Chapter 12-Deal or no deal?

158 19 0
                                    

Yassi's Point of View

"Here's your coffee sir.Enjoy." at inilapag ko yung kape sa table niya.Nag bow muna ako bago umalis doon.Wahhh!Inaantok na ako! 4:30pm - 12:00 am kasi ako dito sa coffee shop.Every Monday,Wednesday,Friday at Sunday ako dito.Same schedule.4:30pm-12:00am pero kapag walang pasok nag who-whole day ako.Sayang yung kita no.Mayaman kami pero kailangan kong mag trabaho.Kailangan kong tumayo sa sarili kong paa.Ayokong iasa lahat sa pamilya ko...Pumunta ulit ako sa counter para kunin yung next order.Wahh nakaka pagod... Tinignan ko yung number ng table. Number 19.Hinanap ko agad yung table nayun at dahil mataggal na rin akong nag tra-trabaho dito.Kabesado ko na lahat ng pwesto ng table.From 1 to 50 -_-Nag lakad ako palapit sa table 19. May nakita akong lalaking naka upo don.Alangan namang naka tayo diba? Nakaupo siya pero naka talikod siya sakin.Nasa likod palang niya ako ng marinig ko siyang mag salita kaya napa hinto ako.

"Lagi nalang siya..." Tumaas yung mga balahibo ko ng marinig ko yung familiar na tinig nayun.Yung boses na sobrang kilala ko.Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ko yung boses ng crush ko.Nanatili akong nakatayo sa likod niya dahil na cu-curios ako sa mga sasabihin niya.

"Lahat nalang ba aagawin mo?Siya nangalang yung saakin kukunin mo pa?Tangina.Pabida ka talaga no?"nakita kong sinara niya yung kamay niya.Sino kaya yun?Tungkol sa pag-ibig bayan?Sana naman hindi...Huminga muna ako ng malalim bago ibigay yung kape niya.

"Here's your coffee sir..." mahinahon kong sabi at linapag yun sa table niya.Napa kunot yung noo niya ng makita niya ako.Hindi siguro siya maka paniwalang nag p-part time job ako dito tsaka ngayon ko lang kaya siya nakitang pumunta dito.

"Fcvk!?Anong ginagawa mo dito!?"sigaw niya sakin.Nag cross arm muna ako at tinaasan ko siya ng kilay.

"State the obvious -_-." at inirapan ko siya.

"Ha!?" Tanga kaba talaga?Tanga ka nanga sa pag-ibig,Tanga kapa sa lahat ng bagay.Palakpakan.Mabuhay ang dakilang tanga -_- tss.Sweet ko no?

"Mr?Una sa lahat hindi Fvck ang pangalan ko,at pangalawa Nakita mo naman sigurong nag serve ako sayo ng coffee diba?Common sense naman noh?Try mo kayang gamitin yang utak mo ?or ipaayos mo parang hindi kasi gumagana eh!Kung hindi mo parin alam kung bakit ako andito..." nag pa mewang ako sa harap niya at tinaasan ko siya ng kilay.Tinignan ko siya na naka taas rin yung isang kilay niya sakin. Aba lumalaban.

"Well.Nandito ako kasi dito ako nag tratrabaho." nginisian niya ako na para bang nanalo siya sa laban.Pasalamat siya crush ko siya kung hindi kanina ko pa nasapak ito.Ganyan talaga ako mag pakita ng pag mamahal sa isang tao.Sinusungitan ko.Naniniwala kasi ako sa kasabihang 'The more you hate the more you love.' Kaya hate na hate ko siya eh! HAHA! Para narin hindi niya mahalatang may gusto ako sakanya.Nginisian ko rin siya.Akala niya mag papa talo ako.Well no-no-no-no.

"Ganyan ba ang tamang pag trato sa costumer?" linapit niya yung mukha niya sakin kaya napa atras ako. Shet ang bilis ng tibok ng puso ko!Feeling ko namumula na yung pisnge ko!>_<

"Do you know me?" naka ngising sabi niya sakin.Oo kilalang kilala kita.Ikaw lang naman yung crush kong manhid.Kinalma ko yung sarili ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Halos manginig na yung mga tuhod ko kasi ngayon ko lang nalaman na naka tingin pala silang lahat samin.Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Oo kilala kita.Isa kalang namang ultimate Badboy,Gangster,playboy at Ultimate FVCK BOY.Ikaw lang naman yung lalaking mahilig maki one night stand sa mga babae." pero ewan ko ba kung bakit crush parin kita... Gusto kong ituloy yun pero wag na.Nag pamewang ako sa harap niya at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon