Ikatlong Kabanata
*****”Parehas kami ng kwento, magkaiba lang ng istorya.”*****
Makababa nga muna , titignan ko kung ano na ang nangyari sa best friend ko, nakatulog na rin pala siya, basa pa mata, iyakin kasi.
Ako kahit anong mangyari, hindi ako umiiyak, nginingitian ko lang ang problema, kasi lahat naman ng tao may problema, iba-iba lang at lahat ng problema nalulutas, iba iba nga lang ang paraan.
Naikwento ko na ba kung bakit kami naging best friend, kung bakit sa tagal nilang magkakasama sa boarding house namin pero sakin parin pinakamalapit ang mokong na to.
Nung niligtas niya ko noon sa magnanakaw, hinabol parin kami, nakupot kami dun sa eskenita. Marami palang mga kasama ang magnanakaw na yun, tatlo sila, dalawa lang kami, pakialamero daw ang best friend ko, nakuha na lahat ng dala namin, nasaksak pa siya.
Buti nalang may malapit na ospital, naagapan, di naman malalim ang pagkakasaksak. Sabado noon dalawang araw bago ang pasukan ng ikalawang semester, November 4. Noon lang kasi ako pumuntang Maynila dahil hindi na ko nakaabot nung unang semester kasi ayaw ako paalisin ng tiyahin ko.
Bata palang kasi ako nasa kanya na ko, pinaampon, hindi ko alam kung bakit, naku! naranasan ko lahat sa tyahin kong yun, pero dumating ang araw na di ko na kinaya, tumakas ako, wala nang ibang pagkakataon, kung di ko pa gagawin noon, kelan pa ko tatakas? Buti may nakita akong pera sa kahon nya P350, kinuha ko, kulang pa yon sa lahat ng perang kinukuh a niya sa akin araw araw sa pagtatanim ko sa bukid, hindi man lang niya ko bigyan kahit sampung piso.
Pero yung pera na yon, yung ninakaw ko, nanakaw din sa kin, at nandamay pa ko ng tao, nasaksak pa tuloy ang naglitas sa akin, ang bilis ng karma.
Ilang oras lang lumabas na kami ng ospital. Isinama niya ko sa bahay nila, sa bahay ng mga magulang niya, kukuha ng allowance para sa buwan na yon. Sabi niya sa Dad niya, nasaksak siya, nagulat ako sa sinagot ng dad niya,
“ Lagi ka naman nakikipagbasag ulo, tuwing uuwi ka nalang dito problema.” parehas pala kami, puro sermon, parehas kami ng kwento, magkaiba lang ng istorya. Mayaman siya, mahirap ako, pero parehong pareho rin.. “Kung kailangan mo ng pera , kumuha ka sa sekretarya ko”. dagdag ng dad niya sabay alis, papasok siguro sa opisina.
Kung ako sa kanya, uubusin ko lahat ng pera ng tatay niya, swerte nga niya, di na nya kailangan magtrabaho. pero malas din.
Habang pinapamiryenda ako ng katulong nila, naikwento ko sa kanya na pareho kami ng kwento ng buhay, mas halata lang sakin kasi ako tyahin ko lang yun kaya pag pinagalitan ako malala, mas masasakit na salita. Yun siguro ang dahilan kung bakit kahit siga sya sa barkada, pag dating sa akin, mabait rin pala. Kahit madalas tahimik, tumatawa rin minsan, kahit malihim, nagkukwento din naman.
Magtatayo pala sila ng banda, tinanong ko kung pwede ba ko sumali, tinanong din niya sakin kung may alam daw ba kong tugtuging instrumento, sabi ko wala. Sabi naman niya, “Sige”. nagulat ako bakit niya ko sinali, dapat daw malawak ang isip ko kasi sabi niya pwede daw ako magsusulat ng kanta kung gusto ko.
Tinuruan din niya ko ng isang kanta sa gitara ni Ron at Cheng. Mas magaling daw kasi siya mag drums kya kaunti lang alam niya sa gitara. Naikwento din niya sa akin yung girl friend niya na pilit nakikipaghiwalay sa kanya. Sabi daw nito, Pagod na daw siya sa away bati nilang relasyon. Gusto daw niya, yung matino, yung panghabang buhay.
Pero tong kaibigan ko ayaw makipaghiwalay, kaya daw siya nagpapakatino, kaya siya nagbabago. Tumiwalag na nga daw siya sa isang malaking fraternity na kinabibilangan niya, kahit pinagbantaan siya ng lider nila. Mahal na mahal niya ang girl friend niya, kaya kahit para sa babae ay wala na sila, para sa kanya, sila pa.
Yon lang ang sinabi niya sa akin, di naman kasi siya masyadong nagsasalita. nakalimutan na nga niyang banggitin pati pangalan nung babae.
Makaakyat na nga lang sa taas..
Tapos na nga pala yung unang kantang sinulat ko. Magugustuhan kaya nila?
...Itutuloy
BINABASA MO ANG
Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]
Romance********This book was written 2008. Ganun katagal nang nakatago sa baul ko. Heto, ipapabasa ko na sa'yo. ********* THEME: Dark and Sad WARNING! : This is not your ordinary Wattpad story.. SYNOPSIS: MINSAN, MAY MGA BAGAY NA DI MO INAASAHAN PERO NA...