Kathryn's P.O.V.Last day na namin dito sa Pampanga. Kahapon nag roadtrip lang kami. Kung saan saan kami nakarating. :)
Nagliligpit na kami ng mga gamit namin. Pupunta ulit kami sa bahay nila Tita Mina at pagkatapos ay uuwi na kami pabalik sa Manila.
"Okay na ba yung gamit nyo?" tanong ni Anikka.
"Okay na. Hay! Matatapos na ang bakasyon natin. Bitin!!" sabi ni Miles.
"May kasunod pa naman 'to for sure eh." sabi ko sa kanila.
"Oo nga! Sana sa isang araw na agad." sabi ni Anikka
"Atat lang magbakasyon ulit? Hahahaha!" sabi ni Miles.
"Medyo lang naman. Boring kasi sa bahay." sabi ni Anikka
*tok tok*
"Tapos na ba kayo jan?" sabi ni Katsumi.
"Tapos na." sabi namin.
Binuksan ni Katsumi yung pinto at pumasok sa kwarto.
"Tulungan ko na kayo sa gamit nyo." sabi niya at kinuha ang mga gamit namin.
"Wow! Ang lakas mo ha? Superman lang ang peg?" natatawa kong sabi.
"Ang bigat kaya ng gamit nyo. Seth! DJ! Kunin nyo nga dito mga gamit ng gelpren nyo!" sigaw niya.
"Nagprisinta ka tapos magrereklamo ka. Akin na nga yung bag ko." sabi ni Miles.
"Hindi na. Ako na." sabi ni Katsumi at bumaba na dala yung bag ni Miles.
Umakyat naman sila Seth at DJ at dinala yung bag namin.
"Eto na lahat ng gamit mo Baby? Wala ka na bang naiwan?" tanong niya.
"Wala na." sabi ko sa kanya.
"Sige, tara na." sabi niya. Bumaba narin kami.
Pagbaba namin nandun na ang barkada at si Manang Rosing.
"Aalis na kayo. Malungkot nanaman dito sa bahay." sabi ni Manang Rosing.
"Wag po kayo mag-alala manang, pag po hindi kami busy dadalawin po ulit namin kayo." sabi ko sa kanya.
"Aasahan ko yan ha? Mag iingat kayong lahat." sabi sa amin ni Manang.
"Kayo din po. Mag iingat kayo dito parati." sabi ni Daniel kay Manang.
"Osya, lumakad na kayo. Para di na kayo gabihin pa. May iba pa ba kayong pupuntahan?" tanong sa amin ni Manang.
"Pupunta daw po kami kla Tita Mina. Dun po kami kakain ng lunch tapos uuwi na kami." sagot ni JC sa kanya.
"Sige po, aalis na po kami. Salamat po manang." sabi ko at niyakap siya.
"Sige, hanggang sa muli." sabi sa amin ni Manang.
Lumabas na kami at inayos ang mga gamit namin sa Van. Pagkatapos ay sumakay na rin kami at bumyahe papunta sa bahay ni Tita Mina.
Katabi ko ngayon si DJ at Lester. Kinalabit ko si Lester na nakapikit.
"Bakit?" tanong niya at tumingin sa akin.
"Handa ka na bang kausapin siya?" bulong ko.
"Sa tingin ko, Oo. Alam ko na kung sino talaga ang laman nito." sabi niya at tinuro ang kaliwang parte ng dibdib niya.
"Sana tama ang desisyon mo Les. Kung hindi mo piliin si Miles alam kong maiintindihan niya at ganun din naman si Vanessa." bulong ko ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (KN)
Fanfic"Distance means so little when someone means so much."