Chapter 55: Retreat

35 5 0
                                    

AMBERS POV

Halos ang mga boses lang ng studyante sa section namin ang naririnig ko sa buong bus. Friday ngayon at alas singko palang ng madaling araw. Ngayon ang retreat ng section namin at pupunta kami sa baguio. Nasa pinaka likod kami ni Yassi sa pang limang tao. Napag planuhan kasi namin nila Rashin na dito kami para sama-sama kaming lima at para hindi mahiwalay si Shan.

Buti nga pumayag si Yassi knowing na kasama din namin si Dayne.

" Class, settle down!" pagpapatahimik saamin ng class adviser namin.

"Hello, Ma'aaaaaaaam!" mala kambing na sambit nila na mistulang binibiro ang class adviser namin.  Isa-isa namang nag si upo ang mga classmate ko matapos silang mag tawanan.

"Please behave according to your age! Ang tatanda niyo na!" high blood na sambit ni Ma'am kaya nag tawanan ang ibang classmates ko. Napa iling-iling nalang ako.

Nag count down lang kami para malaman kung sino nalang ang kulang and as usual, ang mga tatlong lalaki ang wala. Si Rashin, Dayne at Shan.

"Ang tagal naman, excited nako maka kita ng snow!" sambit ni Yassi kaya napa irap nalang ako.

"Mag a-abroad tayo teh?" nakataas kilay na tanong ko sakanya. Umagang-umaga pero ang babaeng to parang walang tulog!

Narinig ko ang matinis na tilian ng mga babae at hindi ako nagkakamali. Dumating na ang mga heartthrob ng campus namin.

Agad-agad naman na umupo si Rashin sa tabi ko na sa pangatlong seat. Si Yassi kasi  sa unang upuan na sa tabi ng bintana at ako naman sa pangalawa.

"Good morning, Babygirl." sambit niya sakin at tsaka inakbayan pako. Agad-agad ko naman siyang pinalo dahil nasa public place kami lalo nat may mga teachers.

Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

umiling-iling ako.

"Bawal." sambit ko sakanya. Nakita ko ang pag ngisi ng mga labi niya at agad din ibinalik ang pag akbay sa'kin.

"Takot silang matanggal sa trabaho." sambit niya. Napa iling-iling ulit ako.

"Sayo man ang paaralan o hindi kailangan natin sundin ang rules ng school. No PDA." sambit ko at tinangal ulit ang kamay niya sa pagkaka akbay sa braso ko.

Nakita ko ang pag buntong hininga niya at sumunod din siya sa sinabi ko.

Alas syete na ng umaga at parang hindi parin nawawalan ng laway at energy ng mga classmates ko dahil sa sobrang ingay at gulo nila. Kulang nalang na gawin nilang Disco bar ang bus nato.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko at si Yassi nag se senti habang naka tingin sa bintana, si Rashin nag lalaro ng online games sa cellphone niya at si Shan at Dayne naman ay nagu-usap.

Mayat-maya pa ay nakita kong tumayo si Shan sa inuupuan niya at lumapit sa pwesto namin.

"Yassi, would you mind if we exchange sits?" tanong ni Shan kay Yassi. Tumingin si Yassi kay Shan at sa dating inuupuan ni Shan at napatingin siya kay Dayne pero agad din bumalik ang tingin niya kay Shan.

well I think alam ko na ang magiging sagot niya.

"I would mind so hindi pwede." mataray na sambit niya. I knew it.

"I really want to sleep but I cant If I dont have something to lean at. Hindi din naman ako gusto pasandalin ng dalawang lalaking katabi ko." pagmamakaawa pa ni Shan.

"Sa isang nasa bintana ka makipag palit." mataray parin na sambit ni Yassi.

"B-but perahas kasi kami ni Dayne na ganun e. Hindi kami makakatulog pag wala kaming sinasandalan." napakunot ako ng noon at tinignan ko si Dayne at Shan na nagtitinginan at nakita ko din ang pasimpleng pag thumbs up ni Shan kay Dayne.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon