LDR4- Surprise

675 12 0
                                    

LDR Chapter 4

Kathryn's P.O.V.

"Baby ko, Kath ko, Mahal ko gising ka na. Uy. Mahal ko. Baby Kath. Gising na. I love you"

Dinilat ko ang mga mata ko. Sigurado akong narinig ko yung boses nya eh. Pero wala naman siya dito.

"Kath ko. Huy. Pansinin mo naman ko. Sagutin mo yung tawag ko."

Yung cellphone ko pala yun. -____- nirecord nya yung boses nya.

Kinuha ko yung cellphone ko at sinagot agad yung tawag.

"He---"

"Happy Birthday Baby Kath ko na mahal na mahal ko!!" sabi ni DJ

"Thank you Baby DJ ko na mahal na mahal ko." Sagot ko sa kanya

"Baby kain ka na ha? Alam kong kakagising mo lang. Mamaya ha? Susunduin kita. Okay bye I love you." sabi niya at inend nya yung tawag

"Happy 3rd Anniversary." malungkot kong sabi.

Nakalimutan kaya niya yung anniversary namin? :(

Haayy. Pumunta ako sa CR at naghilamos at nag toothbrush. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

"Manang may breakfast na po?" tanong ko sa kanya

"Oo Kath. Kakain ka na ba?" tanong nya

"Opo manang."

"Sige. Sandali lang ihahanda ko yung lamesa." sabi nya sa akin

"Manang sila Mommy at Daddy po?"

"Maaga sila umalis eh." sabi ni manang.

"San daw po pumunta?"

"Walang nabanggit Kath eh." sabi ni Manang at nilagay yung pagkain sa lamesa.

"Sige po. Salamat manang." sabi ko at kumain na

Habang kumakain maya't maya ko tinitignan yung cellphone ko. Wala manlang nagtetext sa akin. :(

Pagkatapos ko kumain umakyat na ulit ako at naghanda ng isusuot ko. Ano kayang pwede kong isuot?

Naghanap ako ng damit sa closet. Sabi ni DJ wear something na comfortable ako. Kinuha ko yung 3/4 na denim polo na binigay sa akin ni DJ dati. Tapos Black pants lang.

Pumasok na ako sa CR at ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Pagkatapos ko maligo pinatuyo ko yung buhok ko tska ko kinilulot yun. Hindi naman kulot na kulot. Very light na curls lang para magmukhang wavy yung buhok ko. Tapos cinurl ko lang yung eyelashes ko. Naglagay lang ako ng konting lip tint at blush on. Pag kasi hindi ako nagmemake up ng konti laging sinasabi ni DJ na maputla daw ako...

Sinuot ko yung necklace na binigay sa akin ni DJ tska yung watch na pareho kami. Kinuha ko yung black kong vans sa shoe rack ko at isinuot na yun. Kumuha ako ng black na sling bag tapos nilagay ko dun yung wallet at cellphone ko.

Ready na ako.

*pot pot* (busina yan)

Sakto naman yung pagdating ni DJ bumaba agad ako.

"Manang alis na po ako." sabi ko

"Mag ingat kayo." sabi ni Manang at lumabas na ako

Paglabas ko nakita ko si DJ. Napanganga ako kasi parehong pareho kami ng suot?! Pati yung necklace at watch.

"Gaya gaya ka." sabi ko sa kanya

"Malay ko bang ganito din ang isusuot mo." sabay ngiting nakakaloko.

Long Distance Relationship (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon