Chapter 44- Stuck

78 11 49
                                    

"Akala ko ba pupunta tayo sa bahay niyo!?"

Hindi ko masyadong kabisado ang daan papunta sa bahay nila rashin pero sigurado akong hindi ito yung daan na tinahak namin noong pumunta kami sa bahay nila para gumawa ng report. I'm 100 sure that we're tracking a wrong way.

"This is not the right way and I'm sure with it! Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko pa at halata na sa boses ko ang pagkairita at kaba. Simula ng sabihin niyang may gagawin kami and take note sa bahay nila ay kinakabahan na ako.

"Just shut up okay? Bahay ko iyon kaya alam ko ang daanan papunta doon." hindi nalang ako sumagot. Tama, bahay niya iyon kaya alam niya yug daan papunta doon. Maliban nalang kung may sakit siya sa pag-iisip or may Alzheimer's disease siya.

Tumingin nalang ako sa labas at hinayaan ko siyang mag drive.

~*~

"Akala ko ba sa bahay niyo tayo pupunta?" Naka kunot noong tanong ko. Tinignan ko ang buong paligid at tanging isang two story house na made of wood and rocks ang nandito. May mga bahay rin kaso medyo malayo ang distansiya nila sa isa't-isa. Maganda ang paligid dahil nasa likod lang ang asul na karagatan.  Ang ipinagtataka ko lang, asaan yung mansion nila rashin? Eh wala naman akong makitang mansion dito?

"Oo nga, sa bahay ko."

"Bahay mo?" bigla nalang niya akong hinila papasok sa bahay na nasa harapan namin which is yung two story na made of wood at rock.

"Bahay niyo 'to?" tanong ko sakanya.

"Bahay ko." sambit niya kaya nanlaki yung mga mata ko. Anong gagawin namin dito sa bahay niya at... kami lang dalawa!?

"A-anong gagawin n-natin dito?" kinakabahan na tanong ko. Ngumisi lang siya sa'kin. Omg! Don't tell me this is the moment!?

"You'll know it soon... just relax for the moment, okay?" sambit na naman niya in his seductive way kaya mas lalo akong napa lunok. Holy Carabao! Bakit ganyan siya mag salita?! Para siyang nangaakit! Ayoko sanang pumasok kasi baka anong gawin niya kaso hindi na ako naka palag pa dahil hinila niya na ako agad.

Pumasok kami sa loob ng bahay at ang simple lang ng disenyo ng bahay niya. Pangsina unang panahon pero may pagka modern din. Mix yung fashion at design niya. Color white at brown yung kulay ng bahay. Yung mga ilaw ay nasa dingding na parang naka lagay sa lampara. Yung dirty kitchen niya ay naka locate sa likod habang masasalubong mo naman yung living room pagka pasok mo sa bahay. Sa kaliwang bahagi ng bahay naka locate yung restroom. Hindi siya gaanong malaki gaya ng mansion nila. Pero tamang-tama lang ito para sakanya.

"Ikaw ang nag decide ng motif ng bahay?" tanong ko. Tumango siya sa'kin.

"Actually, Gusto ko ng bahay na simple lang. I like houses that has historical house look. I just add some modern design to it para hindi mag mukhang sobrang maka luma. Mas presko kasi sa pakiramdam at mas maganda sa mata. " tumango-tango lang ako.

"It's nice." compliment  ko.  Hindi ko aakalain na isang rashin avilla. Mas gusto ang mga simpleng bahay kaysa engrande. I think marami pa akong hindi nalalaman sakanya.

"Well..." bulong niya kaya napatingin naman ako sakanya. Nginitian niya ako nangnakaka loko kaya nangilabot ako bigla. "It's time to do our real business..." bulong niya at mas lalong lumawak ang ngiti niya. O my gawd!

"What!?"

Oh my goodness! I can't believe him! Pinapunta niya ako dito para lang

"Linisin mo ang kwarto ko." What the hell! Seriously!? Mukha ba akong katulong dito??? Tsaka lilinisin ko to ng mag-isa!? Eh baka abutin ako ng mag damag sa dami ng kalat at mga damit na naka tambak dito e! Mukhang budega at tambakan ng basura ang kwarto niya! Hindi ba siya nagli linis ng kwarto niya kahit once a week lang!? It seems like hindi nalinisan ang kwarto niya ng isang buwan! Gawd!

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon