LDR9- Problem?

417 11 0
                                    





LDR Chapter 9


APRIL 1

Kathryn's P.O.V.

Tumawag sa akin kanina yung staff nung WOFEX 2014. And Guess what?? Isa ako sa nabunot nila!! Ang saya saya!!

Tinext ko agad si DJ about the good news pero di pa siya nagrereply. Siguro tulog pa yun.

Binuksan ko nalang yung twitter ko. Hay. Namimiss ko na si DJ. 3 days na kaming di nagkikita. Huli pa naming pagkikita yung nag-mall kami. :/

Nagtweet ako.

@bernardokath:

I miss you baby :'(

*tweet sent!*

Nagbasa ako ng mga tweets sa interactions ko. May mga nagtweet about sa WOFEX. Ginu-good luck nila ako. Finavorite ko naman yung tweets nila. Pero may isang tweet ang nakakuha ng pansin ko...

@stllmrisdro

Nagkabalikan na ba sila @imdanielpadilla and @nadinelustre? Paano na si @bernardokath?? :((

Tapos may naka- attatch na picture tweet. Tinignan ko yung picture...

Magkasama si Nadine at DJ. Mukhang masayang masaya silang dalawa. Nakahawak pa si DJ sa bewang ni Nadine. Mukhang sa Lobby ng Condo ni Dj nakuhaan yung picture.

-

NagDM ako dun sa nagtweet sa akin.

@bernardokath: when was that photo taken?
@stllmrisdro: kanina lang po.

--

Sobra akong nanggalaiti! Kinuha ko yung Phone ko at tinawagan si DJ.

*ring ring ring ring*

(Hello Baby?)

"Nasaan ka?"

(Nasa bahay lang. Bakit baby?) LIAR!

"Talaga? Nasa bahay ka?"

(Oo baby. Bakit mo natanong?)

"May nakita kasi akong picture niyo ni Nadine eh. Nasa Lobby nung Condo mo. Mukhang ang saya saya niyo nga eh. Nakahawak ka pa sa bewang niya. Eh nasa BAHAY ka pala. Baka hindi ikaw yun. Baka kamukha mo lang."

Sabi ko at in-end call na.

"I hate you!!!!" sigaw ko

*ring ring*

*Daniel Ko calling...*

Hindi ko pinansin yung tawag niya. Nilagay ko sa drawer ko yung Cellphone ko. Walang tigil sa pagring eh.

"I knew it. Mang-aagaw talaga yung Nadine na yun! Walang hiya siya."

Nag-punta na ako sa Walk-in closet ko para kumuha ng Damit. Naligo na ako at ginawa ko na ang mga dapat gawin. After ko mag ayos bumaba na ako para kumain ng Lunch.

After ko kumain umupo lang ako sa Sala at nanuod ng TV. Grabe. Ang boring. Wala akong kasama sa bahay. Day off ni Manang. Sila Mama at Papa naman nasa Company. :(

*tok tok*

Binuksan ko agad yung pinto. Pagbukas ko nandun si Daniel. Isasara ko na sana yung pinto pero inipit niyo yung paa niya sa pinto.

"Kath, kausapin mo naman ako." sabi niya

"Ayaw kitang makita! Bwisit ka! Umalis ka na!"

Long Distance Relationship (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon