Kiro's POV
Nakarating na kaagad kami sa pinakamalapit na ospital na alam ko..
Dinala ko na agad sya sa emergency room at natataranta talaga ako!
Inilagay na si Asha sa stretcher. Nasa stretcher pa lang sya but I can't stay seeing her like this. But I have to stay.
Dire diretso kami sa pagtakbo pero ipinasok na si Asha sa di ko malaman na kwarto...
"Sir dito na lang po kayo" pagpipigil sakin nang nurse sa pag pasok..
Napaupo na lang ako dahil sa pag aalala... Ano bang nangyayari kay Asha???
"What's the name of the patient sir?" may lumapit na nurse sakin tsaka nagtanong.
"Anastasia Palma" sagot ko.
"Ah sir kaano ano nyo po yung patient?" tanong sakin nung nurse.
"I'm her... friend" friend lang naman talaga ako eh. Baka nga hanggang friend na lang.
"Ano po bang nangyari sakanya?" tanong nya ulit.
"Hindi ko rin alam dumating na lang ako sa gym ganyan na sya" I don't know what to do...
"Uhm sir do you know her parents or relatives?" si Tita Natasia lang tsaka si Ashton kilala ko sa pamilya nya... Hindi ko naman alam number nila.
"Yes. But I don't have their numbers. Pupuntahan ko na lang sila." sinabi ko sakanya at nag okay naman sya dun kaya agad na akong umalis..
Habang naglalakad hindi talaga mawala sa isip ko yung nangyari kay Asha...
Nandito na ako sa sasakyan ko kaya naman nagdrive ako kaagad papunta sa bahay nila...
Andito na ko kinakabahan ako... I knocked three times nang may bumukas ng pinto...
"Sino ka?" maangas na tanong nang lalaki na nasa harapan ko.
"I'm Asha's friend." sagot ko lang sakanya.
"She's not here." akmang isasarado nya yung pintuan nila...
"Because she's with me. She's in the hospital." napatigil sya sa pagsarado nang pintuan.
"Ano?! At anong ginagawa ng kapatid ko sa ospital ngayon?!" ah kapatid pala nya to kaya pala hawig sila.
"Calm down. Wala akong kasalanan." pinapakalma ko sya dahil baka mamaya bigla nya na lang akong suntukin kasi akala nya kung ano yung ginawa ko sa kapatid nya.
"How can I calm down kung nasa ospital ang kapatid ko?!" I understand him.
"I'll explain it later pumunta na muna tayo sa ospital." agad naman syang lumabas sa bahay nila at dire-diretsong naglakad papunta sa sasakyan ko...
Pagkatapos ng byahe nakarating na kami sa ospital...
"Anastasia Palma nurse" hinanap nya agad si Asha...
"Room 1148 sir." agad nakasagot yung babae kaya naman kumaripas na nang takbo yung kapatid nya tsaka ako sumunod.
And then there's Asha.. mahimbing ang tulog.
"So tell me what happened." sabi sakin nang kapatid nya.
Nagpakilala muna ako bago ako nag explain.
"I'm Kiro, you are?" pagpapakilala ko.
"I'm Ashton, Asha's older brother." Ah yeah.
Kinwento ko sakanya lahat nang pangyayari...
"Asha has asthma.. bakit nya ba pinapabayaan yung sarili nya? Hays." sabi nya na sya namang ikinagulat ko dahil hindi naman halata na may asthma sya.
Maya maya dumating na yung doctor ni Asha...
"I bet you know that Asha has asthma.. I think nagpagod sya and napabayaan nya yung sarili nya, and hindi agad naagapan. Lack of oxygen. And you know me Mr.Palma of course. Alam mo naman kung anong pwedeng mangyari kay Asha kapag napabayaan sya right? Kailangan muna syang pagbawalan sa mga outdoor activities. She's okay, pero hindi sa lahat ng oras." anong ibig sabihin nya sa 'hindi sa lahat ng oras'?
"Thank you, Doc." Sabay naming sabi ni Ashton.
Naguguluhan parin ako pero wala ako sa pwesto para kwestyunin ang kapatid nya..
Pumasok na kami sa kwarto ni Asha.
"Asha... please naman wag ganito dapat hindi mo pinapabayaan yung sarili mo alam mo naman na wala ako sa tabi mo pag nasa school ka" sabi naman ni Ashton habang hawak hawak ang kamay ni Asha.
Naguguluhan man ako sa mga nangyayari kinalimutan ko na lang dahil ang mahalaga okay na si Asha ngayon..
Nakita ko naman na unti-unting dumilat si Asha.. why do you have to be this beautiful?
"Asha..." tawag ko sakanya kaya naman napatingin sya banda kung nasaan ako.
"Asha ano bang ginagawa mo sa Gym? Bakit hindi kana lang agad umuwi? Tsaka yung inhaler mo asan?" sunod sunod na tanong nang kuya nya pero tinawanan lang sya ni Asha.
"Kuya relax... Asthma lang to." tsaka sya nginitian ni Asha.
"Asha, you know na hindi lang asthma to."
YOU ARE READING
11:48 Heartbeats (ON-GOING)
Teen FictionAnastasia is in 3rd year college when she met this guy who brought color to her black and white boring life.