Ikalimang Kabanata
*****"Ganun pala talaga ang buhay, kahit gaano pa karami ang nagawa mong kabutihan, isang pagkakamali mo lang, masama na ang tingin sa iyo ng tao, kahit ng mga taong akala mo kilala ka na."*****
Oo nga pala, buti naalala ko, nag yaya si Benjo kanina mag inuman sa isang bar malapit sa boarding house namin, nilakad nga lang namin, libre ni Benjo.
Alas dyis na noon, kadadating ko lang sa bahay galing sa isang mahalagang araw para sa mahal ko.Bukas kasi tutugtog kami sa isang pyesta, katulad nung ginawa namin kamakalawa.
Sa totoo nyan, sila lang pala ang tumugtog, taga dala lang kasi ako ng mga gamit, di ko pa pala naipapakita sa kanila yung sinulat kong kanta, sana sanayin na nila kong maggitara o kaya kahit magdrums man lang para di lang ako tagabitbit ng gagamitin nila.
Buti naalala ko na ang nangyari kagabi.
Ang saya namin, ang saya ko.
Parang walang problema.
Kagabi ko naranasan naranasan na maging kabilang sa kanila,
..na maging barkada nila.
Pinapansin na nila ko kahit papano.
Sabi ko sa sarili ko, "Yes tropa na nila ko". Natupad na yung nakasulat sa kantang sinulat ko, kasi kung hindi, kasinungalingaan ang nakasulat doon.
Ang gulo namin kanina, sobra.
Si Caloy, may nakita siyang kakilala doon sa gilid, umalis sandali para tignan..
Si Ron at Cheng naman, nagkukulitan nanaman, Ang saya namin.
Pero si Benjo, parang di ganun kasaya.
Nagkwento siya ng problema, kaya pala siya nagyayang mag inom. Tuluyan na raw lumayo ang syota niya sa kanya.
Naramdaman ko kung gaano kasakit ang nangyari sa kanya, dahil naramdaman ko kung paano magmahal.Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawaala sa akin ang mahal ko, kung mawala si Lisa.
Nagkwento pa siya. Hindi na nga namin napakinggan kung ano ang atat na atat na sasabihin nila Ron at Cheng kasi ayaw paawat ni Benjo.
Ikinuwento niya kung kelan sila nagkakilala.
Nabanggit din niya kung paano niya ito niligawan, at kung kelan ang araw na nakikipaghiwalay sa kanya ang babae.
Kamamatay daw ng dating girlfriend niya nung makilala niya ito.
Akala daw niya titigil na mundo niya pagkatapos mamatay ng dating girlfriend niya pero nagbago daw ang lahat ng nakilala niya ang babaeng ito, muli daw syang sumigla, muling humarap sa buhay..
...Naalala ko na ang nangyari kagabi...
Hindi pwede toh, dapat di na nila ko makita dito, baka bugbugin ako ng best friend ko.
Kailangan ko nang umalis kaagad. Baka magising pa sila. Baka itanung nila kung bakit nandito pa ko..
Ang kagabi na nga ang pinakamasayang gabi ko, pero iyon din ang pinakamalungkot. Doon ko naranasan kung paano ituring na kaibigan, ngunit ilang oras lang, naranasan ko kung paano ipagtabuyan, ..ng isang matalik kong kaibigan.
Ganun pala talaga ang buhay, kahit gaano pa karami ang nagawa mong kabutihan, isang pagkakamali mo lang, masama na ang tingin sa iyo ng tao, kahit ng mga taong akala mo kilala ka na.
..Itutuloy
BINABASA MO ANG
Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]
Romance********This book was written 2008. Ganun katagal nang nakatago sa baul ko. Heto, ipapabasa ko na sa'yo. ********* THEME: Dark and Sad WARNING! : This is not your ordinary Wattpad story.. SYNOPSIS: MINSAN, MAY MGA BAGAY NA DI MO INAASAHAN PERO NA...