LDR Chapter 6
Daniel's P.O.V.
Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Natatakot ako. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita siya ulit.
Naka move on na ako sa kanya. Meron na akong Kathryn. Pero hindi ko pa talaga alam kung handa na ba akong makaharap siya ulit.
She was my bestfriend, my first love, first girlfriend, first kiss and first heartbreak.
Bakit bumalik pa siya? Sana hindi nalang siya bumalik...
"Hello! Daniel! Kanina pa kami nandito. Kanina ka namin kinakausap pero tulala ka jan." Sabi ni Katsumi
"May problema ba 'tol?" tanong ni JC
"Lester, totoo ba yung sinabi mo na bumalik na si Nadine?" tanong ko sa kanya
"Wag mo sabihing affected ka sa pagbalik niya. Paalala ko lang 'pre. May Kathryn ka na." sabi ni Lester
"Hindi. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita siya ulit pagkatapos ng ginawa niya sa akin." Sabi ko
"Wag ka na magpaapekto 'tol. Nakaraan mo na siya. Past na." sabi ni Seth
*beep!*
Binuksan ko yung message...
From: Kathryn Ko
Baby nasan ka?
--
To: Kathryn Ko
Nasan condo lang kasama yung 4 na panget. Bakit baby?
*sent!*
--
From: Kathryn Ko
Wala naman. Wala kasing magawa dito sa bahay eh.
--
To: Kathryn Ko
Punta ka dito maya baby? Dito ka maglunch. Pagluto mo ako. Miss ko na yung Adobo mo.
*sent!*
--
From: Kathryn Ko
Sige baby. Papahatid nalang ako kay Kuya Romeo. Ligo muna ako. Okay? Love you.
--
To: Kathryn Ko
Okay baby ko. Ingat kayo. I love you.
*sent!*
--
Tinago ko na yung cellphone ko sa bulsa ko.
*Ding dong*
"Ako na magbukas." sabi ni Seth at pumunta na siya sa may pinto para buksan yun
"May ineexpect ka bang bisita?" tanong ni Lester
"Si Kathryn lang pre. Mamayang lunch pupunta siya dito." sabi ko
"Ahh. Tol. May naghahanap sayo." sabi ni Seth
"Sino?" tanong ko at may babaeng kamukha ni Kathryn ang lumapit sa akin
"Hi Deej. Missed me bestfriend?" tanong niya
"N-n-Nadine? A-anong ginagawa mo dito?"
"Aren't you happy to see me bestfriend?" tanong niya sabay sad face
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (KN)
Фанфик"Distance means so little when someone means so much."