Chapter 41- Happiness

93 11 22
                                    

Ambers POV

"Good morning Ms. Sleepy head." pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad agad sa'kin yung mukha ni rashin. Hays, pati ba naman sa panaginip ko ay tumatambay siya. Jusko! Halos di na ako makatulog nung gabing yun dahil sa sobrang kilig ko sa nangyari. Paano ba naman, niyakap niya ako at sinabihan pa ako ng.

"I miss you."

Kyaaa! Hindi na nga ako naligo nung gabi nayun para lang ma preserve ko yung amoy niya. Hahahaha

"Ano bayan, patulugin mo naman ako rashin. Pati ba naman panaginip ko andito ka sa tabi ko." bulong ko sa sarili ko at tinakpan ko yung mukha ko ng unan. I heared someone giggle kaya napa kunot yung noo ko.

Wait, nananaginip ba ako? Oh my gawd! Wait---

Dali-dali kong tinanggal yung unan sa mukha ko at nanlaki yung mga mata ko ng makita ko parin yung mukha ni rashin sa harapan ko habang tumatawa. No no no! Mali ang iniisip ko. Napahawak ako sa noo ko at pilit ginigising ang sarili ko.

"Panaginip lang 'to. Nananaginip ka amber. Wala si rashin ngayon dito sa kwarto mo kasi nga nananaginip kalang!" paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko habang pinapalo-palo ko yung noo ko. Omygawd! Tell me panaginip lang to!!!

"Gumising ka amber, nananaginip kalang! Yan kasi puro ka pag papantasya e!" sigaw ko pa sa sarili ko. Sinampal ko yung pisnge ko at--- masakit. Shit, so ibig sabihin hindi ako nananaginip!? I open my right eye and i saw rashin smiling at me.

"So pinagpapantasyahan mo ako?" and he grinned at me! What the hell!

"Ahhhh!!!" umupo ako agad at tsaka cinover ko yung kumot sa katawan ko. E kasi ba naman, naka sando lang ako at short at take note... w-wala akong bra! E di ako nag bra-bra pag natutulog kasi magkaka breast cancer ka daw! "Anong ginagawa mo sa kwarto ko ha!?" sigaw ko sakanya. Tinawanan niya lang ako at nagpamulsa.

"Mag toothbrush ka kaya muna." tumatawang sambit niya. What the hell talaga! Napatakip ako agad sa bibig ko at sinamaan siya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito, manyak ka!" sigaw ko pa. Huhu, Feeling ko ang dumi-dumi ko ng tao. Naiiyak na'ko.

"Sinusundo ka. Actually mag o-one hour na akong nandito sa bahay niyo at hindi ka parin lumalabas ng kwarto mo kaya inutusan na ako ni tita na puntahan ka dito. We're almost late." sambit niya at pinakita niya sakin yung wrist watch niya at 6:45 na pala! Wahhh! 15 minutes nalang!

"LAYAS!!!" sigaw ko at binato ko siya ng unan. Tumawa lang siya habang naglalakad paatras. A-ambush ko talaga yung lalaking yun kahit mahal ko siya! Uwaaa!!!

Isa-sara na sana niya yung pinto ng kwarto ko pero isinilip niya pa ulit yung ulo niya dito sa loob ng kwarto ko.

"Bilisan mo, Ms. sexy!" at kumindat pa siya at tuluyan na niyang isinara yung pinto. Napayakap nalang ako sa sarili ko.

"BWISIT KA!!!!" sigaw ko. Oh my gawd! T_____T Sinira niya ang kinabukasan ko. Hindi ko na kaya! Mag su-suicide na ako! Huhu!

Dali-dali naman akong tumakbo sa banyo at nanlaki na naman yung mga mata ko ng makita ko yung reflection ko sa salamin. Gulo-gulo yung buhok ko at may muta pa ako sa mata. May bakas pa ng laway sa bibig ko. Uwaaa! Kill me now! Nakakahiya na talaga to!!!

Agad-agad akong nag-ayos ng sarili ko. Hindi narin ako nag suklay kasi wala na akong oras. Pagkababa ko, nakita ko naman si mama at rashin na nag-uusap sa salas. Abay, close na sila!?

"Good mornig mama! Alis na kami byeeee!" sigaw ko at hinila si rashin palabas ng bahay pero itong lalaking to ayaw pang tumayo.

"Kumain ka muna, amber." sambit ni mama.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon