Chapter 37- Consequences

84 11 0
                                    

Nico's POV

Yung ibang Dark dragon ay nandito ngayon sa soccer field pati narin si yassi. Kailangang malagot kung sino ang gumawa kay amber nun. Kung noon pinalampas ko pa sila, ngayon hindi na. They reach my limit and i don't care if they're girl anymore. They need to suffer the consequence.

Tinignan ko lang ang tatlong babaeng naka luhod sa harapan ko. Biglang nag-init ang dugo ko. Ang dami ngayong tao na nakapalibot sa'min at parami pa sila ng parami. I like it, gusto 'kong mapahiya sila ng sobra.

"Hoy mga bitchera! Ang hihina niyo naman pala e! Lalaban kayo sa mag-isa? Bakit di kayo lumaban ng patas ha? Mga tanga-tanga ang we-weak niyo!" sigaw ni yassi na akmang susugurin na 'tong tatlo pero nakahawak lang si dayne sakanya.

Dumating na yung iba pang myembro ng dark dragon na may dala-dalang mga timba ng tubig at basurahan. Syempre, kailangan 'rin nila maranasan yung ginawa nila sa kapatid ko.

"S-sorry na n-nico, p-promise! Hindi na n-namin uulitin." ngumisi lang ako sakanya.

"Ilang ulit ko paba sasabihin na walang magagawa ang sorry niyo!" mapanganib na sigaw 'ko. " Diba't sinabihan ko na kayo noon na wag na wag niyong sasaktan ang kapatid ko!? Ganon naba kayo katanga para hindi maintindihan yun!?" huminga ako ng malalim para medyo kalmahin ang sarili 'ko. Kumukulo ang dugo 'ko sa mga tatlong to at sigurado akong hindi nila maugustuhan kapag nagalit ako ng sobra-sobra.

Sinenyasan 'ko sila Alvin at Denver na ibuhos na yung malamig na tubig sa mga babaeng 'to at sumunod naman sila agad. Napamura nalang sila at halos manginig sila sa sobrang lamig. Napa woahh naman yung mga taong nanonood dito. Sinenyasan ko naman yung iba na ibuhos narin yung laman ng basurahan sakanila at ang malala ay may mga bulok pa na prutas at tira-tirang mga pagkain.  Revenge is sweeter than the do.

"Oh my gawd!" sigaw nilang tatlo ng may buhos sakanila yung basurahan. They look a kind of shit but it fits them.

Napa woah ulit yung mga tao. Tinignan ko yung tatlo at halos maiyak-iyak na.

"How are you relative to garbage? You look good to each other." sambit ni dayne kaya nagtawanan ang lahat.

"Alam niyo, Mas mabaho pa kayo kesa sa basura. Walang kasing baho ang sama ng mga ugali niyo!" sigaw ni yassi.

Lumuhod ako para mapantayan sila.

"Syempre gusto ko naman maranasan niyo yung ginawa niyo sa kapatid ko. Ano, masaya ba?" tanong ko. Hindi sila sumagot instead tinignan lang nila ako ng masama. Sino namang matatakot diyan? Tanga.

"Everyone listen!" sigaw ni rashin. Tumayo ako.

"From now on, no one will talk to them. If I caught you, you'll suffer the consequence!" sigaw ni rashin at umalis. Ibinuhos ko muna yung isa pang basurahan sakanila tas umalis. That's enough. Hindi na nila makakalimutan yun.

I'll make them feel what hell is.

Dumeresyo ako sa room namin pero wala pang tao. Ngayon ko lang naalala na free time pala namin ngayon at mamayang 1 pa ang pasok namin. Napagpasyahan ko nalang munang pumunta sa library. Pumunta ako sa pinakadulong parte ng library at umupo sa sahig. Mas okay na dito dahil tahimik at wala masyadong tao. Pwede akong umiyak na walang makakakita.

Hindi ko maiwasang isipin si amber. Sobrang naaawa at nag-aalala ako sa kalagayan niya. Lalo nat ngayong... konting panahon nalang ang natitira para sakanya.

Stage 4 na ang sakit niya sa puso at mas lalong lumawak yung butas ng puso niya kaya ngayon nahihirapan siyang huminga at kailangan niyang gumamit ng oxygen. Kailangan narin niyang maisa-ilalim sa mga operasyon at treatment sa lalong madaling panahon.

And worst, the doctor said.

She only have 1 year to live.

8 months to 1 year nalang ang natitirang oras sa buhay niya and i can't accept it. Kung pwede lang sanang akuhin ko nalang lahat ng sakit at paghihirap na nararanasan niya ngayon. Kung pwede lang sanang ako nalang yung nasa sitwasyon niya. Knowing her na hindi niya deserve lahat ng iyon.

I can't afford loosing her, Iniwan na kami ni papa at hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati si amber ay kunin pa samin ni mama.

"Uy bago 'to ah. Nico Collins, umiiyak?" napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita at nakita ko yung amazonang babae sa harapan ko. Iniwas ko agad yung tingin ko sakanya at pinunasan ang luha ko. Peste! Bakit ba siya nandito!?

"Putcha, umalis ka nga dito!" nginisian niya lang ako at umupo sa tabi ko. Kinunutan ko siya ng noo, what is she doing here?

"Go away, wala akong balak pakinggan sa pang-aasar mo." nagkibit balikat lang siya at tinignan niya ako.

"Unang-una, hindi sayo itong library kaya wala kang karapatan paalisin ako dito. Pangalawa, wala akong balak na asarin ka." umiwas nalang ako ng tingin at nag kabit ng headset sa tenga ko. Ayokong pakinggan kung ano man ang sasabihin niya. Kinuha niya yung isang piece ng headset ko at isinuot sa tenga niya.

"What the hell!" sigaw ko. "Anong karapatan mong gamitin yan ha?!" Tinapat niya yung hintuturo niya sa ilong niya at nag shhh siya.

"Alam kong may problema ka, ilabas mo lang tayo lang naman tao dito e." hindi ko siya pinansin at sumandal sa book shelf sa likod ko. "Open ako." dagdag pa niya at nginitian niya ako. Ito yung ngiting hindi mapangasar, o plastik na ngiti. Ang totoo at inosente ng ngiti niya.

"Why would i open up to you? Ano ba kita?" smabit ko at ipinako ang mata ko sa mga libro sa kaharap naming shelf. Napakamot nalang siya ng ulo niya at napa tawa na para bang wala lang sakanya lahat ng salitang binibitawan ko.

"Look, we're enemies, we're totally opposite. I hate you and i know you hate me too but nico you need someone to cry on at this moment. Yes i know its kinda wierd pero hindi naman dahil lagi tayong nag-aaway o nagkakasakitan hindi na tayo pwedeng maging friends?" tinignan ko siya at ang seryoso ng mukha niya. "Alam ko na hindi mo kayang umiyak sa mga kabigan mo dahil sa tingin niyong mga lalaki ay nakakabakla iyon. If you cant cry on them well i can be your crying shoulder for the moment."

"Don't worry, pansamantala lang naman 'to e and after that enemies na ulit tayo." sambit niya. Unti-unti kong pinapasok sa ulo ko ang mga sinabi niya pero bago pa'ko makapag react sa sinabi niya ay agad-agad ko na siyang niyakap.

I felt my tears running through my cheeks at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita ako ng kahinaan ko sa harap ng isang tao at yung tao nayun ay yung babaeng hindi ko pa kasundo.

Hinayaan niya lang akong yakapin ko siya, Hinahagod niya ang likod ko para patahanin ako sa pag-iyak. Ilang minuto kaming ganoon ang posisyon bago ko maisipang kumalas na sa yakap niya.

I open-up. Sinabi ko lahat ng problema ko, kwinento ko kung ano yung nangyayari at I'm glad na handa siyang makinig sa mga sinasabi ko. Nakakabakla, nakakahiya dahil ang drama ko. Pakiramdam ko ang hina-hina ko dahil umiyak ako sa harap ng isang babae.

"Tara." sambit niya at tumayo. Tumayo rin ako.

"Saan?" Tanong ko.

"Nababasa ko kasi sa mga librong binabasa ko, kapag malungkot daw ang isang tao kumain kayo ng ice cream para kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman ng isang tao."

"Kakain tayo ng ice cream?" tanong ko ulit at napa irap na naman siya.

"Binge kaba or tanga ka talaga? Malamang oo!" sumbat na naman siya. Napangiti nalang ako dahil unti-unti na namang bumabalik ang pagka masungit niya. Hindi na ako nakapalag pa dahil hinila na niya ako palabas.

Masaya rin pala kasama 'tong masungit na'to. Well sa tingin ko, mahuhulog ako sa masungit na Sparkly Haiven na'to a? Well. 

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon