Kabanata XI ng XXV - [Siguro ganun lang talaga]

567 25 4
                                    

Ika-labing Isang Kabanata

*****“Siguro ganun lang talaga sila magpahalaga ng tao, Hindi nila pinapahalata.” *****

                   Naramdaman ko na mahalaga pala ko sa kanila, naramdaman ko na kahit hindi nila  pinapapakita.

 Mahal din nila ko, na ayaw din nila kong mawala.

Siguro ganun lang talaga sila magpahalaga ng tao, Hindi nila pinapahalata. Siguro, talagang iba’t iba lang tayo ng paraan para magpahalaga ng tao.

Pero ang best friend ko, nasaktan kaya siya sa mga sinabi niya.  Mapapatawad  pa kaya niya ko.

Sana..

Muling sumigaw si Benjo, “Bat nandyan ka pa?! Umalis ka na”.

Wala na  akong  nagawa.Nakayuko akong umalis, ngunit bago yun, niyakap ako ni Cheng, ang laging nang aasar sa akin.

Lumapit din sina  Caloy at  Ron, Tinapik ako at sinabing, “ingat ka tol”. Sila na laging umaaway sa akin noon.

Tuluyan na kong umalis pero natigilan ako ng tawagin ako ng Best friend ko.

 Nagliwanag ang mukha ng lahat dala ang pag asang magkakabati kami, na nawala na ang galit sa puso nya.

 Pero nag-iba ang expression mukha naming lahat ng sabihin  nyang..

..ITUTULOY

Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon