Ikapitong Kabanata
At naggpatuloy pa sa pagkwento si Benjo.
Nagpagawa pa raw siya ng isang balot na nakadisenyong magagandang bulaklak para ibigay dito.
Hindi ako makapagsalita, namutla ako habang siya, patuloy sa pagkukwento.
Binili pa raw niya ang purseras na gustong gusto ng syota niya. Isang purseras na may tatlong puso sa gitna.
“.HINDI..hindi pwedeng mangyari toh”, sabi ko sa isip, hindi ko alam ang sasabihin.
Sinabayan pa ng pagtanong ni Caloy na parang galit na galit sa mga babae kaninang hating gabi. “Anu ba ang panglan ng tangang babae na yan?, kidnapin natin?” biro pa nito.
Nabagsak ko ang basong hawak ko na may lamang beer dahil sa sagot ni Benjo.. “Melisa, pero tawag ko sa kanya, Lisa”.
Biglang huminto ang lahat..
..hindi na pumasok sa isip ko ang mga kasunod na salitang kanilang pinag uusapan.
ang naririnig ko lang ay ugong ng mga pinaghalu halong usapan, bulungan, tawanan ng lahat ng nasa lugar na iyon kasabay ng malakas na tugtog ng musika.
sabay ang napakalaking tanong na ihinampas ng puso ko sa utak ko, “ANONG GAGAWIN KO?”,
..Itutuloy
BINABASA MO ANG
Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]
Romance********This book was written 2008. Ganun katagal nang nakatago sa baul ko. Heto, ipapabasa ko na sa'yo. ********* THEME: Dark and Sad WARNING! : This is not your ordinary Wattpad story.. SYNOPSIS: MINSAN, MAY MGA BAGAY NA DI MO INAASAHAN PERO NA...