Games

15 2 0
                                    

Anastasia's POV

So tapos na yung last subject ko and I'm ready to go home...

Palabas na 'ko pero nakita ko na Drew is standing outside the classroom. "Ano nanaman bang ginagawa neto dito" bulong ko sa sarili.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad pero napansin nya pa rin ako. Ano ba naman to!

"Asha wait" pagpipigil nya sa paglalakad ko.
"Ano nanaman ba?" I said dahil iritang irita na ko sakanya. Lakas ng loob kala mo walang nangyari e no? Kung kausapin ako kala mo 1 year ago di nya sinabing may mahal syang iba habang kami pa eh no. Lakas ng loob eh.

"Let me explain everything" hinawakan nya ang kamay ko at sabay pagmakakaawa.

"Please come back to me mahal na mahal kita, Asha" kagaguhan nanaman ba nya to?

"Explain everything, Drew?" tumawa ako ng mahina at sinabing "After a year ngayon ka lang mag eexplain? Bakit? Hindi ba pasado yung pinalit mo sakin?" inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko na parang diring diri sakanya na kahit daliri man lang nya ayokong didikit sa balat ko.

"Asha, mahal na mahal kita alam mo yan diba?" sabay iyak at luhod sa harapan ko.
Oh please stop I don't have time for this I'm tired.

"Tumayo ka" pero tumingin lang sya sakin "Sabi ko tumayo ka" pero hindi sya natinag at hinawakan pa yung kamay ko. "Ano ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na to?! Pagod na ko Drew, pagod na pagod na ko!" galit na sabi ko.

Nang kumalma ako tsaka rin sya tumayo.
"Kung gano mo ko kadaling sukuan noon, sana ganun din ngayon. Wala kang mapapala sakin, Drew." the I walked away from him.

Bakit ba kailangan nya pa kong guluhin? Bakit hindi pa noon nung mga panahong umaasa ako na babalik pa sya? Bakit hindi pa noon nung mahal na mahal ko sya?

Pumunta na kaagad ako sa parking lot, pagkadating ko sa sasakyan ko agad kong nakita ang malaking papel sa windshield ko at may nakalagay na "Asha please come back to me" sino paba gagawa neto?! Pati ba naman sasakyan ko!

Lumapit ako agad at sabay tinanggal yung papel at pinunit punit ko dahil gigil na gigil na ko!!!


If this is one of his games, I know how to play better than the gamer.

11:48 Heartbeats (ON-GOING)Where stories live. Discover now