Fun Run

21 1 0
                                    


Nagising ako ng mga bandang hapon na. Ang sama ng pakiramdam ko, tumayo ako at napansin na ang sakit ng paa ko...

Natapilok nga pala ako kanina nung mag madali akong umuwi kasi bigla bigla na lang akong nasa condo ng iba! Masaklap pa na lasing ako nung kinagabihang ikinwarto nya ko! Uhmmm OA masyado, nang inuwi nya na lang ako.


"Aaaaaashhhh!!!!!!" sigaw ko kasi hindi ko talaga mailakad yung paa ko sa sobrang sakit! Wala parin yung kapatid kong unggoy "Ashton Cooper Palma!!!!!!!!!" mas malakas na yung sigaw ko.


Then narinig ko na may tumatakbo na papunta sa kwarto ko "Ano nangyari????!!" hingal na hingal sya ng dumating sya sa kwarto ko "Hey what happened?!" balisa nyang tanong.


"Yah chill bro" humahagikhik naman ako kasi makikita mo na nag aalala talaga sya sakin. "Anong chill?! Kapag may nangyari lang sayo tsaka mo langisinisigaw yung buong pangalan ko!" oo nga naman may point sya.

"Hindi ako makalakad napilay yata yung paa ko, can you get me some ice?" nakapamewang naman syang naka tayo sa harap ko.

"Tss katangahan mo pinapairal mo nanaman" akala mo sya hindi.


Umakyat na sya na may dalang bowl of ice. Umupo sya sa harap ko tsaka inilagay yung ice sa may paa ko.

"Bakit naman nagkaganito yung paa mo ha?" curiousity kills ba kuya? hehe

"Natapilok lang ako." I lied. Aba hindi ko naman pwedeng sabihin na kuya kasi nagmamadali ako lumabas ng condo nung lalaki na inuwi ako nung nalasing ako sa bar at inumaga ako ng uwi.


"Bakit ka naman natapilok?" Seriously? Hindi ba talaga ko tatantanan neto, napaka chismoso.

"Sumali ako sa Fun... Fun run!" sana naman gumana tong palusot ko...

"Ano namang nakain mo at sumali ka sa Fun run na yan aber?" tinaasan pa ko ng kilay.

"Wala... Fun sya kaya nga Fun run eh!" sana naman tumigil na to sa pagtatanong hindi ko na alam kung ano pa ba pwede kong ipalusot dito.


"Okay ipahinga mo muna yang paa mo dyan kana lang humiga ka dyan" tsaka inalis nya yung ice sa paa ko then ginalaw galaw ko sya medyo nawala naman na shookt lang siguro yung paa ko.


6:57 pm

Nakahiga ako nang maalala ko yung itsura nung lalaking nag uwi sakin sa condo nya...

I can't deny na gwapo sya tapos yung ilong nya ang tangos pwede nang makasaksak! Tapos yung lips nya bes kissable! Makalaglag puso! Bakit nga ba nag assume ako na kikidnapin ako nun? Well, looks can be deceiving.

Naalala ko rin yung tawag sakin non! Miss IDontCareWhatYourLastNameIs. Kala naman nya may pakelam rin ako!




8:29 pm

Nang magpasya akong itry maglakad. Hindi naman na masakit na shookt lang talaga sya. Ginutom rin ako buong araw akong walang kain dahil sa pesteng hangover.


Bumaba na ko and I saw my Mom..

"Hi Mom!" I kissed her on the cheek.
"Oh kumain kana" gash sinigang favorite ko!

I started eating nang umepal naman yung kapatid ko. "Oh kala ko ba nag f-fun run ka?" chismoso kakasabi ko lang kanina.

"Oo nga?" naiilang kong sagot dahil alam ko namang hindi totoo yun. "Eh bat ang lakas mo kumain?" aba ang kapal ng mukha neto! Akala mo sya hindi nya nakakalahati yung nasa rice cooker!

Binato ko sya ng kutsara ko tutal tapos naman na akong kumain...

"Hoy kayong dalawa tumigil nga kayo dyan" sabi ng Mommy kong akala ko na nasa kusina kasi naman hindi nagsasalita.

Umakyat na ko sa kwarto ko at tsaka nagpasyang ayusin na lang yung gamit ko para sa school bukas, oh it's hella monday.

11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now