Anastasia's POV
"Mister Ko" saved in contacts.
"Trip nanaman ba ako neto?!" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad paakyat sa kwarto ko.
Nag dadalawang isip ako kung papalitan 'ko ba o ano... And I've decided na palitan na lang. Isa lang naman isip ko bat dadalawahin pa?
Humiga ako sa kama 'ko... "nakakapagod na araw" sabi ko sa sarili ko...
7:32 pm
Nang magising ako... di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod kanina.
Nakaramdam bigla ako nang gutom kaya bumaba ako para tignan kung anong pagkain, pero kahit ano wala. Tinignan ko yung ref pero walang stocks, hindi pa nga pala nag ggrocery.
"Pupunta na lang ako sa mall." I have no choice, di ko gusto na gutom yung maging rason ng pagkamatay ko.
Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko kasi kailangan kong magmadali dahil gutom na talaga ako...
Nag shower muna ako ng mga 30 minutes, ang tagal diba? Yan na pinakamabilis ko lol
Nagpatuyo na ako ng buhok tsaka nagbihis..
Coldplay shirt, black fitted pants and Old Skool Vans lang suot ko. Sa mall lang naman punta ko eh.Nagmadali na kong bumaba tsaka lumabas...
Tsaka ko naalala na nasa school pa pala yung sasakyan ko!
Naghintay na lang ako nang taxi at nung meron na tsaka ako nagpara at sumakay na...
"Maam saan po?" oo nga san bang mall ang punta ko?
"Kahit saang mall na lang po manong.." dahil gutom na ko kahit saan na lang..
"Shit! Yung cellphone ko nakalimutan ko" bulong ko dahil sa lahat yun ba naman ang makalimutan ko... Pero saglit lang naman siguro ako sa mall.
Wala akong boyfriend na dapat hintayin mag text at kailangan replyan.
Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na kami tsaka dumiretso na ako sa entrance...
Naglakad lakad muna ako kasi wala akong mapili na restaurant kung saan pwede makainan...
Habang naglalakad ako unti unti akong napapahinto dahil sa nakikita ko ngayon... I knew it! Isa lang yon sa mga paikot nya sakin..
Then there I saw Drew and she's with the girl na nakita ko ring kasama nya sa araw ng anniversary namin.
Hindi dapat ako naaapektuhan pero yung fact na niloloko nya parin ako na ako parin yung mahal nya? Tss. Kadiring pag ibig.
May pa flowers and letter pa sya puro kalokohan lang pala yon. Hindi naman sa nalulungkot ako dahil hindi sya sincere sa mga sinabi nya sakin... naaawa ako don sa babaeng kasama nya, habang naglalandian silang dalawa may kinakalantari palang iba yung jowa.
Umalis na lang ako dahil nawalan na lang talaga ako ng gana kumain.. at inom na lang ang naisipan kong gawin...
Nagpara na ako ng taxi...
Sakto naman at malapit yung Vandoulf Hood dito.
At eto nanaman nandito nanaman ako sa tapat ni kuyang bartender..
"Isang kahit ano dyan basta nakakalasing na inumin kuya" hindi ko na alam oorderin ko kaya kung ano na lang.
Nakaka limang bote na yata ako ng kung ano bang sinerve ni kuyang bartender. Nakaka lima pa lang ako pero aaminin kong malakas na tama ko.
Hinanap ko yung cellphone ko sa bulsa ko talagang hindi ko mahanap... at kahit yung bartender sinisi ko pa kung bakit nawawala yung cellphone ko nang mapagtanto kong naiwan ko pala sa bahay. Hays ang tanga.
"Hi, Miss" bigla akong napatingin dahil may kung ano mang insekto ang nagsalita sa harapan ko.
Tinaasan ko lang sya ng kilay dahil di ako interesado sakanya...
"Can I sit here with you?" kinindatan nya naman ako sabay upo pero pinigilan ko sya sa pag upo.
"Hinde." ayoko syang katabi. "Binayaran ko rin yan para sa boyfriend ko yan." may boyfriend naman talaga ako eh nasa mall may kasamang ibang babae HAHAHAHAH ex boyfriend pala.
"Aaahh sorry." sabay alis nya laking tuwa ko naman...
Bakit ba masyado akong allergic sa lalaki dito sa bar? Dahil siguro halos ang mga pumupunta dito mga ka fling or ka one night stand katulad neto....
"Hi, Miss." ngumiti sya sakin sabay hawak sa balikat ko pero agad kong inalis yon sabay pagpag pa na parang ang dumi dumi ng kamay nya.
"Kailangan mo yata nang mag uuwi sayo...." hinawakan nya ko sa braso pero binawi ko yon. Ew. Mas gugustuhin ko na sa kalsada ako manirahan kesa eto mag uwi sakin.
"Hindi ako uuwi dito ako matutulog. Layo." at pinaalis ko sya na parang aso tutal close enough naman. That's why I don't trust easily kasi kapag nakuha na nila yung gusto nila, iiwan kana nila. If you know what I'm saying.
Tsaka nilapag yung ulo ko sa counter dahil sa sobrang hilo ko... wala rin naman akong cellphone para tumawag sa kahit sino na pwedeng mag sundo sakin.
Nang may kumalabit sakin kaya naman itinaas ko yung ulo ko pero ang labo hindi ko makita kung sino ba 'to...
Pero naramdaman ko na lang na biglang may bumuhat sakin kaya naman ipinulupot ko na yung kamay ko tsaka isiniksik yung mukha ko sa leeg nya.... ang bango.
Antok na antok na talaga ako pero pinipigilan kong matulog kasi baka kung ano gawin sakin neto...
Pagkatapos ng ilang minuto narinig ko na bumukas yung pinto ng sasakyan... tsaka ako dumilat at nakita kong nasa tapat kami ng bahay namin.
Binuhat nya ulit ako pero wala na akong pakelam, umaakyat na sya papuntang kwarto ko..
Nang mailapag nya ako sa kama ko, tinignan ko kung sino sya at dahil bukas lahat ng ilaw dito sa kwarto ko, I can clearly see him... nginitian ko sya. Bakit ba ang bait mo sakin? Sino kaba talaga?..
"I'm Kiro. Welcome to my life." then it went black.
YOU ARE READING
11:48 Heartbeats (ON-GOING)
Roman pour AdolescentsAnastasia is in 3rd year college when she met this guy who brought color to her black and white boring life.