"Will you go out with me?" oh my god! Gusto nya ba akong i date?
"Huh?" gusto kong ulitin nya yun kasi ang sarap sa pandinig!
"Uhmm.. I mean... Gusto mo ba kumain sa labas? Kasi syempre napagod ka maglaro" sabay kamot sa ulo nya.
Kala ko pa naman aayain ako mag date neto tss.
"Yeah s-sure" nginitian ko sya kahit na laking panghihinayang ko na iba pala ibig sabihin nung will you go out with me nya.
Nagsimula na kaming maglakad palabas... nakita ko na yung sasakyan ko kaya akmang lalapit na ako ako nang...
"Asha" sabay hawak sa braso ko. Napatingin naman ako don kaya agad nyang binitawan na syang lalong ikinalungkot ko.
Nakatingin lang ako sakanya dahil hinihintay ko pa yung sasabihin nya...
"A-Akala ko ba kakain tayo?" oo nga pala nakalimutan ko na dahil lutang yung isip ko dahil sa panghihinayang.
"Ay oo nga pala sorry" palusot ko na lang sakanya. Pero nakita ko yung sasakyan ko wala akong gagamitin pagpasok ko bukas.
"Uhmm pero kasi yung sasakyan ko? Wala akong gagamitin pag pasok bukas" sabay turo sa sasakyan ko.
"Ihahatid na lang kita pauwi, susunduin kita bukas sabay na tayong pumasok" totoo ba tong naririnig ko???
"Ah okay... tara na?" ang saya saya ko naman jusko po!!!
He nodded then sumakay na kami sa sasakyan nya. Sabi na nga ba eto yung nakita kong familiar na kotse eh! Dito pala to nag aaral. Anong year na kaya neto?
Ang dami kong tanong pero wala akong lakas ng loob para magtanong...
Nakadating na kami sa Rockwell Restaurant...
Umupo na kami pero naiilang ako bakit ang daming nakatingin samin... sikat kaya to? Eh bat walang nagpapapicture? Sana man lang kung sikat talaga may magpapapicture na dito...
"Anong gusto mo?" tanong nya sakin pero first time ko pa lang naman dito at wala akong mapili sa menu kaya naman "Ikaw bahala" tsaka ko sya nginitian.
Habang naghihintay ng order namin napapansin kong kilala nya halos ang mga staff dito... Baka naman lagi syang kumakain dito.
Pinagmamasdan ko sya tutal hindi naman sakin nakabaling ang atensyon nya..
Ang gwapo nya... may girlfriend kaya 'to? Mamaya makita pa kami sabihin third party pa ko!
Umiwas ako ng tingin nang bigla syang humarap sakin... Kunwari tinitignan ko lang yung paligid.
Baka mag assume to na may gusto ako sakanya... hays basta!
Sakto naman dumating na yung order namin..
"Here's your cesar salad, carbonara and hawaiian pizza. Enjoy sir!" at umalis na sya. Favorite ko to lahat!!!!
Nagkkwentuhan kami about sa life...
Yung parents nya may business..
Only child sya, that's why lahat ng gusto nya nakukuha nya.
Graduating na din pala sya this coming March 24.And guess what? Birthday na nya sa November 6!!!
"Advance happy birthday pala" binati ko na rin sya kasi di naman kami ganong nagpapansinan sa school, baka ngayon na lang to. "And thank you for the treat" nginitian ko sya.
Ngumiti rin naman sya sakin...
"Anong thank you? May kapalit yan." tapos ngumiti sya nang nakakaloko, ano naman kaya yun?"Ano naman?" pero hindi nya ko sinagot. Baliw talaga to.
Hindi pa kami umaalis dahil wala pa namang nag aaya saming dalawa na umalis na. At tsaka sulitin ko muna na kasama ko sya...
"By the way..." pagbabasag ko nang katahimikan.
"Nakipag laro at nakasama na kita kumain lahat lahat pero hindi ko parin alam kung sino ka." tumawa naman sya ng mahina na para bang pinagtatawanan nya ko kasi ngayon ko lang naitanong kung sino ba sya.
"I'm Asha and you are?" nagpakilala ulit ako at tsaka inabot yung kamay ko sakanya.
"I'm..... yours"
YOU ARE READING
11:48 Heartbeats (ON-GOING)
Teen FictionAnastasia is in 3rd year college when she met this guy who brought color to her black and white boring life.