Chapter 34- Changes

80 9 2
                                    

Amber.

Halos mabaliw na ako sa sobrang kaba dito. 9:00 ang usapan namin ni Mrs. Avilla, mama ni rashin pero 8:30 palang andito na ako. Nakupooo. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Nawawalan na'ko says sa utak ko! Brain gumana ka ngayon! I need you!

Naka simpleng white t-shirt at pants lang ako at mi-natch ko sa rubber shoes rin na white. Para akong pupunta sa libing saktong-sakto naman kasi feeling ko mamamatay ako dito sa sobrang kaba. First time ko rin magsuklay ng buhok pero mukhang buhaghag parin yung buhok ko kahit anong suklay ang gawin ko. Ilang ngipin nga ng suklay ang naputol kanina e! First time ko rin nag pulbo. Syempre mama yun ni Rashin e kaya kailangan kahit papaano presentable akong tignan pero it feels like hindi parin. Huhu!

Baka hindi ako magustuhan ng mama ni rashin, baka ayaw niya ako, baka hindi niya ako magustuhan para kay rashin, baka paghiwalayin niya kami, baka-- bakit ba ito yung iniisip ko!? Langya talagang buhay 'to oo. Ano bang pakealam ko kung hindi ako magustuhan ng mama niya para sakanya. Wala namang kami e, sana meron nalang. Huhu.

"Excuse me miss, You're Amber, Am i right?" halos magsi-taasan na lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang boses na'yun. Sheymas , amber umayos ka! Umayos ka! Tumayo ako. 

"H-hi po Mrs. Avilla." nanginginig pa na sabi ko. Napatawa lang siya ng mahina kaya napakunot ang noo ko. O-okay...

"I'm not Mrs. Avilla, actually manager ako ng café na ito. Someone ordered a cup of coffee for you and don't ask me who gave this because it's a secret. He also gave this letter. Enjoy your coffee ma'am. " inilapag niya yung cup of coffee sa table ko at umalis na.

Langyang false alarm yan o! Halos mamatay-matay nako sa kaba tapos hindi naman pala siya 'yon. Kaya pala parang ang bata masyado nung babae ay hindi naman pala siya si Mrs. Avilla.

Tinignan ko yung coffee at may coffee art siya sa ibabaw na smily face habang may naka dikit naman na sticky notes sa side ng baso.

Kinuha ko iyon at binasa. May nakasulat na 'Goodluck ;)" doon pero walang pangalan na nakalagay, maski clue na naka lagay kung sino yung nagbigay nito. Nang-aasar bayun? Kinakabahan na nga ako ng bongga tas bibigyan niya pa ako ng kape? Sumulat pa siya ng goodluck ha. Ang lakas mangasar kung sino man 'tong lalaking 'to.

Well, thanks to him atleast mas gumaan na ang pakiramdam ko.

Humigop ako ng kape at muntik ko ng  matapon iyon sa'kin ng may marinig akong boses.

"Ms. Collins." sa muling pagkakataon ay nagsi-taasan ang mga balahibo ko sa katawan pero sa pagkakataon na'to ay ma lalong dumoble ang kaba na naramdaman ko. Kasi alam 'kong siya na'to.

Tumayo ako at tsaka nag bow.

"H-hi po, Mrs A-avilla." I greet her the most simplest way but comfortable for me. Tinignan ko siya and she looks very formal. Halata talagang mayaman siya dahil sa mga jewelry na naka sabit sa katawan niya. Mas bata pa ata siyang tignan kaysa sa'kin. She's like a girl version of rashin. She is so gorgeous.  Nahiya tuloy ako sa itsyura ko, nakakapanliit. Mukha lang akong katulong kapag siya ang kasama ko.

Nginitian ko siya pero hindi manlang nagbago ang seryoso niyang mukha. Napalunok nalang ako. Feeling ko mamamatay na'ko sa sobrang kaba. I can't believe na kaharap ko ngayon ang nanay ng "Fake boyfriend" ko. 

"Have a sit." sambit niya kaya dali-dali akong naupo sa upuan ko. Umupo siya sa upuan na katapat ko at para ulit akong natabunan ng hiya ng makita ko kung paano siya umupo. She seats like a princess while i seat like a tambay sa kanto. Unti-unti 'kong inayos ang pag-upo ko.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon