Ika-labing Tatlong Kabanata
Pagkaalis ko sa bar na iyon, tumuloy ako sa bahay para kunin ang mga gamit ko, masyado na palang marami, kumuha lang ako ng dalawang pares ng damit, babalikan ko nalang ang iba kapag wala sila sa bahay.
Nakita ko ang kantang di ko pa natatapos, itinuloy ko ito, ang saya pa naman ng umpisa ng kanta, tapos dinugtungan ng susunod na estansa, natapos ko ang isang napalungkot na kanta.
Bago ako umalis, nag iwan ako ng sulat para sa best friend ko, masyado ko kasi siyang nasaktan. Ang pangakong nakasulat doon ay ang regalong kapalit ng lahat ng pagtulong niya sa akin. Umalis na ako baka kasi maabutan pa nila ko, pagkatapos nun ay......
Teka,
......Bakit ganoon, hindi ko maalala ang iba, pasulpot sulpot lang, hindi ko maalala nang buo.
Pero alam ko may hindi magandang nangyari kanina, malapit ko na maalala…
...malapit na malapit na.
..Itutuloy
BINABASA MO ANG
Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]
Storie d'amore********This book was written 2008. Ganun katagal nang nakatago sa baul ko. Heto, ipapabasa ko na sa'yo. ********* THEME: Dark and Sad WARNING! : This is not your ordinary Wattpad story.. SYNOPSIS: MINSAN, MAY MGA BAGAY NA DI MO INAASAHAN PERO NA...