Kabanata XIV ng XXV - [May naalala ako..]

588 25 6
                                    

Ika Labing-apat na Kabanata

Talagang hindi ko maalala ng buo, naapektuhan kaya ang utak ko nung pagkabugbog sa akin ni Benjo kaninang hating gabi.

Anu na nga ba ang sumunod na nangyari?

Bakit , bakit nga ba ako bumalik sa bahay gayong umalis na ko kanina?

Hayy..Hindi ko kasi naalala kanina kung ano ang nangyari.

Kaya pala sila bagsak, lasing lahat,

kaya pala umiiyak si Benjo kanina sa sala, nag away pala kami.  Pero bakit di na nya ko sinapak pagdating ko, yun lang di na nya ako pinansin, tulad ng dati pag nagkakatampuhan kami.

Hihiga nga muna ako dito sa damuhan, lagi  kong  pinupuntahan ang play ground na toh, maganda pala dito pag mag isa ka lang, pag walang tao. Hindi ko makakalimutan ang buong araw na toh. November 4.

               Uyyy....umaga na pala, gising na ko. Parang ang bilis ko natulog, parang walang nangyari. Nakatulog ba ko.? Ang dami na agad namamasyal dito.

Sandali, unang araw ng pasukan ngayon para sa 2nd semester, Naku! late na kaya ako? Anung araw na ba?

Lunes nga ba ngayon, mamayang gabi ang tugtog ng banda nila eh.

Makapaglakad lakad nga muna.

Eto, may nagtitinda ng dyaryo.

At etong mga batang makukulit , pinapagalitan ng tindera oh.

Bawal daw hawakan ang dyaryo, kaya ako, tititigan ko nalang para di ako pagalitan, wala naman kasi akong pambili.

Headlines oh, “FRATERNITY LEADER, NAMARIL, TIGOK ANG BIKTIMA.”.

May naalala ako..

Teka si ... si .... LISA!!!

... Itutuloy

Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon