Chapter 35- Trap

81 11 1
                                    

Wednesday ngayon at every wednesday ay P.E time namin. Pagpasok ko kanina, andaming pumuri sa'kin pero meron rin yung ibang umiirap. Nga insecure tss. Ayoko nga kaninang pumasok kasi alam 'kong tutuksuhin lang nila ako na

"Uy, babae na siya."

"May himala!"

"Congrats, Dalaga kana."

"Lodi! Pa autograph!"

At marami pang iba. Mga punyeta sila.

Wala pa yung teacher namin sa P.E kaya as usual may gera na naman dito sa loob ng classroom namin. Tiniklop ko yung libro ko dahil hindi rin naman ako makaka concentrate sa babasahin ko. Ano bang pwedeng gawin?

May pumasok sa classroom namin dahilan para magsigawan ang mga ka klase ko, lalo na ang mga babae. Hindi ko maiwasang titigan siya. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Na miss ko siya.

Nagtama ang mga mata namin kaya iniwas ko agad ang tingin ko sakanya at yumuko pero hindi pa nag tagal ay may naramdaman na akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Hey nerd." literal nalang na bumilis yung tibok ng puso ko. Kapag malapit siya sa'kin, ganito ang nangyayari sa'kin. Tumingin ako sakanya at tinaasan ng kilay. Nakatingin lang siya sa'kin at parang tinitignan niya ang bawat parte ng mukha ko. Sheyt.

"Na miss kita." pahabol na sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko. What the fudge! Bumabanat ba siya? Napayuko ako agad dahil pakiramdam ko ang init ng mukha ko.

"Huwag mo akong pakiligin lalo na kung 'di mo rin naman ako gusto." Bulong ko sa sarili ko.

"Ha?" tanong niya sa'kin dahil hindi niya narinig yung sinabi  ko. 

"Wala." sambit ko at binuklat ko ulit yung libro ko. Sa totoo lang hindi naman talaga ako magbabasa e, gusto ko lang gawing busy ang sarili ko para hindi ako ma-awkwardan sa presensya niya. 

Hindi niya ba napansin yung make-over ko? Bakit di niya ako pinuri? Buti pa yung iba, pinuri nila ako. Buti pa sila napansin yung pagbabago ko pero itong lalaking ito ang manhid talaga. Nakakainis siya!

Napa ayos ako ng upo dahil dumating na yung teacher namin sa P.E After siyang mag discuss about sa lesson namin ngayon ay pinalabas na niya kami para turuang mag ballroom. Well, traditional dance kasi ang lesson namin ngayon at ballroom ang sasayawin namin.

Nang makarating kami sa studio ay pinahanap niya kami agad ng partner namin. Pumunta nalang ako sa gilid, bahala na kung sino. Oo.

"Amber partner tayo." sambit ni Glen sakin pero i refuse. Naalala ko dati, tinutukso niya ako ng pangit e tsaka isa pa may hinihintay akong magtanong sa'kin.

"Hey nerd." pagkarinig ko palang nun ay alam ko na kung sino siya. Siya yung hinihintay ko."Partner'an mo'ko." Tss, demanding. Nahuli ko si kathlyn na naka tingin sa'kin pero iniwas niya agad yung tingin niya sa'kin.

"A-ah M-may partner na'ko." sambit ko. Kumunot naman ang noo niya. "G-glen! D-diba partner kita? Halika nga dito." tawag ko kay glen at hinila ko siya palapit sa'kin.

"Ha? Akala ko ba--"

"B-basta partner na kita, okay?" tanong ko. Ngumiti pa'ko sakanya at pinanlakihan ng mata. Ngumiti rin siya pabalik. Tumingin ako kay rashin na seryosong nakatingin sa'kin. 

"S-si Kathlyn nalang partneran mo. Wala pa naman siyang partner e. Sige na, It's your chance." sambit ko at kinindatan ko siya. Wala pang partner si Kathlyn dahil absent naman si Jayford.

Kailangan ko nang tapusin 'to. Kailangan ko ng sanayin ang sarili kong wala siya.

"Sige na, sayang yung chance." Pinilit kong ngumiti. Sana lang hindi magmukhang peke yung ngiti ko. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa reaksyon niya. Bakit ang sama ng tingin niya sa'kin? Bakit ang seryoso niya? Gusto niya ba talaga akong maka partner? Bakit ganito? Umalis siya at nakita 'kong lumapit siya kay kathlyn. Narinig ko namang hiyawan ang mga kaklase ko kaya napatalikod agad ako at napahawak sa dibdib ko. Bakit ang sakit? Ang tanga ko lang dahil ako mismo ang gumagawa ng paraan para saktan ang sarili ko.

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon