Ika-Dalawampu't Tatlong Kabanata
Nung hinarang si Lisa ng limang lalake, saktong dumadating ang barkada, tinulungan ni Benjo si Lisa.
Tumakbo ako papunta doon, nagtago ako sa may gilid, tumawag si Cheng sa istasyon ng pulis malapit sa lugar na iyon.
Pinagtulungan nila si Caloy at Ron.
Nagalit ang leader nila, galit na galit kay Benjo dahil sa unting unting pagkalagas ng grupo nila mula ng umpisahan niyang maglakas ng loob na tumiwalag.
Nandoon ako sa gilid nila, nagtatago, wala akong magawa.
Nanlaban si Benjo.
Tumaas ang balahibo ko ng makita kong may binubunot ang leader nila mula sa likod ng suot nyang pantalon.
Isang baril....
Imbis na bubugbugin lang sila ay humantong na sa isang kakilakilabot na pangyayari.
Natakot ako para sa kaibigan ko.
Natakot ako para kay Lisa.
Saglit, bukas na ang kabaong….
...ITUTULOY.
*************LAST 2 CHAPTERS*********************
BINABASA MO ANG
Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]
Romance********This book was written 2008. Ganun katagal nang nakatago sa baul ko. Heto, ipapabasa ko na sa'yo. ********* THEME: Dark and Sad WARNING! : This is not your ordinary Wattpad story.. SYNOPSIS: MINSAN, MAY MGA BAGAY NA DI MO INAASAHAN PERO NA...