Chapter 32: Give-up

76 12 8
                                    

"She's okay, na over fatigue lang siya kaya siya nahimatay. Kailangan niya lang magpahinga at magiging okay narin siya." I let a heavy sigh. Pinatong ko ang ulo ko sa kamay ko. Nasa hospital kami ngayon dahil sinugod namin si yassi. Nahimatay kasi siya kanina habang naglalakad, buti nalang talaga sinundan ko siya. Ang taas rin ng lagnat niya.  

Hindi ko na namang maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyari. Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. Kasalanan ko lahat.

Mag-isa lang ako ditong nagbabantay kay yassi, ki-nontact ko narin sila mama at kuya na baka late na akong makakauwi or baka bukas narin kasi gabi na. Hindi ko naman pwedeng iwan si yassi dito mag-isa dahil walang magbabantay sakanya.

Tinawagan ko narin yung parents ni Yassi pero hindi naman nila sinasagot ang mga tawag ko. Siguro busy na naman sa family business nila kaya si Julia nalang yung tinawagan ko. Younger sister ni Yassi. Papunta narin siya dito kaya mamaya makaka-alis narin ako. Sa totoo lang, alam kong ayaw ni yassi'ng makita si julia dahil malaki ang selos at inggit niya dito. Favorite kasi siya ng parents niya hindi lang dahil sa bunso siya kundi mabait, more on studies siya, at 1st honor siya mula elementary magmula ngayong high school siya.

Si yassi kasi, hindi siya mabait at hindi rin siya masungit. Siya yung tipo ng taong minsan kapag nagsalita nakakasakit pero yun yung totoo. Prangka siya. Hindi siya matalino pero hindi rin siya bobo. May kahinaan siya pero kapag nag focus siya sa isang bagay alam kong kaya niyang gawin yun. Kilala ko siya and she's so strong independent women. Akalain mo. Nagtratrabaho na siya at tumayo na siya sa sarili niyang paa.  Simula 2nd year siya namuhay na siya mag-isa that's because her parents is ashame of her. Dahil siguro sa attitude niya but i think the most reason is yung failing grades niya. I don't see it right. Nakakaawa siya.

Napaayos ako ng upo ng maramdaman kong may humawak sa braso ko at nakita ko si julia sa harapan ko. Ngumiti siya sa'kin at ganun rin ako.

"Thank you ate amber sa pagdala kay ate dito." sambit niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni yassi. Parang younger version siya ni yassi. 2nd year palang kasi si julia. Sinabi ko kung anong sakit ni yassi. Ipinaliwanag ko rin kung anong oras yung pag-inom niya ng gamot at naintindihan naman niya agad yun. Nag thank you siya ulit sa'kin kaya nagpaalam na'ko na uuwi na ako.

Paglabas ko ng kwarto ni yassi, lutang na lutang ang utak ko. Hindi ako maka-isip ng maaayos. Gusto ko ng umuwi at matulog pero may bumabagabag sa utak ko. May kailangan pa akong puntahan, may kailangan pa akong itama.

~~*~~

"You want something to eat?" umiling ako.

"S-saglit lang ako, may importante lang akong sasabihin." nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa hospital. Tinawagan ko siya kanina na magkikita kami dito at wala pang 10 minutes nandito na siya.

"Dayne..." paninimula ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin at bakas sa mga mata niya yung kaba. Maski ako, kinakabahan din ako pero wala akong ibang choice kundi gawin 'to. .

"Kung masasaktan ako sa sasabihin mo, 'wag mo ng ituloy." napakagat nalang ako ng labi ko.

"D-dayne.. Pwede bang tigilan mo na ako? Please." Hindi siya umimik at nakapako lang ang mga mata niya sa lamesa. Nanginginig ang labi ko, nanlalambot ang mga tuhod ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"I told you, don't spill it out if its badnews." tinignan niya ako at wala manlang akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin dahil parang nasasaktan ako sa mga tingin niya.

"Hindi ako yung para sayo dayne. Hindi ko deserve ang isang tulad mo." ngumisi siya at umiling-iling.

"Hindi ikaw si kupido para sabihin ang mga 'yan."

"Someone deserve you more than you think i am." i saw him shrugged. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Ang pag-ibig ay hindi para sa taong mas karapat-dapat ng pagmamahal mo kundi para sa taong nagpapasaya sayo at sa taong mahal mo." nakita kong kumuyom ang palad niya. Naka yuko lang siya sa'kin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi ko malaman kung anong emosyon niya pero isa ang nakakasigurado ako. Nasasaktan ko siya.

"Y-you don't understand dayne." I whisper.

"You don't know how i feel." parang may bumara sa lalamunan ko at wala akong mahanap na tamang salita para isagot sa sinabi niya. Hindi ko mahanap ang boses ko at parang natuyo ang lalamunan ko. Sobra ang pagkabog ng puso ko, nanlalambot ako. Napapikit ako. 

"Masasaktan kalang d-dayne."

"I'm use to it." parang kutsilyo ang bawat binibitawan niyang salita at sa bawat pag bitaw niya sa mga salitang yun ay nasusugatan ako. Masyadong malalim, masyadog masakit.

"Dayne, stop this..." sinalubong ko ang mga tingin niya at ngayon ay nakatingin kami sa mata ng isa't-isa. Kita ko sa mata niya kung gaano siya nasasaktan sa mga sinasabi ko.

Wag mo akong itulak, wag mo akong dalhin sa puntong magbitaw ako ng masakit na salita para tumigal ka.

"Sinasabi mo'to dahil may mahal kang iba diba?" Hindi ako umimik, hindi lang yun. Sinasabi ko 'to para kay yassi.

"Dayne, please do me a favor." Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"P-please.... Give-up... Please..." parang dinudurog ang puso ko ng may luhang bumagsak sa mga mata niya. Tumingin siya sa kisame at kumurap ng maraming beses. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan, walang umimik samin.

"Gusto mo talagang sukuan kita?" walang buhay na sambit niya. Ngumiti ako.

"I give-up."

Tumayo siya para umalis, naiintindihan ko kung galit siya sa'kin. Wala akong magagawa, nasaktan ko siya.

"You have her, buksan mo ang puso mo sakanya at sigurado akong magiging masaya ka sakanya."

~~*~~

Yassi's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumugad agad sa'kin yung mukha ng taong hindi ko inaasahang makikita. Kumunot ang noo ko.

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Bakit andito si dayne?

"Your awake." sambit niya at umupo sa monoblock sa tabi ng kama ko. Umupo ako kahit ang sakit ng katawan ko.

"Anong ginagawa mo dito!?" pinilit kong sumigaw at magboses masungit kahit nanghihina ako. Hindi siya umimik at nakatingin lang siya sa'kin.
Linibot ko ang buong paningin ko sa kwarto at nakita ko si julia sa sofa na mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang alam na 2:00 am na pala.

Napa-irap nalang ako ng malamang nandito ang bwisit kong kapatid at malamang nandito rin si dayne.

"Umalis kana dito. Hindi kita kailangan." ngumisi lang siya. Hindi ulit siya umimik at nagbasa ng manga. Tinitigan ko siya at ngayon ko lang napansin na medyo namamaga yung mata niya.

"Umalis kana, ayokong magka utang na loob sayo at pwede ba, layuan mo ako." ibinababa niya yung librong binabasa niya at tumingin sa'kin.

"Madali lang naman yung hihingin kong kapalit." naramdaman ko na naman ang mga namumuong luha sa mata ko. Malamang,alam ko na kung ano yun.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita matutulu----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng idinikit niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"It's not that." inalis niya yung daliri niya sa labi ko at nag cross arms. Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.

"E kung hindi 'yun, Ano?" tumingin lang siya sa kisame.

"Tulungan mo akong mag move-on sakanya at pagkatapos no'n..."

Tinignan niya ako sa mata kaya napalunok nalang ako.

"Pagkatapos no'n baka buksan ko na ang puso ko para sayo."

The Bad Boy's Game. [On Going]  S L O W U P D A T E Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon