Nagising ako pero nang subukan kong bumangon sobrang sakit ng ulo ko. Pero nawala yung sakit ng ulo ko nang mapagtanto kong hindi ko to kwarto!!!!!
Tatayo na sana ako nang makita kong may lalaki sa harapan ko. Oh my god!!! Don't tell me???
Tinignan ko naman yung suot ko, suot ko parin naman sya and sarado pa yung zipper ko. Nakita ko naman yung mga gamit ko sa lamesa sa gilid kaya agad kong kinuha yun.
Pero naalala ko na nasan yung sasakyan ko??? Hays bahala na! Wala akong pake sa itsura ko ngayon ang mahalaga makauwi ako nang matiwasay at buhay na buhay.
Pumara ako ng taxi at sa pagmamadali ko natapilok pa ko pero ininda ko yon gawa nga nang pagmamadali ko.
"Manong sa Highrise Subdivision ho" nangangatog yung tuhod ko kasi hindi ko naman kilala yung taong nag uwi sakin!
HINDI NAMAN SIGURO ONE NIGHT STAND TO KASI WALA NAMANG NANGYARI SAMIN.
Pinilit kong tandaan yung mga nangyari..
flashback
"Miss IDontCareWhatYourLastNameIs don't be so stubborn, you can't go home by yourself, and don't even think that I'm going to rape you." sino ba to? Ni hindi ko nga kilala to! Nako baka kanina pa ko inaabangan neto kaya ngayong lasing ako tsaka nya ko pinuntahan!!!!
"Get your hands off me!!!" nagpupumiglas ako kasi baka saan ako dalhin neto gusto ko pang mabuhay.
Pero hindi ako makawala sa hawak nya. Ni hindi man lang sya kumikibo tuloy tuloy lang sya na parang hindi ako nagwawala dito para pakawalan nya ko.
"Mister can you please slow down? Kinakaladkad mo na ko!" tinignan ko sya ng masama at nagdahan dahan naman sya.
"San mo ba ko dadalhin ha? Kung i kikidnap for ransom mo ko please jusko wala akong pera for pete's sake!!!" hindi ko na alam yung gagawin ko wala naman masyadong tao sa labas kaya walang nakakakita sa ginagawa nya sakin.
"Aaaaahhhhh!!!!!" sumigaw na ko nang malakas at napahinto naman sya, thank god. Tatakbo na sana ako nang mahagip nya yung braso ko, shet naman oh!
Hinila nya ko at hinarap sakanya. He looks so angelic... yet so devil!!!!!
"Look miss I'm being nice to you, don't assume that I will take advantage of you because you're drunk. Really drunk." tumigil na ko, wala na kong choice!
Papa God wag mo ko papabayaan please?
Pinasok nya ko sa kotse nya, sakto naman na naduduwal ako then yeah nasukahan ko yung sasakyan nya, napakamot na lang sya ng ulo nya. "Sorry" na lang nasabi ko.
End of Flashback
Dumating na ko sa bahay. Buti naman nasa trabaho si Ash tsaka si Mom. Umakyat agad ako sa kwarto ko para maligo because damn amoy alak ako!
After a few minutes natapos na ko sa pagligo ko, nagpambahay na lang ako wala naman akong balak umalis nang bahay Sunday naman ngayon.
Inalala ko yung mga nangyari...
"Oh my god si Jimin ko naiwan ko sa Vandoulf Hood!!!!" nagmadali ako lumabas ng bahay tsaka dirediretso lumabas ng subdivision kahit na naka t shirt and shorts lang ako keri na sasakyan ko pinag uusapan dito!
May huminto ng taxi "Manong sa Vandoulf Hood po" sana naman nandun pa yung sasakyan ko!
"Maam ang aga aga pa mag babar agad kayo?" tinanong ni manong, mukha ba kong magbabar sa suot na to? Ghad.
"Hindi manong naiwan ko kasi yung sasakyan ko dun tsaka mukha ba kong mag babar nang ganito ang itsura?" inis kong tanong.
"Pwede naman po Maam" aba nakakainsulto to ah! Hindi ko na lang sya pinansin.
Dumating na kami sa bar at laking tuwa ko naman na nandun pa yung sasakyan ko! "Thank god baby ko! Ikaw na lang talaga hindi nang iiwan sakin, sorry iniwan kita kagabi" mukha man akong tanga na kinakausap ko yung sasakyan ko wala akong pake.
Sumakay na ko then umuwi na ko papunta sa bahay.
Nakauwi na ko finally!!! Makakapag pahinga na ko siguro neto?
Nahiga na ko sa kama then the next thing I remember I fell asleep.
YOU ARE READING
11:48 Heartbeats (ON-GOING)
Teen FictionAnastasia is in 3rd year college when she met this guy who brought color to her black and white boring life.