5:45 am
Nang mag alarm naman yung cellphone ko. Nakakatamad naman bumangon. Ang bilis nang panahon October 25 na parang kahapon October 24 pa lang lol.
Bumangon na 'ko tsaka naligo. As always matagal ako maligo kaya naman 6:15 na ko natapos. Nag blower na ko at kung ano ano pang dapat kong gawin tsaka bumaba.
Nakita ko naman si Mommy kumakain mag isa sa baba "Mi bakit mag isa kang kumakain dyan? San si kuya?" takang tanong ko dahil araw araw silang dalawa yung sabay na kumakain kasi hindi naman ako nakain sa umaga.
"Ah may emergency sa trabaho nya" tsaka uminom nang kape. Walang kasabay si Mommy kumain ang lungkot nun kaya sinabayan ko na lang sya. "Oh akala ko ba ayaw mo kumain sa umaga?" I just smiled.
Nang matapos na ko kumain, nagpaalam na ko na aalis na kasi 6:40 am na. Sumakay na ko sa kotse ko at nagdrive na papuntang school. Tinext ko rin si Czerina.
To: Czerina
San kayo? Lapit na 'ko.
Lagi namang mabilis magreply to palibhasa di mabitawan yung cellphone kala mo naman may hinihintay na text sa boyfriend eh wala naman syang boyfriend.
From: Czerina
As always, Cafeteria. See yah. 😉
Nakarating narin ako sa parking lot, bumaba na ko at naglakad na.
Pero habang naglalakad ako napahinto ako kasi familiar yung sasakyan na nakita ko...
Ay baka kaparehas lang di lang naman sya yung may ganyang sasakyan.Naglalakad na ko papuntang Cafeteria at nakita ko na ang Powerpuff Girls HAHAHA.
"Hey" sabi ko at napansin naman nila ako. At ayon kumakain nanaman sila. May bago paba don?
"Oh kumain kana dito!" abot sakin ni Daphine pero tinanggihan ko.
"Thanks pero kumain na ko." Nagtaka naman sya kasi dito naman ako lagi sa school kumakain."Bakit ayaw mo?" wala talagang awat ang bibig kahit na may nginunguya pa.
"Sinabayan ko si Mommy" tsaka naman ngumiti na lang sya. Buti naman.Konting kwentuhan ang naganap tsaka namin napag pasyahan na mag libot libot muna.
"Huy may gwapo akong nakita kaninaaa!!!! 4th year daw yon mga bes!" sabi ni Czerina na halata mong gigil sya.
"So? Edi awrahan mo haha" sagot ko pero umiling si Czerina. "Bakit ayaw mo?" for the first time tumanggi sya.
"Daming nagkakagusto don dadagdag pa 'ko?" napa tss na lang din sya.
"Gwapo ba talaga? Tsaka lagi ka naman nung nakikita for sure!" natuwa naman sya.
"Oh bakit paano???" curious na tanong nya."Eh kasi bawat pader ng classroom naalala ka nya HAHAHAHAHAH" nag jojoke rin naman ako minsan pero atleast hindi kasing corny ng sakanya.
"Ha ha ha" tapos umaarteng kinikiliti nya pa yung sarili nya para lang matawa.
Then we decided na pumasok na sa klase tutal mag 8:00 na rin.
9:30 am
"Okay class you must give your manila papers to me later. Class dismiss" hay sa wakas! Nag stretch ako ng katawan dahil ang tagal ko lang na nakaupo...
Naalala ko nga pala na may manila paper pa ko sa locker ko, mamaya ko na lang kukunin.
Nag text ako kay Daphine...
To: Daphine
San kayo? Pupunta na 'ko sa Cafeteria.
Eto yung di pala reply samin kaya kailangan mong sabihin kung nasan ka kasi sya na lang yung pupunta sayo.
And yes, hindi kami classmates.
Hinintay ko na sila sa Cafeteria, maya maya lang dumating na sila. The Powerpuff Girls!
"Hi guys." bati ko sakanila.
"Kain na tayo." at ayon umorder na kami ng pagkain namin.. burger, fries and sundae lang samin busog na haha.Naalala ko na kailangan ko pa lang kunin
yung manila paper na ipapasa kay Ms. delos Reyes."Guys may kukunin lang ako sa locker ko hintayin nyo ko" nagpaalam na ko tsaka umalis.
Binuksan ko na yung locker ko pero may letter na nakalagay don...
To: Anastasia
Alam ko na sinabi mong tumigil na 'ko at wag na kitang kulitin pa. Pero sana pagbigyan mo naman ako na sulatan ka palagi ng letter. Dahil dito ko na lang maipaparamdam yung pagmamahal ko sayo. Kung sakaling mahal mo pa 'ko, andito lang ako palagi. :)
Okay lang naman sakin kung paganyan ganyan lang sya pa letter letter lang. Alam ko naman na di madali mag move on dahil naranasan ko rin yan.
Kinuha ko na yung manila paper at sinarado ko na yung locker ko.
Naglalakad na 'ko at naisipan kong icheck yung cellphone ko kung may nagtext ba ng may nakabangga ako. Seriously?! Kailangan lagi akong may nakakabangga pag galing ko sa locker?
Yumuko ako para kunin yung manila paper pero naunahan nya na ko. Nagulantang ako ng humarap sya sakin.
"IKAW NANAMAN?!" sabi ko tapos nagulat din sya.
YOU ARE READING
11:48 Heartbeats (ON-GOING)
Teen FictionAnastasia is in 3rd year college when she met this guy who brought color to her black and white boring life.