alam nya kung okay lang ba talaga ko.

"No, you're not." see? Ewan ko ba kung paano nya nalalaman. "I can see it through your hurting eyes" wow just wow, sa mata ko? Well, dapat pala pag nakikipag usap ako sakanya nakapikit ako para hindi nya nakikita kung nasasaktan ba 'ko.

"Will you please stop? Pagod na 'ko. Pagod na pagod na 'ko sayo" then there he stopped. Ayoko na makipag talo sakanya kaya tinalikuran ko na sya.

Pagkadating ko sa Cafeteria mga nagtatakang mukha ang bumungad sakin. "Where have you been? Ang tagal mo" Suzanne asked me. "Locker?" I didn't lied kasi dun naman talaga ko galing pero di ko sinabi nagkita at nag usap kami ni fvcking Drew.

"Locker mo mukha mo" di talaga ko tatantanan netong mga to pag di ko sinabi eh. "Okay okay" sabay taas ng dalawa kong kamay na ready na kong sabihin kung anong nangyari.

"So I bumped into someone..." di man lang ako pinatapos ni Czerina ng may itanong agad "Who's that someone?" sinabayan nya pa ko ng nakakaloko nyang ngiti, hays I don't even know why I became friends with these crazy people.

"D-Drew..." and then their eyes became big, as in yung wala ng ilalaki pa.

"WHAT?!" sabay sabay nilang sabi. "I thought nasa Canada sya?" akala ko rin eh, kaya kampante ako na magiging peaceful na ulit yung buhay ko.

"Uh-huh" ayan lang nasagot ko kasi I'm still in state of shock ( lol ang arte )

"So ano pinag usapan nyo?" hirit naman ni Daphine, bakit ba walang awat sa tanong tong mga to???

"So bakit ang chismosa mo?" I said kaya sila nagtawanan, eto yung gusto ko eh. Kahit gaano na ko nasasaktan, andyan sila para pasayahin ako. "Eto naman dali na i kwento mo na!!!" di talaga ko tatantanan neto eh.

So ayun kinwento ko na sakanila and what they did was nod all the time and I'm thankful kasi di na sila dumaldal dahil alam naman nila na gusto ko ng katahimikan.

11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now