Chapter 39 - Wake up

72 11 2
                                    

Nico's POV

["N-nico anak.."] narinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya ng telepono. Parang bigla akong kinabahan ng marinig ko ang paghikbi ni mama.

"Mama anong nangyayari!? Kamusta si amber!? May n-nangyari ba sakanya!?" Oh God! Please tell me na okay lang si amber! Nakikiusap ako sana walang masamang nangyari sakanya!? Please please.

"Mama, sagutin mo ako!" hinigpitan ni sparkly ang pagkakahawak sa kamay ko ng biglang tumaas yung boses ko. She mouted "Calm down." but i can't.

["Anak.. She's between death and life now... They are reviving her..."] tila bumagsak ang mundo ko ng marinig ko yung sinabi ni mama. Pinatay ko agad yung tawag at dali-daling sumakay sa kotse ko.

"Nico sasama ako!" sambit ni sparkly at hindi ko na siya pinigilan pa dahil sumakay na agad siya sa kotse ko.

Pinaharurot ko agad yung kotse papunta sa hospital. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na baka pagdating ko doon ay hindi ko na siya maabutan pa... Oh God, nakikiusap ako. Huwag mo muna siyang kunin mula sa'kin.. samin.

Hininto ko ang sasakyan ng maging pula ang kulay ng traffic light. Isinandal ko ang ulo ko sa manibela at naramdaman ko nalang ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko. Naramdaman ko ang mga kamay ni sparkly sa likod ko at hinagod niya ito.

"Kahit hindi ko kilala si amber alam kong malakas siya. Magtiwala kalang sakanya, hindi siya bibitaw." kahit papaano ay parang gumaan ang bigat sa dibdib ko. Pinaadar ko ulit ang kotse ko ng maging green na ang kulay ng ilaw.

Agad-agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni amber. Habang papalapit ako ng papalapit ay parang pabigat na pabigat ang nararamdaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba at takot na baka may masamang nangyari sakanya. Nakita ko ang isang silid na pinupuntahan ng marami kapag kailangan. Hindi ako nag dalawang isip na pumasok doon at kasabay ng pagluhod ko ay ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.

"Hindi po ako karapat-dapat humingi ng pabor sainyo pero parang-awa mo na, iligtas mo ang kapatid ko." yun lamang ang lumabas na tinig sa bibig ko at umagos na naman ang luha sa mga mata ko. Oh God, please save her.

Taimtim lang akong nagdarasal at ganun din si sparkly na nasa tabi ko.

Aminado po ako, isa akong makasalanan. Marami akong nagawang mali at kadalasan nasusuway ko ang mga utos mo. Pero, ngayon lang po ako hihingi ng pabor sa inyo. Hindi para sa'kin pero para sa kapakanan ng kapatid ko. Iligtas niyo po si amber. Huwag niyo po muna siyang kunin saamin. Parang-awa mo na po. Bigyan niyo pa ng oras ang kapatid ko para mabuhay sa mundong ito.

Matapos naming magdasal ni sparkly ay dali-dali kaming umalis ng chapel at pumunta sa kwarto ni amber. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakikita ko na ang pintuan ng kwarto niya at parang may kung anong pumipigil sa'kin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Lalo akong kinabahan ng magsi labas ang mga nurse sa kwarto niya at halata sa mukha nila ang pagka lungkot.

Hindi, mali ang iniisip ko. Mali ang kutob ko.

Dali-dali akong lumapit doon at siyang pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya ay ang pag tingin ng doctor sa kanyang relo ang pagbigkas ng

"Time of death, 3:25 pm."

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa narinig ko. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Hindi maaari! Hindi totoo ito!

Naramdaman ko nalang ang sunod-sunod na pag agos ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang wala na si amber. Pinilit kong maglakad palapit sakanya kahit nanginginig ang buong katawan ko.

Nasa tabi lang ni amber si mama na sobra ang paghagulgol. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng kapatid ko na ngayon ay wala ng buhay. Para lamang siyang natutulog pero ang pagkaiba noon ay.. kailan man ay di na siya magigising.

Hinawakan ko ang mga kamay ni amber at doon ako napahagulgol ng iyak. Hindi ako makapaniwala na wala na siya! Ang hirap tanggapin at ayokong tanggapin na wala na siya ngayon.

Bigla akong nabuhayan ng marinig ko ang makina. Agad-agad akong tumingin sa makini na may bumubuong mga kurbadong linya na kanina lamang ay deretsyo.

B-buhay siya!

Bigla kaming pinalayo ni doctor tan kaya inalalayan ko si mama para tumayo. Nakayakap lang ako kay mama habang nakatingin ako sa doctor na chine-check ang pulso ni amber. Agad-agad namang may pumasok na mga nurse sa kwarto para tulungan si doctor tan.

"Amber, laban lang." sambit ko. Parang nabunutan ako ng tinik ng maging normal na ang heartbeat niya. Salamat sa diyos dahil tinupad niya ang hiling ko.

Lumapit saamin si doctor tan.

"Ang laking milagro ang nangyari sakanya pero isa lang ang masasabi ko, hindi pa niya oras." nakangiting sambit ni Doctor tan. "Stable na ang lagay niya ngayon pero hindi parin natin alam kung kailan siya magigising." pagpapatuloy pa niya. Marami pa siyang sinabi sa'min ni mama. Lumapit agad ako kay amber ng matapos naming mag-usap nila doctor tan. Nakatulog naman na ngayon si mama dahil sa sobrang pagod at pag-iyak niya kanina.

Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama ni amber at hinimas ko ang ulo niya.

"Huwag mo kaming iiwan ha? Lumaban kalang." sambit ko.

Sobrang takot ang naramdaman ko kanina ng akala ko ay mawawala na si amber saamin. Hindi ko kakayanin na pati siya ay mawala narin samin ni mama.

Lumapit sa'kin si sparkly at hinawakan ang balikat ko. Muntik ko na siyang makalimutan. Tinignan ko siya pero ibinalik ko rin agad ang tingin ko kay amber.

"T-thank you, sparkly." gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa kahihiyan ko. Bakit ba ako nauutal?

"Walang anuman, If you need something or someone to talk to. Just call my name and I'll be there. " napatawa nalang kami pareho dahil napakanta pa siya sa mga huling sinabi niya.

"Hindi ko aakalain na kung sino pa yung kaaway ko ay siya pa yung karamay ko ngayon. Sobrang swerte ko dahil nandito ka, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko." nakita ko naman siyang namula kaya napa ngisi ako. Kinikilig ba siya?

"A-ah s-sige mauuna na a-ako!" nauutal na sambit niya at dali-daling naglakad patungo sa pinto.

"Mag-iingat ka." sambit ko pero nag thumbs up lang siya at tuluyan nang umalis.

Napangiti nalang ako. Sobrang saya ko dahil maayos na si amber at sa unang pagkakataon ay unti-unti ko nang minamahal si sparkly.

~×~

SHORT UPDATE! MERRY CHRISTMAS EVERYONE! HART HART×😊🤘

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon