Chapter 7-Center of the point

222 15 0
                                    

AMBER.

Monday ngayon.I used to love weekdays BEFORE. Kasi puro aral,puro libro yung kasama ko.Tahimik yung buhay ko..pero ngayon hindi na.Sa araw nato mababago na yung buhay na kinasanayan ko.Yung tahimik kong buhay gugulo na,Yung taong hindi pinapansin noon magiging center of the point na.Dahil sa pesteng litrato nayan magbabago ang lahat.Dahil sa rashin nayan,pag-iinitan ako ng mga fangirls niya.Parang wala na akong ganang pumasok pa.


Kung kahapon sobrang saya ko ngayon parang binagsakan ako ng langit at lupa.Lahat ng saya na naramdaman ko kahapon napalitan ng pangamba,kaba at lungkot.Bwisit na rashin nayan,dinadamay pa ako sa mga kalokohan niya.Kasalanan niya lahat ng ito eh!Sa dinami rami ba namang babae sa campus bakit ako pa ang niyakap niya?Sa dinami-raming babae may gusto sakanya sa campus ako yung napipili niyang magpanggap na girlfriend niya?Ngayon sobrang sakit na nang ulo ko kakaisip kung anong magiging desisyon ko.Kasi alam ko na kahit tumanggi ako sakanya,Hinding hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya nakukuha yung gusto niya sakin.Dagdag lang siya sa problema ko eh.Tadhana naman oh...bat ba ang daya mo?Ano bang kasalanan ko sayo at ako po ang napili mo?Bakit ako pa yung pinunterya mo?Nakatadhana ba talagang magulo ang buhay ko dahil sa lalaking yun?Kasi kapag OO, wag ako iba nalang....


Na tigil ako sa pag iisip ko ng may narinig akong bumusina.Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko para tignan kung sino yun at hindi ako nag kamali.Si kuya nico nga.Tatlong araw ang nakalipas simula nung nag away kami ni kuya,pero hanggang ngayon hindi parin kami nag papansinan.Ngayon ngalang siya ulit umuwi dito sa bahay eh.Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at nakita ko si mama.



"Amber sumabay kana sa kuya mo pumasok.." tumango ako kay mama at agad agad kong kinuha yung gamit ko.Nag madali akong lumabas ng bahay baka iwan ako ni kuya.Wala kasi siyang pasensya eh.Ayaw na ayaw niya yung pinaghihintay siya.Umupo ako sa passenger seat habang si kuya naman sa driver's seat. Wala ni isa samin ang nag salita sa buong byahe.Pero kada tumitingin ako sa rear mirror nahuhuli ko siyang naka tingin sakin pero iniiwas niya rin agad yung tingin niya.Alam ko namang miss niya na ako eh,Ma pride lang talaga siya.



Nag park agad si kuya sa parking lot ng school namin. Ewan ko pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko... Parang hindi ko maigalaw yung buong katawan,Sobrang lamig ng kamay ko sa sobrang kaba ko.Ang dami kasing tao dito kasi as usual hinihintay nila dumating sila kuya.Kailangan ko na ata talagang tanggapin na ito na yung araw na pinaka ayaw ko.Yung araw na babago sa buhay ko.Yung tahimik kong buhay na pinaka iingat-ingatan ko wala na.Mawawala nalang bigla sa isang iglap...



Napatingin ako ulit sa rear mirror at nahuli ko na naman si kuya na naka tingin sakin.Pero this time hindi niya iniwas yung tingin niya sakin.Halata sa mukha niya na nag-aalala siya sakin ayaw niya lang aminin pero nahahalata ko.Pina una ko muna si kuya bumaba. Narinig ko naman na nag tilian yung mga fangirls niya.Pinikit ko yung mga mata ko kasabay nun ang pag hinga ko ng malalim.




"Kaya mo yan amber.. kaya mo yan.." dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kotse at lahat ng tao sa parking lot napatingin dun.Bumaba ako sa kotse at lahat ng babae sobrang sama ng tingin sakin.Parang noon lang kapag bumababa ako sa kotse ni kuya wala silang pake-alam pero ngayon parang binabantayan na nila lahat ng galaw ko.Lumingon lang sakin si kuya sandali at umalis na.Kuya tulungan mo ako dito!! T_T




Nag simula na akong maglakad papunta sa classroom ko.Lahat ng nadadaanan kong mostly group of girls sobrang sama ng tingin sakin.Akala mo papatayin na nila ako sa mga tingin nila.Dukutin ko mga eyeballs niyo diyan eh!Yung iba naman mukhang nandidiri sakin.May pa suka suka effect pa sila.Yung iba naman todo irap.Ikutin ko mga mata niyo eh!?



The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon