Chapter 27- Day 02 (Intramurals)

87 10 5
                                    

"She's okay, kailangan niya lang magpahinga." narinig kong sambit ng isang boses. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sila mama at kuya na may kausap na doctor. Siya yung doctor ko noon palang.. 

"Anong nangyari doc? Hindi bat sabi niyo wala na yung sakit sa puso niya?" tanong ni kuya.

"Ayun rin ang pinagtataka ko dahil base sa mga last test ko sakanya, negative na ang lahat pero pinaalalahanan ko rin kayo na maaari itong bumalik kapag hindi niya nakontrol ang emosyon niya." sambit ng doctor.

"Isa lang ang alam kong dahilan dito, maaaring masyado siyang naging emosyonal. Alam naman natin na kahit sabihin nating okay na siya, bawal parin sakanya ang pagiging masyadong emosyonal. Maaari itong maapektuhan ang puso niya. Meron ba siyang pinagdaraanan? Natuwa ba siya ng sobra? May ikinagalit ba siya o ano man?" Nagtatakang tanong ni Doctor. Tan pero malalim lang na nag-iisip sila mama. Akala ko rin wala na'tong pesteng sakit nato, pero bakit kailangan niyang bumalik? Bakit ngayon pang nahihirapan ako? Ang ganda nga naman ng timing. Sobra. Tss.

"Wala kaming napansin. Alam naman natin na magaling siyang magtago ng emosyon." sambit ni mama kaya tumango-tango lang yung doctor.

"Binalaan ko siya noon na hindi siya maaaring ma expose sa mga madamdamin na bagay. Pinaalalahanan ko siya noon na kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya dahil anytime maaring bumalik ang sakit niya at alam niyo na ang maaaring mangyari sakanya." Napatigil si doc. Tan sa pagsasalita. Ipinikit ko ang mga mata ko para magkunwaring natutulog. Alam ko kung ano ang maaaring mangyari sa'kin.

"Maaaring mas lumala pa ang sakit niya sa puso, maaaring malunasan ng therapy at gamot pero... maaari ring hindi." Nakaramdam ako ng takot sa sinabi ni doctor tan pero kailangan kong tanggapin iyon. Ginusto ko'to e.

"Kakausapin ko nalang siya kapag okay na siya." sambit ng doctor at lumabas na ng kwarto.

"Ma.. kuya.." sambit ko kaya napatingin sila sa'kin. Hindi ako masyadong makasalita dahil may naka suot sakin na mask.

"Amber, are you okay? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ni kuya. Napa irap nalang ako. Inalalayan ako ni mama na umupo tas tinanggal ko yung mask ko. Pinigilan ako ni kuya pero sinabi kong okay na'ko.

"Okay na'ko, gusto ko ng umuwi. Ayoko dito." sambit ko. Napa ngisi naman si kuya.

"You'll stay here. You're not okay." sambit ni kuya.

"I wanna go home. Ayoko na dito." ayoko dito, sawang sawa na'ko sa amoy ng hospital. Andaming masasamang nangyari dito. Ayoko dito. Una, halos dito ako tumira ng loob ng 2 taon dahil sa pesteng sakit na'to, at pangalawa. Dito dinala si papa at dito rin siya binawian ng buhay. I hate being here.

"Kakausapin ko lang si Doc. Tan kung pwede kanang umuwi." sambit ni mama at lumabas. Seryoso lang na naka tingin sa'kin si kuya.

"Kuya.." tumingin lang siya sa'kin.

"Alam ba ni rashin na may sakit ako?" Tanong ko. He shook his head that's why i sigh. "Kuya 'wag mong sabihin please." I beg him and he just nodded.

"Sinasaktan kaba ni rashin?" Seryosong sambit niya. Hindi ako naka sagot agad. Hindi naman niyan ako sinasaktan e, kasalanan ko yun dahil nahulog ako sa taong hindi ako gusto.

"Hindi." walang emosyon na sambit ko.

"Mahal mo naba siya?" napatingin ako sakanya. Tinignan ko lang siya sa mata.. Alam naba ni kuya..?

"Oo alam ko na, hindi kayo. Na nagpapanggap lang kayo para pag selosin si kathlyn para bumalik na siya kay rashin. Sinabi na sa'kin ni rashin lahat." Napa buntong hininga nalang ako.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon