Mister

17 1 1
                                    


"I'm.....yours" hindi ako nakapag salita agad nanlaki na lang ang mata ko.

"Joke lang." tsaka sya tumawa ng tumawa! Ang init ng pisngi ko bakit ganon! Kinikilig ba 'ko???

"Bakit ba gusto mo malaman?" sabay kindat sakin. Pinapafall naba ko neto? Assuming ko ha.

"Eh bakit hindi? Alanganamang tawagin kita ng hoy! panget! Oh diba ang rude masyado akong honest." kinindatan ko rin sya pambawi man lang ba.


"Sus, but you said that I'm a good looking guy." kelan ko sinabi yon?? Kung sinabi ko man, masyado talaga akong honest. Hehe


"Kung sinasabi mo na sana kung sino ka hindi na sana humahaba pa yung usapan natin at baka kung san pa mapunta." pag angal ko dahil gusto ko na talagang malaman kung sino sya.



"Bakit? Ayaw mo na ba kong kausap?" tapos umarte pa syang nagtatampo. Hindi sya naka tingin sakin.

"Ang arte mo ha." natawa ako dahil ang cute nya magtampo! Cute din kaya ko pag nagtatampo? Hahaha

"Tss" tignan mo lakas talaga ng amats neto! Meron kaya sya ngayon? Daig nya pa ko!


"Puhlease? Say your name naaa" nag pa cute ako tsaka nag beautiful eyes pa sayang effort kung magmumukha lang akong tanga dito na pacute ng pacute di naman sasabihin pangalan nya.



Umiling sya. Kaya naman sumuko na ko sa pangungulit sakanya. Tibay neto di man lang gumana yung charm ko sakanya!



"Osige na nga tara na hatid mo na ko sa bahay" sabay na kami tumayo at nagpaalam na sya sa staffs don sa restau.

"Yung totoo? Mga kaibigan mo ba sila?" takang tanong ko sakanya.


"Chismosa ka." sabay pitik nya naman sa ulo ko. "Aray ha! Nagtatanong lang naman ako chismosa agad?" sabi ko pero hindi na sya kumibo at nag dirediretso na papasok ng sasakyan.


"Di man lang to gentleman di ako pinagbuksan ng pinto" bulong ko sa sarili.




Pero ilang minuto nang ma bored ako tinanong ko na lang sya ng kung ano anong mga bagay....



Nagtanong din naman sya.

"Saan ka nakatira?" tanong naman nya saakin habang nakatingin sa daan.

"Sa bahay ampunan." niloko ko sya di kasi makausap ng maayos to eh.

"Sorry" sabi nya naman at syang ikinatawa ko.

"Bakit ka tumatawa?" tumingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay. tss bakla.

"Joke lang yun eh HAHAHAHA" tapos di na ko kinausap kaya naisipan kong ako naman magtatanong.

"Eh ikaw? Saan ka nakatira?" inihinto nya sa gilid ng kalsada yung sasakyan tsaka tumingin sakin. Ay hindi! Hindi lang pala tingin to. Titig na to madlang people! Wag mo ko tunawin please.

"Sa... puso mo." sabay turo sa may puso ko! Ano baaa! Ang lakas magpakilig neto!

"H-Huh" nauutal ako tsaka ko naramdaman na ang init ng pisngi ko!!! Tumingin ako sa ibang direksyon kasi baka nag bblush ako...

"Joke lang din yon" tumawa naman sya ng malakas na siyang kina inis ko. Oo na pikon ako.


"Saan ka nga nakatira kasi para malaman ko kung saan tayo dadaan." oo nga pala hahatid nya pala 'ko.

"Ah sa Highrise Subdivision, sorry" di ko namalayan na ihahatid pala ako neto sa mismong bahay pa namin.



After a few minutes dumating na kami sa bahay. Bumaba na agad ako ng sasakyan pero ang rude ko naman kung di ko sya papapasukin sa bahay diba.


"Pasok ka muna sa bahay" pag aya ko sakanya at buti di naman sya nag inarte.

Hindi ko na sya inaya kumain dahil kakakain lang namin at busog pa to sa dami ng kinain nya. Binigyan ko na lang sya ng juice.

"Oh.." iniabot ko sakanya yung orange juice.
"Thanks." sagot nya naman sakin. "Nice house." gulat ako dun ah hindi ko inexpect. Pano kaya pag ako sinabihan nya ng nice? Emeghed.

Tumango na lang ako sakanya kasi I don't know what to say.


"Can I see your room?" pag papaalam nya sakin na isa pang ikinagulat ko!

"No. Hindi pwede." di ako pumayag kasi hindi ko pa naayos makalat pa.

"Why?" bakit ba gusto neto pumunta sa kwarto ko.

"Next time..." nginitian ko sya para naman maniwala sya na totoo yung sinasabi ko.

"Ayaw mo lang makita ko na kung san san may nakasabit na bra tsaka underwear sa kwarto mo." tawa sya ng tawa para bang wala ng bukas!!!! Bwisit na manyak to.

"H-Hoy! Hindi ah! Manyak!" hinampas ko sya sa braso nya "Aray naman!!" umangal sya huh buti nga sayo!

"Umuwi kana nga! Baka kung ano pa gawin mo sakin!" feelinger ko ah, pero lalaki parin yan kahit anong gawin ko!

Inihatid ko na sya sa labas tsaka hinintay na pumasok sa kotse nya. Pero hindi parin sya umaalis.

"Ano? Bat di kapa umaalis?" dahil ilang minuto na kaming nagtititigan dito di parin sya umaalis.


Inilabas nya yung kamay nya na para bang may hinihinga sya.

"Ano?" taka kong tanong...


"Cellphone." simple nyang sagot. Edi ako binigay ko naman, nakita kong may tinype sya don. Pinatay nya tsaka ibinigay sakin.

"Goodbye, thanks for today!" tsaka sya umalis na hindi man lang ako nakapag goodbye din...


Tinignan ko kung ano ba yung inilagay nya...



May sinave syang number sa contacts ko.. damn!


"Mister Ko" saved in contacts.




11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now