Chapter 18- Little Chitchat.

142 16 9
                                    

Yassi's P.O.V

Nakakainis yung impokkritang yun! Pinag palit ba naman ako sa boyfriend niya! Wala tuloy akong kasamang gumala at humanap ng ka poreber ngayon. Palibhasa naka bingwit ng dolphin yung panget nayun. Fish yow! Pumara agad ako ng taxi, magisa na naman ako ngayon! Hayst.

"Maam san po tayo?" sambit ni kuyang taxi driver ng maka sakay ako.

"Sa marami pong pogi manong." sambit ko kaya natawa siya.

"Luh si manong tawa mats! Sa mall ho!" sigaw ko. Lah eh, wala nako sa mood today. Ano ba naman kasi day off ko pa naman ngayon at nagbabakasakaling may kasama akong mag ala dora ngayon pero wala naman si boots. Hayaan ko nanga. First time magka boylet nun eh. Mag hahanap nalang ako ng boylet mag isa. Syempre bago ako pumasok sa mall nag bayad muna ako kay kuyang taxi driver. Tumingin agad ako sa paligid ko syempre nag hanap ako ng boylalush ko! Nakakasawa kayang maging single nuh.

"Im the map.Im the map,Im the map, Im the map,IM THE MAP!" pagsabay ko sa kanta ni map sa palabas na dora.

"Map,Ipakita mo sakin ang lugar kung saan naroroon ang mga gwapo!" sambit ko sabay nagpamewang kaya nagsisitinginan sakin yung mga taong dumaraan with matching tawa effect pa. Para tuloy akong tanga pero wapakels na ako dun atleast doysa ang fes! Tsaka mas nakaka-inlove daw yung babaeng abnormal eh. HIHI. Nag simula nakong mag ala dora. Paikot- ikot ang ako sa mall. Nakakainis yung mga sales lady ng camella eh. May binibigay silang paper tapos iniinvite nila akong bumili ng house. Balak ata akong gawing basurahan nila ateng eh. Gagawin ko atang collection yung mga papel na binibigay nila. Tae may lima na akong hawak eh! Isa pa talaga isasampal ko na sa pagmumukha nila 'tong mga to ng bonggang bongga with my full force. Ka bismud!

Dahil alam ko yung feeling na tinatapon, hinawakan ko nalang muna yung mga eklabush na papers. Naglibot ulit ako at tinodo ang eye laser ko para makahanap nako ng boylet na gwapels! May nakita akong nakaupo sa isang bench na naka headset at nag ce cellphone na lalaki. Gas! Ang pogi ni fafa! Hinanda ko na agad yung sarili ko para sa Lapitan si kuyang pogi!

"Hi kuya?" tanong ko. Tumingin siya sa mga mata ko kaya mas lalo akong na inlab kay kuyang pogi. Wah! Mas gwapo pala siya pag malapitan! Tinignan niya lang ako sandali at tsaka bumalik na ulit siya sa pag ce-cellphone niya. Aluh! Snoober si kuyang pogi! Kailangan kong umisip ng paraan para mapansin niya ako wah!

"Kuya.. Umm-- Pwedeng maki upo?" dahil makapal talaga ang feslak ko at may kumpiyansa ako sa sarili ko kaya ko nagawa yan. HIHI. Magiging akin ka kuyang pogi! Tumango lang siya pero hindi niya akong dinaplisan ng tingin. Aluh si kuyang pogi hindi alam rumespeto sa mga dyosa oh! Umupo nalang ako sa kabilang dulo ng bench so siya sa right edge side ako sa left tapos may konting space sa gitna namin. Huminga ulit ako ng malalim para sa susunod na misyon ko.

"Umm-- Kuya gusto ko lang sabihin na---"

"Babe?" sambit ni ateng girl na may makapal na eklabush babalush sa fes at naka kilay goals pa.

Kuya gusto ko sanang sabihing 'Ang gwapo mo po at na love at first sight ako sayo. Magiging aking ka bukas. I hart you po!' kaso may sumingit na clown na hindi ko alam kung saang lumalop ng mundo nagmula.

Shit?! Babe? So means taken si kuyang pogi? Ow men! Sasabunutan ako ni ateng clown sa kalandian ko ey! Lagoatt! Tumayo agad si kuyang pogi na naka headset at umakbay kay ateng panget na clown. Oo pangit na siya para sakin, Inagaw niya yung boylet ko eh. Oo isa siyang dakilang mang aagaw!WHAHAHA

"Babe sino siya?" naka kunot noong sambit ni ateng clown. Lagoatt na this. Bigti na me mamaya! HUHU! Baka makalbo ako ni ateng eh, mapahiya ang aking magandang mukha. WAHHH!

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon