Kabanata XVII ng XXV - [May lakad kaya ang Barkada?]

624 25 8
                                    

Ika-labing Pitong Kabanata

***Minsan  may mga bagay na kahit gusto mong gawin, hindi na pwede kasi wala nang pagkakataon..***

 Wow, Nandito na agad ako sa boarding house, parang ang bilis ko nakarating ah!

Sisilipin ko muna sila mula sa bintana, baka di pa sila handang makita ko. Nakabihis sila, may lakad kaya barkada? Nakasapatos pa, may uniform na pala ang banda nila, pure black ah, mga rakista!  

 Sana myembro din ako ng banda nila.

Sandali, Saan nila dadalin ang mga gamit ko, bakit nila pinapakialamanan, bakit nila itatapon, ganon na ba ko kawalang halaga sa kanila?

 Ahhhh, ilalagay lang pala muna sa tabi.

 May nakita si Ron.

Nakita na niya yung iniipon kong  pera, may nakasulat don sa papel na pinagbabalutan, “PARA SA BAGONG GITARA NI RON”.  Umiyak siya. Iyakin din pala to, gitara lang iniiyakan,

Nagsasalita siya, “Ang tagal niya palang pinag iipunan ang pambayad niya sa gitara ko!!”

   At ito namang si Caloy , nagkukwento, syota niya pala yung nakita niya nung gabing iyon, may kasamang lalaki, kaya pala masama ang timpla ng mood nya pagbalik sa table namin, sabi ko na nga ba eh, ayaw niya kasing maniwala. At may pahabol pa. “Tama siya, bakit hindi ako naniwala kaagad?” sabi ni Caloy.

Buti  hihiwalayan na niya ang syota niya, at  buti nalaman na niya na hindi siya ang ama ng buntis niyang syota, kung hindi kawawa siya, syota pala  ng bayan yun.

  Itong si Cheng, si Cheng nga ba, ang ganda ah! babae na! nakabistida sa unang pagkakataon.

Teka anu to? Anu daw sabi niya? Wow!!! Sila na ni Ron!, umamin na sya, iyon pala ang ipagtatapat nila nung nag iinuman kami, sabi na nga bibigay din tong mokong na to, kinailangan pang magkunwari ni  Ron na syota nya ung pinsan niya para lang pagselosin sya, edi kung sinabi nya ng mas maaga, mas maaga sanang nagging sila. Hindi sana sila ganun kasungit, kasi inspire, inlove..

 Saglit, nagsasalita si Cheng. “ hindi ako nagselos sa inyo  noon, kaya ako nagtapat kasi sinabi niya sa akin na maigsi  lang ang buhay, na may mga bagay na kahit gusto mo nang gawin, hindi na pwede kasi wala nang pagkakataon, tama sya, tama sya..”

 (Uy tumulo na naman ang luha ni Cheng.) Sumabat na naman si tong Caloy, “Sana naparamdam natin sa kanya kung gaano siya kahalaga sa atin bago siya umalis, bago niya tayo iniwan, kasi ngayon, gusto man natin, iniwan na nya tao, huli na..

 (Wow tumutulo ang luha ko.. mahalaga nga ako sa kanila, pero hindi pa huli ang lahat, andito na ko.., mag uumpisa ulet kami..)

Lalabas na ko mula dito sa sulok at lalapit  sa kanila..

Sandali, mukang mapapahinto ako sa paglapit dahil sa nakikita kong nangyayari ngayon..

May nakita si Benjo sa mga gamit ko..

..Itutuloy

Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon