Kabanata II ng XXV - [si TIBO at si TORPE]

1.2K 44 16
                                    

Ikalawang Kabanata

   ***** “Dun ko lubos naisip na siguro nga hindi ako mahalaga sa kanila, na kahit anong pilit ko silang pakisamahan, walang halaga, yung bang tipong, kahit mawala ako, tuloy pa rin ang ikot ng mundo nila” *****            

*****" Minsan pinipili nating patawarin ang mga taong nakasakit sa atin kasi ayaw nating mawala sila sa buhay natin."*****

                At sinong tong nakatalukbong na toh, nakadapa eh, sigurado, si Cheng toh!

Hindi siya lalake ah, nagpapakalalake lang, di nga naman siya nagbibistida.

Tomboy daw siya,  yun ang sabi niya, ewan natin.

Tita niya ang may ari ng boarding house na toh, Eh wala naman daw magkaka -interes sa kanya kaya pumayag na yung tita nya na tumira dito kahit puro lalake ang kasama. At kasama yung kaklase niya, si Ron.

Nakilala niya magdadalawaang taon  na daw, nasapak na niya toh dahil tatanga tanga daw sa tindahan  kaya ayun, parehas silang natumba dun sa bilihan ng mga gitara.

Naipit  tuloy sila dahil sa nagasgasan nilang gitara, kaya ang nangyari - binili na nila, hati sila, hindi nga lang nila alam kung kanino mapupunta kasi di naman sila magkakilala. Nagulat na nga lang sila nung naging magkaklase sila, magagamit na rin nila ng sabay yung gitara.

Naging mag-best friend, at pinatira pa dito, kaya madami kami.

 Minsan nakita ko si Cheng tuwang tuwa  nung kumakain sila ng champorado ni Ron, Masarap kaya ang luto ng champorado, Bakit nagtatawanan sila, pero iba ang tingin ni Cheng kay Ron, tama nga ang hinala ko, may gusto si Cheng kay Ron, haha, kuwari pa siya.

Umalis na si Ron, umuwi sa bahay nila sa Bulacan, weekend kasi. Lumapit ako kay Cheng. Sabi ko, bakit  di pa niya sabihin, nagkunwari pa siya kung anodaw sinasabi ko. Edi sinabi ko sa kanya. Bakit naman daw siya magkakagusto sa Ron na yun? Tumawa lang ako.

Sabi ko sa kanya, "Maigsi lang ang buhay, maraming bagay na di mo inaasahan pero nangyayari, at minsan yung mga bagay na gusto mong gawin, hindi mo na magawa kasi huli na". Ang lalim nga ng nasabi ko noon.

At ayun sumagot siya. “ Ang lalim mo pala magsalita, kaso pakialamero ka”. Okay na sana yung una niyang sinabi kaso may pahabol pa.

Sabi ko naman, gusto ko lang siyang tulungan.

Pero sabi niya. “bakit ka nakikialam, kaibigan ba kita?”.

Ngumiti lang ako pero patagong nasaktan, matagal na kong nandoon sa bahay na iyon pero nalaman ko na kahit tinuturi ko silang kaibigan, hindi naman pala ganon ang nararamdaman nila para sa akin.

Tuloy tuloy siyang umalis pero alam ko na pinag isipan niya yung mga sinabi ko.

Ang hindi ko alam, kung nasaktan din kaya siya sa sinabi niya sakin kasi yun ang naramdaman ko, sobra...

        Si Ron kasi, hindi pa siya ang magsabi.

Pero nagulat nalang ako ng ipakilala niya sa amin ang girlfriend niya.

Ang ganda, babaeng babae, malayung malayo kay Cheng na kahit nasa simbahan, nakasumbrero. Hindi ko alam, wala kaya siyang nararamdaman para kay Cheng. Nakilala daw niya ang babaeng yun sa bilihan din ng gitara. nakakatawa.

        Wow teka niyakap ni Ron si Cheng oh, nanananching toh, tulog lang ang best friend niya eh. Sabi ko na nga ba may gusto rin siya rito eh. 

May bago na pala siyang gitara.Nabili nga pala niya nung isang araw sa Raon. Nasaan na kaya yung nasira ko.

Gusto ko lang naman kasing gumaling maggitara para makasali ko sa banda nila. Nagpapaturo ako sa kanya di naman  ako pinapansin, sabi pa, “bakit naman kita tuturuan, sino ka ba.”

Kaya ayun habang wala siya, pinakialamanan ko, Sinubukan ko lang naman habang nandun ako sa bubong kung san siya tumutugtog ng mga kanta. May alam na kasi kong isa, itinuro sa akin ni Benjo. Sinusubukan ko lang uli kung naaalala ko pa. Nagulat ako ng makita ko si Ron mula sa bubong, parating na pala siya, lagot na, lagot ako sa kuripot na yon. Nagmadali akong pumasok sa bintana pero nadulas ako, buti nakahawak ako, pero di ko namalayan na yung gitara ang nahulog, anu gagawin ko.

At ayun, nangyari ang lahat..

Galit na galit siya sa akin, maliban kasi sa pagkakuripot niya, eh alaala nila ni Cheng yun, special sa kanya un.

Masasakit na salita nanaman ang natanggap ko. “Bakit ba lahat nalang dito pinakikialamanan mo, di ka pa nakuntento sa pakikialam ng buhay?” yon ang sabi niya sa akin, syempre nasaktan ako kaya sabi ko babayaran ko nalang.

Sabi naman niya, talagang dapat ko daw bayaran. Kahit luma daw yon mahalaga daw un sa kanya. Naaiintidihan ko siya.

Pero lalong sumama ang loob ko ng sinabi niyang kaya ko daw bang bayaran yun nung nung oras mismong  iyon, eh wala na nga daw akong i-ambag sa renta sa bahay eh, sabay bato sakin nung bag na hawak niya, buti di ako sa mukha tinamaan.

Dun ko lubos naisip na siguro nga hindi ako mahalaga sa kanila,

na kahit anong pilit ko silang pakisamahan, walang halaga,

yung bang tipong, kahit mawala ako, tuloy pa rin ang ikot ng mundo nila,

na ang tingin lang nila sa akin, isang probensiyanong nakikitira, tagalinis ng bahay, tanungan pag may kailangang sagutan sa eskwelahan.

Hindi isang kaibigan, hindi isang katropa.

Naku! Kung di dahil sa best friend ko, umalis na ko, naghanap na ko ng mga bagong kaibigan na alam kong kaibigan ko  parin kahit anong mangyari.

Pero hindi rin, siguro ginusto ko rin to. Siguro mahalaga lang talaga sila sa akin kaya ayos lang sakin, napapatawad ko parin sila kahit minsan hindi nila nararamdaman na nakakasakit na sila .Minsan pinipili nating patawarin ang mga taong nakasakit sa atin kasi ayaw nating mawala sila sa buhay natin.  Kaya ayos lang,  anu pa man yan, papatawarin natin sila, humingi man sila ng tawad o hindi...

                                                                                                                          ...Itutuloy

Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon