Chapter 43: Miss You

85 9 35
                                    

                            Amber

It's been three days ng mag simula ang christmas break namin at mula noon hindi na ako lumabas ng bahay. Hindi rin naman maka punta dito si yassi kasi umuwi sila sa probinsiya.

Umupo ako sa gilid ng pool namin at ibinabad doon ang mga paa ko. Tatlong araw narin ang lumipas at simula noon ay wala na akong balita galing kay rashin. Sa totoo lang ay miss na miss ko na siya. Nasanay narin kasi akong lagi siyang nasa tabi ko.

Ang totoo ay simula ng magising ako mula sa pagka ka coma ay gusto ko siyang laging kasama. Natatakot kasi ako na baka sa susunod na araw ay hindi na ulit ako magising pa ulit. Kahit alam kong ayaw ni kuya nico na mapalapit ako kay rashin ay ginagawa ko parin dahil gusto kong i spend ang natitirang oras ko na kasama siya.

Kahit alam kong ako rin ang masasaktan sa huli, susugal parin ako.

Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko at nakita ko si kuya nico. Tumingin siya sa'kin kaya nginitian ko siya.

"Kamusta kapatid kong panget?" tanong niya sakin kaya napatawa nalang ako. Na miss ko rin 'tong kuya kong abnormal.

"Okay lang naman ako kapatid kong unggoy." pambawi ko at parehas kaming nagtawanan.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo? Nakakahinga kaba ng maayos? Hindi ka naman inaatake ng sakit mo?" halata sa tono ng boses niya ang pagaalala. Napatawa nalang ako, kahit kailan talaga ay sobrang worried at caring niya sa'kin. Sobrang swerte ko dahil siya ang naging kuya ko.

"Okay lang ako kuya, don't worry." sambit ko. Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko.

"Amber." panimula niya kaya napatingin ako sakanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa pool kaya bigla akong kinabahan. Hindi ko mabasa ang iniisip ni kuya.

"Mahal mo ba talaga si rashin?" tanong niya sa'kin. Nanlambot ako sa narinig ko. Tinignan ko si kuya na ngayon ay nakatingin saakin. Tumango ako bilang sagot.

"Magiging masaya kaba sakanya?" tanong niya muli saakin.

"Siya ang unang lalaking minahal ko kuya. Kahit alam kong hindi niya ako magawang mahalin, kahit para sakanya ay misyon lang ang lahat. Masaya na ako basta alam kong nasa tabi ko siya. Isa siya sa dihilan sa pag ngiti at pagtawa ko at gusto kong makasama siya kahit sa huling mga sandali ko." sambit ko. Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni kuya.

"Mangako ka sa'kin amber. Mangako ka na magiging masaya ka sakanya dahil kapag nalaman kong sinaktan ka niya, hindi na kita muling hahayaan pang mapalapit muli sakanya." niyakap ko si kuya ng mahigpit.

"Hahayaan na kitang makasama si rashin ngayon pero promise me na magiging masaya ka sa piling niya. Once i saw you cry because of him, I'll take you away from him. Got it?" seryosong tugon niya kaya napangiti ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at tinignan niya ako sa mata. Sa ngayon ay nakangiti na siya sa'kin. Hindi ako nagsisisi na siya ang naging kapatid ko.

"Thank you kuya."nakangiting sambit ko.

"Just protect your heart my sister."


Kumalas kami sa yakap ng isa't-isa.

"Ang drama mo kuya." sambit ko at tinawanan ko siya. Ngumisi lamg siya sa'kin.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon