Save Me

15 0 0
                                    

"Kiro Maximus Rockwell " there's something on his name that sounds familiar!!!

Habang nag kkwentuhan sila iniisip ko naman kung ano ba yung familiar na yun!

At napagtanto ko na Rockwell yun! Sinabi nya sakin na may business yung parents nya... Hindi kaya sakanila yun?

Itatanong ko na sana sakanya kaso nag ring yung bell na sumisimbolo na tapos na ang break time kaya kailangan na namin bumalik sa kanya kanya naming klase.

"Bye guys!" pagpapaalam ko sa powerpuff girls tsaka naglakad papalayo. Pero nandito parin si Kiro sa tabi ko.

"Masanay kana na lagi kitang ihahatid." hala ang sweet :( pero bakit?

"Why do you have to do this?" pagtataka ko dahil unang una hindi nya ako girlfriend. Pangalawa.. bago yun magpangatlo hindi ko na alam yung pangalawang rason e HAHAHA

"Because I want to." ayie enebe kinilig naman ako sayo! Aatakihin ako sa heart neto eh.

"O-Okay" dahil wala na akong ibang masabi bukod sa okay. Dahil okay na okay ako sa ganitong set up whoooo

Patuloy kami sa paglalakad nang mapagtanto kong huminto na sya kasi nasa tapat na kami ng room ko.

"So thanks?" then I smiled. How I wish our feelings are mutual. How I wish that he would always want to see me smiling too and the reason will always be him.

"Bye." umalis na sya pero hinintay ko muna syang makalayo bago ako pumasok sa room.

"Ang gwapo kahit nakatalikod beh" napabulong na lang ako sa sarili ko. May gusto na nga yata talaga ako sa mokong na yun.

Nakita ko si Ms. Santos na naglalakad papunta sa classroom kaya naman pumasok na ako.



Hours had passed pero ang boring parin.. Kaya naman...



12:45 pm

Yeah yeah dismissal na!!! Ayoko mag expect na nasa labas ng room si Kiro dahil baka magkaiba ng oras yung dismissal namin..

As usual pupunta ako sa Gym pag wala na ganoong tao..

Seconds... Minutes... Hour had passed pero wala talagang Kiro na dumating.

"Ano ka ba naman Asha! Sabi ihahatid ka lang wala namang sinabi na susunduin ka rin! Ginawa mo namang school service yon" sabi ko sa sarili ko. Wala akong pake kung nagsasalita ako mag isa dito. Ayun nga eh mag isa lang ako kaya walang may pake.

Dinaan ko na lang sa basketball to pero para talaga akong tanga na nag eexpect na may mang bblock ulit sakin at sasabihin ang "Play with me, not with yourself."


Yes, every details naaalala ko...

"Please get out of my mind! Ang laki laki mo para dyan, Kiro" sabi ko sa sarili ko dahil kanina ko pa iniisip si Kiro.

Iniisip ko rin na baka... pinuntahan nya yung girlfriend nya sa kabilang building kaya di sya nagpupunta tuwing uwian.. And it fvcking breaks my heart. Crush lang naman kita pero bakit ako nasasaktan?


Naramdaman ko rin na sumisikip unti unti yung dibdib ko..



Kaya naman napagpasyahan ko na mag stay muna dito sa Gym tutal may bench naman kaya naman nahiga muna ako.


Nag babakasakali na pupunta dito si Kiro. Na baka hinahanap nya ko. Na baka maalala nya na dito ako pumunta nun kaya pupunta sya dito..



Naninikip na talaga yung dibdib ko... Hindi ako makahinga.. Damn this asthma!




Hinahanap ko yung inhaler ko sa bag pero hindi ko talaga sya mahanap!!!



Pero unti unti na akong napapahiga sa bench I can't control my breathing...

Please someone come and help me...


"K-Kiro..." then it went black.

11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now