Visitor

10 0 0
                                    

Anastasia's POV


After 3 days umuwi na rin ako galing ospital....

Pero 2 days pa bago ako pwedeng pumasok and bawal din daw ako sa outdoor activities. Ano nang gagawin ko ngayon? Okay naman na ako eh hindi naman ako baldado.


"Ashaaa!" tawag sakin ni mommy.

"Ooohhh?" sagot ko naman sakanya. Sigawan kaming dalawa kasi naman nasa baba sya andito ako sa kwarto ko.

"May bisita ka! Kiro daw!" omg si Kirooo!!! Dinalaw nya ako! Feel ko I'm one step ahead of my competetors lol





Agad akong bumaba muntik na nga akong mahulog sa hagdan dahil sa excitement!!!


"Oh Kiro! Bakit nandito ka?" Then I smiled.

"Dalaw lang." and O to the M to the G may dala sya F to the L to the O to the W to the E to the R to the S as in FLOWERS mga beh. And wait! There's more!!!! With matching B to the E to the A to the R as in BEAR!

Haba ng hair ko noh? Wait mo lang hahaba rin sayo HAHAHAH

Tinignan ko kung anong name ng bear..

Hi my name is Casey thank you for adopting me.



Ang cute nyaaa, well color blue sya and that's my favorite color!

"Thank you, Kiro!" then I smiled sheepishly.

"You're always welcome." kinindatan nya ko mga bes! Kinindatan nya ako!

"To your life? Hahaha" sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko nang may biglang umepal.


"Ehem... Ehem.." yung asungot kong kuya!
"Ang sweet ha, kumain na daw kayo don" anong sweet deen? Enebe.

"Kiro una kana dun iaakyat ko lang yung flowers tsaka bear sa kwarto ko" then naglakad na sya...


Ang saya saya kong umaakyat papunta sa kwarto ko..


Nilagay ko yung flowers sa may tabi ng kama ko tapos niyakap ko yung bear... Tsaka sya inikot ikot na parang baby, baliw lang.


"Ikaw naba si Mr. Right... Ikaw naba ang icing sa ibabaw ng cupcake koooo.." Kumakanta ako habang umiikot ikot pa.


"Hoy parang tanga to" nagulantang naman ako dahil hindi ko alam na hindi ko pala naisarado yung pintuan kaya andito ngayon ung asungot kong kuya!

"A-Anong parang tanga?! Wala naman akong ginagawa dito"

"Ikaw naba si Mr. Right.. Ikaw naba ang icing sa ibabaw ng cupcake koooo.." kinuha nya yung bear ko tsaka ginaya yung kung ano mang ginagawa ko kanina. Tsaka sa tawa ng tawa as in akala mo wala ng bukas!

"Tseh! Bahala ka dyan kakain na ako sa baba dahil hinihintay pa ako ni Kirooooo bleh" tsaka tumakbo na pababa.


"Hi, Kiro" sabi ko naman kay Kiro na nakaupo na.

"So Kiro right? Nililigawan mo ba yung anak ko?" sabi ni mommy na ikinagulat naman namin pareho tsaka nagkatinginan!

"Mom! F-Friends lang p-po kami!" hindi ko alam sasabihin ko mommy naman kasi eh!

"Bakit mo naman agad frinendzoned tong si Kiro anak?" hala!!!!

"Mommy wala kaming gusto sa isa't isa!" kaya naman natigil si mommy..


Kumain na lang kami..


Habang kumakain nagchichikahan naman si Mommy tsaka si Kiro about sa life ni Kiro.


Natapos na kaming kumain kaya naman nag imis na ako ng pinagkainan..


"Let me help you." shet akala ko naman let me love you oh!!!

"Ay hindi na ano kaba bisita ka dito ako na" pero hindi sya nagpapigil at tinulungan parin ako.


Habang naghuhugas ako ng mga pinggan nasa tabi ko lang sya... at nakikita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatingin lang sya sakin! Anubaaa matunaw ako.



Nang matapos ako maghugas nang pinggan inaya ko na lang sya sa labas ng bahay namin...



Ang tahimik namin pareho kaya minabuti kong basagin na lang ang katahimikan..

Cinomplement ko na lang yung suot nya dahil kacomplement na kacomplement naman talaga.



"Nice. I like your outfit." tsaka ko sya nginitian.





"I like you."

11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now