Chapter 49: Outing

50 7 0
                                    

Amber's POV

It's been 2 days ng maka labas ng hospital si Rashin and hapilly everything is getting fine. Hanggang ngayon hindi parin ako maka paniwalang boyfriend ko na siya pero kahit papaano ay nag si-sink in narin sa utak ko ang mga nangyari.

December 30 ngayon at malapit na ang bagong taon. Patapos narin ang bakasyon namin pero wala parin akong balak mamasyal. Kakauwi rin kasi ni Yassi galing probinsiya at hindi ko rin siya magawang yayaing mamasyal kasi alam kong pagod din siya sa byahe. Kainis! Buti pa yung bruha nayun naka gala na naman pero ako, patapos na bakasyon team bahay parin.

"Amber!" narinig ko ang pag sigaw ni mama ng pangalan ko. "Bumaba kana riyan at may mga bisita ka!" pag papatuloy pa niya.

Para naman akong bulate dito dahil tinatamad akong bumangon sa kama ko pero wala parin akong choice kaya bumaba ako.

Pababa palang ako ng hagdan ay nakita ko na sila Yassi, Dayne, Shan, Kuya Nico at Rashin na naka upo sa sofa namin.

"Amberrrrr!" sigaw ni yassi pagkababa na pagkababa ko ng hagdan.

"Bruhaaaa!" sigaw ko naman at agad-agad na tumakbo palapit sakanya at saka siya niyakap. "Bakit buhay kapa!?" pambibiro ko at agad naman akong naka tanggap ng sabunot. Pashnea!

Kumalas kami ng yakap sa isa't-isa.

"Kamusta kana!? It's been a long day without you my friend! Yie, english yun ha!" Inirapan ko siya.

"Duh! As if naman, alam ko naman na kinuha mo lang yan sa isang kanta e!" Sambit ko at tsaka kami nagtawanan.

Napalingon ako kila dayne, shan at rashin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Okay na si Rashin, hindi narin naka bandage yung kamay niyo pero kahit ganun hindi parin siya pwedeng mag buhat ng kung ano-anong mabibigat na bagay kasi baka matuluyan.

"Welcome ba kami dito?" sambit ni Shan kaya tinawanan ko siya.

"Pwedeng welcome muna?" sabi naman ni Dayne.

"Pwedeng meryenda muna? Hehe charot." sali naman ni yassi sa usapan kaya nagtawanan kaming lahat. Patay gutom talaga ang babaeng ito!

"Go pack your things." seryosong sabi naman ni rashin kaya na baling ang atensyon ko sakanya.

"Ha? Bakit?"

"Walwal timeeee!" singit naman ni Yassi at halata sa mukha niya ang pagka excite pero hindi ko parin ma gets ang mga pinagsasabi nila. Nakita kong lumapit si Dayne sa'kin.

"Actually, isasama ka sana namin para magbakasyon. Hindi pa kasi kami nakaka pasyal nila Rashin this vacation and i think so you are kaya naisipan nalang din namin na isama kayo ni Yassi." explain niya. "And yeah, we will celebrate our new years eve in our resort there in ilocos." Pagpapatuloy naman niya. "For sure masaya yun and for sure din may maiinggit ditoooo!" patuloy naman ni Dayne sa sinabi niya at tsaka nila tinignan si kuya at tsaka tinawanan. Napa ngisi naman si Kuya.

"Kuya di ka sasama?" tanong ko at umiling lang siya.

"May date kasi sila ni Sparkly! Ayieeeeee lumalandi na siyaaa!" pag aasar pa ni dayne kaya nag tawanan kami lalo na ng makita namin ang pamumula ni Kuya. Tumayo naman siya at binato kay dayne yung unan.

"Bahala nga kayo diyan!" asar na sambit niya at tsaka nag walk out. Aba, sila na kaya ni Ate Sparkly? Aba ang kuya ko di na NGSB! HAHAHA!

"Oh Amber, Go pack your things." sabi naman ni shan sa'kin.

Masaya na sana ako kaso naalala ko na hindi pa pala ako nakakapag paalam kay mama at tsaka naisip ko rin na ito yung unang beses na hindi ko sila makakasama sa new years eve kung sakali. Nawala lahat ng excitement ko dahil sa naisip ko. Napa simangot ako.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon