Kabanata VIII ng XXV - [Kung Maaari lang..]

593 23 2
                                    

Ikawalong Kabanata

Tinanong nila ko kung anu daw nangyayari sa akin, di ako makapagsalita. natulala.

Bakit sa akin pa kailangang mangyari ang bagay na ito, Bakit sa amin pa ng best friend ko. BAKIT?

 Ang mga bulaklak na nahulog,

ang purseras na pinulot ko, si Benjo pala ang nagbigay..

at higit sa lahat, ang babaeng bumabalot sa buhay naming dalawa, ang babaeng parehas naming minamahal, si Lisa...

 Nagulat ang lahat ng bumulwak ang suka ni Benjo, dali dali siyang inalalayan ni Ron at Caloy sa CR.

ako... wala akong nagawa, di nakakilos, walang tumakbo sa isip ko.

Ngunit hinding hindi ko makakalimutan ang isang boses na tumawag sa akin. Tumingin ako, lumapit siya, “ikaw nga”, sabi niya sa akin kasabay ng pagtanong niya kung ano ang ginagawa ko doon.

Wala akong nasabi, tanging nasabi ko.”Lisa?”.

Yumakap siya ng mahigpit, ni hindi ko manlang naiganti ang yakap ko sa kanya, nakababa pa rin ang kamay ko, ayaw gumalaw.

Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Na anu mang  segudo mula ngayon, may isang pagkakaibigan maaaring mawasak.

 Kung maaari lang na maglaho ako mula sa pwestong kinatatayuan ko, mula sa oras ng kasalukayang panahon, mula sa laro ng pagkakataon nung mga oras iyon. KUNG MAARI LANG..

Paghiwalay ng sabik na yakap sa akin ni Lisa ay nakita ko ang isang tao nakatayo sa aming harapan.

..Si Benjo.

..ITUTULOY

Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon