3rd year Anniversary part 2

24 2 0
                                    

Nagising na ko nung mag alarm yung cellphone ko ng saktong 3:00, naligo ulit ako kasi gusto ko lagi akong fresh. Nang matapos ako agad akong bumaba para iready yung ibbake ko.

I started to mix all the ingredients, pano ko nalaman to? Syempre merong youtube dun na lang ako nanoood how to bake a cake.

Strawberry Cake yung ibbake ko since parehas naman naming gusto ng strawberry, yeah we love strawberry!!! I don't even know why some people don't like strawberry.

Kinuha ko yung cellphone ko kasi nag riring excited akong kunin yun kasi baka si Drew yun di talaga ko matiis neto hihi

Laking lungkot ko nang makitang hindi si Drew yung caller.

Czerina

calling......

"Hello?" nanghihinayang na sagot ko sakanya.

"Uy girl! May ginagawa kaba ngayon?" ang saya saya pa nya.

"Uhmm, anniversary kasi namin ni Drew ngayon, sorry next time na lang?" pilit kong maging masaya yung tunog ng pagkakasabi ko pero nabigo ako.

"Sige Asha happy anniversary na lang sainyo. Bye!!! Mwah" then the call ended. Naiintindihan naman ako siguro nun kasi syempre special yung araw na to para sakin.

Then I resumed doing what I'm doing earlier. 2 hours na ang nakalipas at sa wakas success naman yung cake ko :)

It's already 5 pm nang itetext ko na si Drew pero naunahan nya ko, napangiti ako.

From: Drew

Can we talk? It's important, let's just meet at the coffee shop nearby.

Pero naglaho rin unti unti yung abot langit kong ngiti nang mabasa ko yung message nya.

Hindi ako sanay na ganito. Hindi ako sanay na ganito sya ka cold sakin. May nagawa ba ko? Pero inisip ko wala naman. Okay naman kami nung mga nakaraang araw.

Drew, dapat na ba 'kong kabahan?

~ After an hour natapos na ko sa ginawa ko, tapos na rin ako maligo, naayos ko na ang kailangan kong ayusin pati na rin ang sarili ko. Anniversary namin ngayon kaya kailangan maganda ako. Magtetext ako sakanya na papunta na ko.

To: Drew

Love, san kana? On the way na 'ko sa coffee shop, ingat ka. I love you. :)

From: Drew

Okay, i'll wait you here.

Dapat na talaga kong kabahan. This isn't Drew. This is not my Drew.

15 minutes bago ko nakarating sa coffee shop, habang nagddrive ako ang daming bumabagabag sa isip ko, pero mas pinili kong hindi na lang pansinin yon.

Then there, I saw my Drew. He looks so good. I'm so lucky to have him in my life.

Nagpunta ako kung nasan sya..

"Hi love, ano ba yung sasabihin mong importante?" I tried to smile but I'm not good in faking. There's a part of me thinking na baka yung iniisip ko yung sasabihin nya... And it breaks my heart.

"Asha.." hindi nya ko matignan mata sa mata. "Let's stop this." what?! Anong let's stop this? Kinalma ko yung sarili ko tsaka ko sya sinagot.

"Love, wag ka naman mag joke time ngayon seryoso ako." ngumiti ako sakanya, pero hindi nya ko nginitian pabalik.

"Seryoso din ako." then there's my Drew who finally looked at me in the eye.

Ayokong umiyak pero hindi ko mapigilan. "Drew, why? May nagawa ba kong mali? May kasalanan ba ko sayo? Sabihin mo naman sakin aayusin ko." I held his hand na parang minimake sure ko na aayusin ko to ano man ang mangyari.

"Wala kang kasalanan, Asha.." he removed his hand that is covered with mine. Sa pag tanggal nya ng kamay nya sa kamay ko, parang tinanggal nya na rin ako sa buhay nya. Can't help not to cry, because this guy? This guy was the one I thought who would never leave me. "Asha please, let go of me and start a new life without me. May iba na akong mahal." Then boom! Gusto kong umiyak pero walang lumalabas ni isang luha mula sa mga mata ko.

Umalis na ko don at iniwan yung strawberry cake na binake ko para sakanya dahil anniversary namin ngayon eh.

Drew, bakit? Sabi mo mahal mo 'ko pero bakit nagkaganito tayo? Bakit iniwan mo na 'ko?

11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now