Chapter 31- Mare.

72 11 0
                                    

Amber.

From: Dorang Yassi 'Ganda'
Amber... Magkita tayo sa park malapit sa subdivision niyo mamayang 4:00pm...

Ano namang problema ng babaeng 'to at bigla-bigla nalang nagaayang lumabas? Tinatamad pa naman ako ngayon kasi ang sakit ng ulo ko dahil sa mga ginawa kong report. Aish! Ano ba kasing gagawin namin 'dun?

2:30 palang kaya meron pa akong 1 hour and 30 minutes para matulog. Si-net ko ang alarm ng cellphone ko para gisingin ako mamayang 3:30. Umalis ako sa study table ko at humiga sa kama ko. Dahil sa sobrang pagod at sakit ng ulo ko, pagkapikit ko palang ng mata ko ay nakuha ko na yung tulog ko.

Napamulat ako ng mata ko ng may narinig akong nabasag. Nasa isang kwarto ako, madilim at tanging ang isang ilaw lang na nagpapatay sindi pa ang nagbibigay liwanag sa kadiliman sa kwartong to. Tinignan ko kung ano yung nabasag at nakita ko yung picture namin ni yassi na naka lagay sa frame at basag na yung salamin nung frame.

Tumingin ako sa harapan ko upang malaman kung sino yung nakahulog nun at laking gulat ko ng makita ko si yassi sa harapan ko.

Hindi ako sigurado kung si yassi 'tong kaharap ko dahil ibang-iba siya sa yassi'ng nakilala ko. Hindi siya tumatawa, maski ngumingiti kundi puno ng galit yung mga mata niya--- habang isa-isang bumabagsak ang mga luha sa mata niya.

Lumapit ako sakanya pero laking gulat ko ng tinulak niya ako palayo.

"I hate you... I HATE YOU VERY MUCH!" galit na galit na sigaw niya sa'kin. Anong nagawa ko? Hindi siya yung masayahing yassi na nakilala ko. Nakakatakot siya.

"Y-yassi, b-bakit? A-anong nagawa ko sayo?" nanginginig na sabi ko pero hindi siya sumagot. Masama lang siyang nakatingin sa'kin. Punong-puno ng galit yung mata niya.

Nanigas ang buong katawan ko at nanginig ng makita kong may linabas siyang baril mula sa bulsa niya  itinutok ito sa'kin.

"W-wag mong gagawin yan y-yassi.." pumatak ang isang butil ng luha sa mata ko dahil sa sobrang kaba. Ngumisi lang siya, isang ngisi na nakapagpataas ng balahibo ko. Ito naba ang katapusan ko?

Naramdaman ko nalang na may malamig na bakal na dumikit sa noo ko. Nanginginig ako sa sobrang takot habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Goodbye amber." sambit niya at narinig ko nalang ang...

Pag-alarm ng cellphone ko.

Dali-dali akong napa-upo sa kama ko. Habol-habol ko ang hininga ko habang pinagpapawisan ako ng malamig. Panaginip lang ang lahat ng iyon. Isang napakasamang panaginip.

Napatingin ako sa alarm ko at 3:40 na. 10 minutes palang nag r-ring yung phone ko kaso di'ko napansin. Napa palo nalang ako sa noo ko. Anong ibig sabihin ng panaginip nayun? Bakit ang sama ng pakiramdam ko? Parang may masamang mangyayari. Ang sikip ng dibdib ko, kinakabahan ako.

Tumayo ako sa kama ko tsaka pumunta ako sa banyo ko para maghilamos. Napatingin nalang ako sa salamin habang tunitignan ko yung repleksyon ko doon. Anong ibig sabihin nun? Bakit ang sama ng kutob ko? Tutuloy paba ako?

Kinuha ko yung phone ko para i text si yassi na wag na naming ituloy yung pagkikita namin pero nahuli ako ng maka recieve ako ng message mula sakanya na nandoon na siya. Wala na'kong choice kundi puntahan siya doon. Naghanap agad ako ng damit at jogger sa cabinet ko at tsaka sinuot.

Nagpaalam ako kay mama na aalis ako, pinayagan naman niya ako basta daw wag ako magpapagabi. Binilisan ko ang paglalakad ko knowing na hinihintay na'ko ni yassi doon. Mahirap na baka mainis yun, hindi pa naman siya marunong maghintay.

Nangmakarating ako sa park, agad ko naman siyang nakita na nakaupo sa isang swing. Naka talikod siya sa'kin kaya hindi niya ako napansin. Naglakad ako palapit sakanya.

"Oh, ano namang problema mo at nagyayaya ka nalang basta-basta lumabas, hindi mo ba alam na marami ak------" napahinto ako sa pagsesermon ko ng humarap siya sakin. Namamaga yung mga mata niya, ang gulo ng buhok niya, namumula siya. Ang miserable niyang tignan. Anong nangyari sakanya? Bumalik yung kaba na nararamdaman ko kanina at sa pagkakataon na'to ay mas grabe na.

"A-anong nangyari s-sayo? B-bakit..." lumapit ako sakanya at akmang hahawakan siya ng ilinayo niya sa'kin yung sarili niya. Nakaramdam ako ng kaba ng bumalik sa'kin yung panaginip ko kanina... Parang nagiging totoo na...

"Y-yassi..."

"Amber, Ikaw..." napakunot ang noo ko sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihing ako? Tinignan niya ako. Walang emosyon ang mga mata niya, blanko.

"Ikaw ang mahal niya.." her voice broke. Natigilan ako, alam na niya... Kaya ganito siya ngayon dahil alam na niya na ako yung mahal ni dayne. Ang miserable niya dahil sa'kin at hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

Hindi ko alam kung anong tamang sasabihin ko, nanginginig ako sa kaba lalo n'at kita ko yung lungkot at sakit ngayon sa mata niya.

"Y-yassi... hindi ko sinasadya." ngumiti siya sa'kin. Ngiting puno ng sakit at hindi ko maiwasang masaktan dahil don.

"Wala kang kasalanan." yumuko ako, pakiramdam ko may tutulo ng luha sa mga mata ko. "Ang sama ko lang dahil kahit alam 'kong mali, hindi ko maiwasang mainggit sayo, hindi ko maiwasang magalit sayo. Lagi nalang ikaw.. Sana ako naman." halos pabulong na sabi niya. Narinig 'kong napahagulgol siya ng iyak. Ang sakit isipin na galit sa'kin ang bestfriend ko. 

"I'm sorry yassi..." my voice almost crack. Tinignan ko siya at nakayuko lang siya habang nakatakip ang mga palad niya sa mukha niya.

"Sasabihin ko naman talaga sayo ang lahat kaso hindi ko lang alam kung kailan." tumingin siya sa'kin at kinunutan niya ako ng noo.

"A-alam mo? N-noon palang alam mo na?" tumango ako at napahagulgol na naman siya ng iyak. Tumayo siya at tinignan niya ako, this time hindi lang sakit at lungkot ang nakikita. Galit siya sa'kin.

"You fooled me." tumawa siya kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata niya. "All this time pinagmukha niyo akong tanga, pinagmukha mo akong tanga." Her words makes my heart skip a beat. Hindi ko alam ang gagawin ko, lalo na't every move na ginagawa ko nasasaktan siya.

"J-just let me explain yassi.." i realize i was drowning with my own tears. Umiling siya habang patuloy parin sa pag-iyak. She covered her mouth using her palm to avoid making noise.  Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Please.. please, hayaan mo akong magpaliw--" she raise her hand to stop me.

"I hate you." Tumalikod siya at naglakad paalis. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdman ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Losing  my bestfriend is worst than break-ups.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon