Ikaapat na Kabanata
***** “Hangang isang araw, sa isang di sinasadyang pagkakataon, nagkita muli kami. At doon na nag umpisa ang lahat. Doon ko na siya sinimulang mahalin” *****
Bente pesos nalang, mapupunuan ko na rin ang ipon kong pera para sa isang kaibigan. Ilang linggo ko ring di naipasyal ang syota ko para mapunuan ang ipon kong iyon, malapit ko nang sabihin sa barkada na may syota na ko, unang syota ko.
anu kaya ang sasabihin nila..
matutuwa kaya sila...
papansinin kaya nila...
may pakialam kaya sila..
Sana...
Pero sigurado, ang best friend ko matutuwa para sa akin. Kaya lang baka magulat siya kasi wala naman akong naiikukwento sa kanya eh.
Torpe kasi ako. Kung di pa pinagtapat sa akin si Lisa eh hindi pa rin ako magtatapat sa kanya.
Siya yung nakilala ko, isang taon na, nakabungo ko, noong unang araw ko dito sa Maynila.
Di ko malilimutan ang itsura niya noon, halos di nagbago hanggang ngayon, maganda parin.
Nakakahiya nga nung mabunggo ko siya noong una naming pagkikita eh, nalaglag pa tuloy ang dala niyang bulaklak at ang suot nyang purseras sa kamay.
Pinulot ko, maganda, kahit hindi ginto ang yari ng purseras, maganda pa rin parang siya, simple pero maganda.
Lalo pang nagpaganda doon ay ang tatlong pusong nakalagay sa gitna, dalawang maliit at isang malaki. Kahit medyo malungkot si Lisa noong araw na iyon, bakas pa rin ang ganda.
Bakit kaya siya malungkot?, tanong ko sa sarili ko noon.
Hangang isang araw, sa isang di sinasadyang pagkakataon, nagkita muli kami. At doon na nag umpisa ang lahat. Doon ko na siya sinimulang mahalin. Bakit? wala namang bawal.Libre siya, Libre ako.
Makalabas nga muna. Kahit anu kasi ang gawin ko, Di ako makatulog, siguro kagigising ko lang, Lasing na lasing kaya ako kanina, wala kasi akong maalala.
Bukas ko nalang itatanong sa kanila.
... Itutuloy
BINABASA MO ANG
Ang Unang El Bimbo [COMPLETED]
Romance********This book was written 2008. Ganun katagal nang nakatago sa baul ko. Heto, ipapabasa ko na sa'yo. ********* THEME: Dark and Sad WARNING! : This is not your ordinary Wattpad story.. SYNOPSIS: MINSAN, MAY MGA BAGAY NA DI MO INAASAHAN PERO NA...