Will you?

24 1 3
                                    

Anastasia's POV

"Play with me, not with yourself." pasulpot sulpot na lang bigla to nakakagulat!

"What are you doing here? Are you stalking me?" oo na makapal na mukha ko pero sabi nya uuwi na sya kanina tas bigla syang susulpot dito.

Tumawa naman sya, aba baliw. "Assuming ka ha." O to the M to the G! Marunong naman pala mag tagalog to pinahirapan pa ko!

"Nagtatagalog ka?!" nakakainis lagi pa naman ako nag eenglish pag kausap ko sya kasi akala ko di sya marunong mag tagalog!

"Ay hindi. French to" ang sungit nanaman neto! "Pinahirapan mo pa ko marunong ka naman palang mag tagalog!" sabi ko pero nakakatuwa kasi akala ko forever na kami mag eenglishan dito.

"Sino ba nagsabi na englishin mo rin ako?" eh bakit ba! Pero mas gusto ko sakanya na nag english sya.

"Akin na nga yung bola!" aagawin ko na sakanya kaso bigla nyang tinaas e ang tangkad neto! Matangkad naman ako pero mas matangkad naman sya anong laban ko.

"Akin naaaa!!!!" ang ingay ko dito pero keri lang kami lang naman tao dito.

Pilit ko pa ring inaabot hanggang sa sumuko na ko. Aalis na sana ako nang magsalita sya...

"Play with me, Asha" what?! pano nya nalaman yung pangalan ko! Si Drew lang naman tsaka yung powerpuff girls yung tumatawag sakin na Asha. Yung iba kasi tawag sakin Ana or Anastasia.

"How did you know that Asha is my name?" patagal ng patagal gusto ko syang makilala pa.

"I just... know" then he smiled. Hala heart chill ka lang!!!!! Smile lang yan ang OA mo ha.

Binato nya sakin yung bola buti na lang sanay na ko kaya nasalo ko kagad, kaya pag to na fall sakin jackpot saluhin ko agad to HAHAHAHAHAH syempre joke lang!

We started playing but volleyball is really my sports not basketball. So madalas nag t-travelling ako tas tatakbo ako hawak ko lang yung bola pero hinahayaan nya lang ako.

Pag na sakanya yung bola hindi ko maagaw! Maybe hindi talaga ako ginawa para lang mang agaw ng iba. Charot!

So ang score namin 10 - 22, duh ako yung 22. Syempre isa pang charot! Anong laban ko dito eh varsity player pala to! Pero bakit hindi ko sya nakikita tuwing laro eh varsity player din naman ako? Sa volleyball nga lang.

"Nakakapagod ka kalaro ah" natatawa na lang ako kasi ang saya nya kalaro, pinagbibigyan nya lang ako.

"Ikaw pa napagod eh ako nga habol ng habol sayo kasi kung san san mo dinadala yung bola" nag belat na lang ako sakanya bilang pang aasar ko na.

Nagpunta kami sa kanya kanya naming cr at nagpalit ng damit dahil pawis na pawis na kami. Nang matapos ako tsaka ako lumabas.

Nakita ko na si pogi naghihintay sa labas...

"Let's go?" aya ko sakanya para umuwi na.

"Uhm, A-Asha" di naman ganto to makipag usap sakin, nauutal pa.

"Oh?" hinihintay ko lang yung sasabihin nya sakin.

"Will you go out with me?"

11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now