"Ashaaaa!!!!" nagising ako dahil sa lakas ng tawag sakin ni mommy babangon na sana ako nang sumakit ang ulo ko... hays.
"May naghihintay sayo dito sa baba!!! Kasabay mo daw sya pumasok!" napabalikwas ako nang marinig ko yon! Oo nga pala dahil iniwan ko yung sasakyan ko sa school!
Naghilamos muna ako ng mabilis tsaka nag toothbrush...
Bumaba ako para tignan kung sya ba talaga yon... Napangiti ako nang nakita kong sya nga... Myghad ampogi.
"Uhmmm.. Goodmorning?" sabi nya sakin kaya naman napangiti ako dahil gandang simula naman ng morning ko! :)
"Goodmorning din... kumain kana?" nahihiya ako dahil nandito ako sa harap nya at hindi pa naliligo..
"Oo at magmadali kana kasi malelate ka na." nginitian nya ako tsaka napagtantong mag 7 o'clock naaa!!!!
Kumaripas ako nang takbo paakyat tsaka pumasok sa banyo dahil kailangan ko ng maligo at malelate na ko!
After a few minutes hindi ko alam kung anong ligo ba yung ginawa ko sa 10 minutes...
Tapos na rin ako magbihis at ng kung ano ano pa...
Bumaba na 'ko at nakita ko naman na nasa sala sya nakaupo... Nakita nya naman ako kaya tumayo na sya agad..
"Hindi naba kayo kakain?" tanong naman ni mommy at sabay kaming umiling... natawa naman ng bahagya si mommy. "Osige na mag ingat kayo" at umalis na kami.
"Hindi ka man lang nagtext sakin na pupunta kana!" sinabi ko agad sakanya nang makapasok kami sa sasakyan.
"I did." napaka kalmado nya talaga kahit kelan.
Baka nga nagtext sya... nakalimutan ko nga pala yung cellphone ko kagabi at hindi ko pa nachecheck simula ngayon kung may mga messages ba...
You received 4 messages..
From: Mr. IDontCareWhoYouAre
Where are you?
From: Mr. IDontCareWhoYouAre
What are you doing?
From: Mr. IDontCareWhoYouAre
Why are you doing this?
From: Mr. IDontCareWhoYouAre
I'm coming to fetch you.
Naalala ko na sya nga pala yung nag uwi sakin kagabi... Pero nagtaka ako kung pano nya nalaman na nandun ako?
"K-Kiro..." nakita ko na nagulat sya sakin...
"Pano mo nalaman yung pangalan ko?" boploks ba to eh sinabi nya sakin kagabi!
"Boploks sinabi mo kaya kagabi!" sabi ko pero hindi na sya sumagot...
Pero narinig ko na may binulong sya.
"Shit! Narinig nya pa pala yuuunnn..." napangiti ako pero hindi ko alam kung bakit.."I'm Kiro, welcome to my life."
"So parte na ako ng buhay mo?" pang aasar ko sakanya tsaka tinusok ng daliri ko yung tagiliran nya.. At nahuli ko rin yung kiliti nya! Wahahaha
"Pinagsasabi mo?" sus kunwari pa sya!!!
"I'm Kiro, welcome to my life" pag uulit ko sa sinabi nya.. kinindatan ko naman sya.. Pero ako yung kinikilig ano baaa ang aga aga.
Pero mas lalo akong kinilig nung makita kong napangti sya sa sinabi ko!!!!
Sa wakas nandito na rin kami sa school... Laking pasasalamat ko nang makita kong andito parin yung sasakyan ko.
Nagulat ako nang makita kong titig na titig samin ni Kiro ang powerpuff girls!
"Uhm hi guys! Meet my... Friend" pagpapakilala ko kay Kiro. Nginitian naman sila ni Kiro.
"Hello" sabay sabay nilang sabi.
"And Kiro, meet Daphine, Czerina and Suzanne" turo ko sakanila isa isa.
Pero dahil nga malelate na ko nagpaalam na agad ako para pumasok na sa susunod na klase ko... Pero nakita ko na nasa tabi ko parin si Kiro.
Binigyan ko lang sya ng nagtatakang tingin...
"Hatid na kita" wala akong oras para kiligin dahil nagmamadali na ko..
Andito na ko sa may classroom "Bye thank you!" yan lang nasabi ko.. Buti na lang wala pa yung prof namin.
9:30 am
"Okay class dismiss" whooo break time na buti naman at nagugutom na ko..
Pero bago ako kumain... Asan kaya si Kiro? 4th year na sya kaya sa kabilang building pa yun..
Niligpit ko na yung mga gamit ko tsaka lumakad na papalabas ng classroom.
Pagkalabas ko agad kong nakita si Kiro sa gilid ko. "Hala, K-Kiro!" nakakagulat naman kasi talaga sya malay ko bang pupunta sya dito. "Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" dami kong tanong huh hahaha.
Umiling naman sya. "Sabay yung break time namin sainyo. Tara na?" pag aaya nya sakin. Nagtaka naman ako kasi bakit?
"Saan?" date ba to? ohmygash.
"Sa cafeteria malamang, hindi kaba kakain? Sabay kana sakin." ay oo cafeteria sasabay lang pala sakanya laking assumera ko talaga!
Sabay na kami naglakad papuntang cafeteria nang ma sight ko ang powerpuff girls.
"Hi guys!" pagbati ko sakanila pero hindi sakin nakatuon yung atensyon nila kundi sa katabi ko.
"You're Kiro right?" Daphine said. Waw just waw. Teh akin na to dun kana sa Ljay mo!
At bago pa makapagsalita si Kiro inunahan ko na sya. "Yes kakasabi lang kanina diba paulit ulit ka" natawa naman si Czerina and Suzanne. Nako baka akala neto nagseselos ako which is... I don't know lol
"Come and join us." Sabi ni Czerina kaya naman naupo na rin sa table namin si Kiro, weird makita na one of the girls ang peg ni Kiro dito hahaha :)))
"Umorder na kayo." sabi ni Suzanne na nakatingin pa saming dalawa ni Kiro. Sabay kaming napaturo ni Kiro sa isa't isa. Sabay sabay rin tumango ang powerpuff girls.
"Bakit kami? Hindi ba pwedeng tayo na lang lahat?" pagpapalusot ko. Umiling sila. I have no choice so I have to bear with it.
Na gets naman ni Kiro yung hindi ko pagsagot kaya naman tumayo na kami parehas...
Napapansin ko na habang naglalakad kami maraming nakatangin... Kung famous talaga tong Kiro na to edi sana kilala ko sya una pa lang. Hays nevermind.
Naka order na kami at si Kiro ang may dala ng tray, buti naman gentleman sya ngayon. Bumalik na kami sa table kung nasaan kami kanina.
As usual pare-parehas lang inorder namin... Nang maka upo kami dinaldal naman nila si Kiro..
"You're 4th year right?" Tumango lang si Kiro.
"How old are you?" oo nga hindi ko sya natanong kung ilang taon na sya..
"I'm 20" tsaka sya ngumiti. Ohmyghad that damn smile I would always want to see.
"What's your full name so we can add you on facebook?" ang active ko sa facebook pero di ko man lang naisip na i search si Kiro.
"Kiro Maximus Rockwell"
![](https://img.wattpad.com/cover/115710400-288-k845554.jpg)
YOU ARE READING
11:48 Heartbeats (ON-GOING)
Teen FictionAnastasia is in 3rd year college when she met this guy who brought color to her black and white boring life.