Ika Dalampu't Limang Kabanata
Yung babaeng hinimatay,... si Lisa
.....At ang nasa kabaong ay..... AKO????
HINDEEEEEEEEEEEEE.....natatakot ako..wala manlang makarinig sa akin. Hindi nila ko nakikita. Hindi nila ko naririnig, ang lakas ng hangin.... Kasing dami ng mga dahon na tangay tangay ng hangin at paikot ikot sa akin ngayon ang mga tanong sa akin isipan.
Luminaw na din ang lahat. Ang LAHAT LAHAT..
Babarilin na sana noon ng leader ng frat nila ang kaibigan ko, sumugod ako patungo sa kaibigan ko.Pinaputok ang baril, Tinulak ko ang kaibigan ko ngunit isang maliit ngunit medyo mainit na bagay ang pumasok mula sa aking likuran, hindi ko maramdaman ang sakit ngunit unti unti nyang kinakain ang aking lakas. Unti unting dumilim ang aking paningin at unti unting bumagsak sa lupa, naramdaman kong may sumalo sa akin, bahagyang namulat ang aking mata dahil sa isang luhang pumatak sa aking mukha, si Benjo, ang kaibigan kong matalik, puno nang lungkot, takot, at pagsisisisi ang mukha nya. Ngunit nangibabaw ang takot, takot nang maaaring pagkawala ng isang kaibigan. Bahagyang ngumiti ang aking mukha, ngiti ng pasasalamat dahil alam kong okay na kami.. lalong dumilim ang paligid, maliban sa paparating na malakas na wang wang ng mga pulis ay wala na akong masyadong marinig. Tuluyang naging tahimik ang paligid, walang ni isang tunog akong narinig, wala nang naramdaman ang aking katawan, tuluyang kinain ng dilim ang paligid.
Bumukas ang aking mga mata, tumayo mula sa aking kinahihigaang aspaltong kalsada na may bakas pa ng natuyong dugo, nag umpisa kong maglakad. Hating gabi na , naglalakad pa ko sa daan, wala man lang akong makitang taong nagdaraan sa lansangan, madilim, malamig, nakakabingi ang katahimikan.
Sa di kalayuan, nakita ko ang barkada, tinawag ko sila, pero sila tumingin lang tapos lumayo na, unti-unting nawala at kinain ng madilim na paligid.
Kaya pala...
Ang paglakad ko sa dilim nung hating gabing iyon, iyon pala ang gabing kakatapos lang mangyari ng lahat.
Ang pagtanaw at pagtawag ko sa barkada na unti unting kinakain ng dilim, kaya pala hindi nila ko naririnig..
Ang mga nabasa ko sa dyaryo...ako pala,
Ang mabilis kong pagdating sa kung saan ang gusto kong tunguhin,
Ang oras,
Ang araw,
Ang pag iyak nila,
Ang hindi nila pagpansin sa akin... hindi naman pala ako ang tinitignan nila pag kinakausap ko sila, marahil hindi man nila ko nakikita , nararamdaman nila ko kaya napapasulyap sila..
Ang lahat ng bagay na di ko maintindihan..
nagliwanag na sa aking isipan.
Noong gabing yon, ay kaparehas ng araw na tinulungan ako ng best friend ko, sa wakas, naiganti ko rin ang utang na loob ko sa kanya. Nasaksak siya noon sa pagliligtas sa akin, ngayon, ako naman. Ang kaibahan lang, ang sa kanya, maliit na balisong lang, ang sa akin, baril, siya nabuhay, ako.. hindi ko kinaya...
Tulad ng lagi kong sinasabi, Maigsi lang ang buhay. hindi mo na pwedeng balikan ang parteng gusto mong baguhin, ulitin o palitan. May mga bagay na gusto mo mang gawin, hindi mo na maaaring gawin kasi huli na. Akala ko may lakad lang barkada, hindi ko alam, libing ko pala.
....Bonus Chapter next
BINABASA MO ANG
Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]
Romance********This book was written 2008. Ganun katagal nang nakatago sa baul ko. Heto, ipapabasa ko na sa'yo. ********* THEME: Dark and Sad WARNING! : This is not your ordinary Wattpad story.. SYNOPSIS: MINSAN, MAY MGA BAGAY NA DI MO INAASAHAN PERO NA...